Chapter 13

3774 Words
(Dark Secret) Winter Pov. "Perlicida?" natigilan ako sa paghakbang ng marinig ang boses ni angelina. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ni lola perla. Hindi ko inaasahang makakauwi agad si lola at talagang sinadya ng tadhanang pagtagpuin ang landas nila ni mrs falcon. Naghihintay ako sa susunod na mangyari habang tila'y inuod na ang aking paa dahil sa hindi ko na ito maihakbang pa. "Anong nangyari?" I heard lola perla voice. She was asking her with full of curiousity about what happening. "Ikaw ba ang nagmamay-ari sa paupahang ito?" muli ay tinig iyon ni angelina. Tuluyan ko ng iginalaw ang aking paa upang masilayan ng tuluyan kung ano na ang kaganap sa labas. Nasa tapat pa rin ng pinto si angelina kaya't nakasilip lamang ako. Hindi ako tuluyang makalabas habang sinusuri ko ang ekspresyon ni lola. "Ako ang lola ni winter." abot tahip ang kaba ko sa isinagot ni lola. Tahimik ang naging sukli sa kasagutang ibinigay nito, kalaunan ay tumango si angelina ngunit wala akong ideya kung ano nga ba ang naging reaksyon niya sa nalaman. "Napaka-liit nga naman ng mundo." she commented. Bahagyang natutuwa ang tinig ngunit may halong sarkasmo. "Hindi ko ito inaasahan. Well, mabigat ang loob ko sa apo niyo. Kanino ba siya anak?" Napalunok ako. Alam 'kong may pagka-prangka na itong si angelina. Ngunit hindi ako ganito makipag-usap sa matanda. Walang respeto, ngunit tila may pinaghuhugutan ito na hangga ngayon ay hindi niya pa nakakalimutan. "Anak siya ni henry." Nag-iwas ng tingin si angelina bago matawa. Alam 'kong nakakagulat na malamang anak ako ng naging kasintahan niya. Nang isang lalakeng pinagtaksilan siya at ako mismo ang naging bunga. "May ideya na ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya sa tuwing magkikita kami, anak pala siya ni elena." Mabibigat ang aking paghinga habang nakayukong nakatingin sa aking paa. Hindi ko man ramdam kung gaano masaktan o pagtaksilan ngunit nararapat lamang na kalimutan na iyon dahil nakalipas na, may kanya-kanya na silang buhay at ang nangyari sa nakaraan ay isang aral lamang iyon o sadyang nakatadhana nga na mangyari ang bagay na hindi kagustuhan ng lahat. "Siya ang nag-iisang anak ni elena at henry.." ani lola. Hindi na nagbigay komento pa si angelina habang iwas na ang tingin kay lola. "Maging kami ay nagulat ng malamang isang falcon ang batang ito. Napalapit na siya sa amin, kaya't ng humingi siya ng tulong ay hindi na ako nag-alinlangan pang tulungan siya dahil anak mo ito." Bumuntong hininga si angelina. "I'm sorry about my son behaviour. Pagsasabihan ko na lamang siya sa bahay." "Hindi siya naging problema dito, Hija." "Matigas ang ulo ng anak ko. Kilala ko siya, ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi niyo siya pinabayaan." "Ang apo ko ang siyang nakaantabay sa kanya." natahimik si angelina sa isinagot ni lola. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin dahil hindi niya talaga ako nais tingnan. Nararamdaman ko iyon kahit hindi niya sabihin. "Mauuna na kami, salamat at hinayaan niyong manatili ang anak ko dito. Mag-iiwan ako ng tao dito upang bayaran ang bahay na kanyang tinirhan." hindi na nagbigay imik si lola ng lumakad na ito paalis. Sumakay siya ng kotse kung saan may guwardya na naghihintay sa pagpasok ni ashong. Dalawa ang kotseng narito. Ang dami nilang kasama na talaga namang pinaghandaan ni angelina. Ngumiti si ashong kay lola bago magpasalamat. Nilingon niya pa ako bago senyasang tatawag diya siya sa akin, bahagyang bumuka ang labi ko habang pinapanood siyang sumakay ng kotse. Tulala ako sa tabi ng pinto habang tinatanaw ang papalayong kotse na sinasakyan nila. Doon na rin dumating ang landlady na agad kinausap ni lola. May naiwang tao rito at sila na lamang ang nag-usap. Pumasok na lamang muli ako sa loob kung saan inililibot ko ang tingin sa mga gamit na naiwan ni ashong. Napabuntong hininga ako dahil sa nangyari. Natural na hindi na niya ito babalikan pa. Kung i-uuwi niya pa ang mga gamit niyang ito ay baka gawin lamang ni angelina na basahan ang mga damit niya, siguradong ipapatapon niya lahat ito kung sakali. "Paano ang mga gamit na naiwan niya?" nilingon ko ang landlady ng pumasok ito. Kasunod niya si lola na nakatingin sa gamit ni ashong. "Hindi niya na po kukunin ang mga ito." "Sigurado ka ba? Aba't ang mamahal ng mga gamit niya, hindi ko akalaing mayaman pala ang binatang 'yon." nag-iwas na lamang ako ng tingin sa sinabi ng landlady. Hinayaan ko siyang suriin ang mga gamit ni ashong. Wala din naman na akong magagawa pa kung hindi iwan na lang ang lahat ng yan dito. "Nakapag-usap ba kayo ni angelina?" nag-angat ako ng tingin kay lola. Umiling ako bago bumuntong hininga. "Hindi po." "Wala ba siyang sinabi tungkol sa pananatili ni philip dito?" muli akong umiling upang magsinungaling. Hindi ko na nais isipin pa iyon ni lola, ayokong sumama lamang ang loob niya sa mga pinagsasabi ni angelina kanina. "Nagtanong lamang po siya kung anong nangyari kay philip. Inalok niya itong umuwi na upang matingnan muli siya ng doctor." Tumango tango si lola sa sinabi ko. "Mabuti naman at hindi ito nagalit sa'yo. Ngunit nagtataka lamang ako sa sinabi niya kanina, nagkita na ba kayo ng ilang beses?" napapatitig ako kay lola sa tanong niya. Dalawang beses pa akong kumarap bago mabilisang tumango. "N-nagkita na nga ho kami sa unibersidad." "Ganoon ba? Hindi ba maganda ang unang pagkikita niyo?" Umiling lamang ako. Ayoko ng magsalita pa dahil nakakagawa lamang ako ng kasinungalingan. Bukod tanging buntong hininga lamang ang ginawa ni lola sa sagot ko. "Ganoon talaga ang ugali ni angelina. Medyo may pagka-magaspang ngunit mabait naman at maasahan." Tumango ako. "Lahat naman po ng tao ay may tinatagong kabutihan. Hindi lang talaga magaan ang loob ni angelina sa akin dahil isa akong villapania." "Huwag mong isipin iyan, apo. Hindi iyon tungkol doon. Ang ugali ni angelina ay hindi niya kontrolado, masakit siyang magsalita ngunit mabuti itong tao." naging tahimik na lamang ako sa sinabing iyon ni lola. Alam kong pinagagaan lamang niya ang loob ko dahil hindi niya nais isipin kong kasalanan ko ang lahat. Na ako ang dahilan kung bakit nasaktan si angelina noon. BUONG araw lamang akong nanatili sa aking kwarto ng araw na 'yon. Ang dahilan ko kay lola ay kailangan kong magreview para bukas. Naitanong niya kasi kung maayos lamang ba ang pakiramdam ko, tumango ako ng itanong niya iyon sa akin. Pansin kong nag-aalala sa akin si lola ngunit wala ako sa kundisyon upang manatili sa labas. Kinabukasan din ng makita ko ang aking cellphone, Sandamakmak na missedcall lamang ang meron ako dahil hindi ko na ito tiningnan pa kagabi. Inabala ko ang sarili upang kalimutan na lamang ang nangyari. Nakasilent ito kaya't ang tawag ni calix at ashong ay hindi ko naisagot, lamang sa call at text si ashong kesa kay calix. Hindi mapilit na tao si calix kung hindi ako magrereply dito, hindi tulad ni ashong na tila unlimited ang load dahil sa isang daan na mensahe sa akin at 65 missedcalls na natanggap ko mula sa kanya. Napabuntong hininga ako. Nakapagluto na ako ng almusal at nakasabay ko na si lola sa pagkain. Marami siyang tela na tataihin na nabili niya malapit sa simbahan. Abala na ito sa harapan ng tv habang nanunuod ng balita at may hawak na karayom. Nakaupo ako sa single sofa habang itinatali ko ang aking sintas. Ngunit natigilan din kami ng marinig ang tunog ng kotse sa tapat ng bahay. Bumusina ito bago ako tumayo upang silipin kung sino iyon. Natanawan ko si calix na pababa sa kanyang kotse. Lumakad ito palapit sa akin habang suot ang uniporme ng isang criminology. Ang tangkad niya ng makalapit sa akin, hinalikan niya ako sa pisngi ng tuluyang marating ang pwesto ko. He greeted me before glanced at lola who still on her place. Lumapit si calix upang magmano, madaling umusbong ang ngiti ni lola habang nakatingin sa kasintahan ko. Ngunit imbes na matuwa ako ay tila nadismaya pa akong hindi si ashong ang dumating. Alam kong mali, ngunit ito ang nararamdaman ko ngayon. "Isasabay ko na po si winter." tumango si lola. "Sige. Mag-iingat kayo, pagbutihan niyo ang pag-aaral." ngumiti ako kay lola bago kunin ang aking bag. Kinuha ni calix ang dalawang libro na ibabalik ko sa library mamaya. "Mauuna na kami, la." muli ay tumango lamang si lola ng magpaalam ako. Inalalayan akong maglakad ni calix bago pagbuksan ng pinto. Mabilis siyang umikot sa driverseat habang dala ang dalawang libro. Naupo ito bago iyon ilapag sa likuran. Nginitian niya pa ako habang binubuhay na ang makina. "I call you last night, wen. But you didn't answer me." naisara ko ng todo ang bibig dahil sa sinabi niya. Nilingon niya ako ng panandalian habang nag-uumpisa ng umandar ang kotse. "Nag-advance read kasi ako kagabi para ngayon, baka kasi may surprise quiz ang professor namin." totoo naman ang aking dahilan ngunit nahahabag ang loob ko. Hindi maayos ang mood ko kahapon dahil lamang sa pagkikita namin ni angelina, hindi ko nga alam kung may pumasok ba sa ulo ko tungkol sa nireview ko kagabi. Parang wala. "Ang sipag naman ng girlfriend ko." Pilit ang aking ngiti sa sinabi niyang iyon. Hindi na ako tinatablan ng kilig sa mabangong sinasabi ni calix. Nawala na ang nararamdaman ko noon, tuluyan ng nabaling lahat kay ashong na hindi ko alam kung paano nangyari. Dahil ba iyon sa kakulitan niya? Dahil ba madalas kaming magkita kesa kay calix? Napabuntong hininga ako. Inihatid ako ni calix sa aming silid ng marating ang fatima. Wala pa ang professor namin kaya't huminto muna ako sa tapat ng pinto upang magpasalamat. Ngunit lumagpas lamang ang tingin ko sa likuran ni calix ng makita ang lalakeng nakatayo sa likuran niya. Dumaan sila ashong kasama si giovanni. Nakatingin ito sa akin na may kunot ang noo. Nilagpasan nito ang aming silid, hindi siya huminto kung hindi lamang kinausap ni giovanni ang babae sa kabilang classroom. "Are you okay, wen?" natinag ako sa tinig ni calix. Doon muli ako sumulyap rito na may nagtatakang tingin sa biglang pagkatigil ko. Tumango ako. "O-oo, anong oras ba ang klase mo?" "Alas siete, Mauuna na ako niyan." muli ay tumango ako. Pinisil niya ang aking pisngi bago magpaalam na aalis na, ngunit bumalik rin siya agad upang sabihin na sabay kaming maglunch mamaya. "Before twelve nandito na ako, susunduin kita." "S-sige.." "Alright. I'll go ahead." Tuluyan na nga itong nagpaalam. Sa kabilang daan ito bumaba. Hindi na nito nakita si ashong na ngayo'y palapit na sa pwesto ko. Kunot pa rin ang noo niya at hindi maipinta ang mukha. Kumurba ang labi niya bago tingnan ang daan kung saan bumaba si calix. "Bantay sarado ka ni montemayor, huh." huminga ako ng malalim bago mag-iwas ng tingin. Kanina pa ako nakakarinig ng bulungan na siyang nakasanayan ko na. Karamihan ay mga negatibo paukol sa akin, ngunit hindi ko na iyon dapat pansinin pa dahil ito na rin naman ang huling taon ko rito. "Tinatawagan kita kagabi, pero hindi mo ako sinasagot. Kausap mo ba ang lalakeng 'yon?" "Hindi mo ako matatawagan kung kausap ko si calix." "Pero maaari kayong mag-usap sa pamamagitan ng text. Nakakaabala ba ako kagabi?" bumuntong hininga muli ako. "Hindi kami nag-usap o nagkaroon ng oras para itext ang isa't isa. Nagbasa lang ako buong araw." naging mahinahon ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong mag-explain, ayoko lamang siyang mag-isip ng iba tungkol sa hindi ko pagsagot sa kanyang tawag. "Akala ko naglalaan ka ng oras sa kanya. At sa akin, hindi." "Mas lamang ang nalaan kong oras sa'yo, ashong. Tigilan mo na ang kakaisip doon." nag-iwas siya ng tingin, pairap na parang nagtatampo. "Kumusta ang naging pag-uwi mo kahapon?" muli ay sumulyap siya sa'kin. Kunot na naman ang noo niya dahil sa tanong ko. "As usuall. Napagalitan, ano pa bang bago?" "Dahil ba sakin?" matindi ang pagkakasalubong ng kanyang kilay sa tanong ko.. "Bakit mo iniisip na dahil sa'yo?" "Dahil ako naman ang nagtulak sa'yo na manatili sa paupahang iyon, kasalanan ko." "Tsk. Wala kang kasalanan, huwag mo ngang isipin iyon!" Nag-iwas ako ng tingin. Kahit anong isipin ko ako naman talaga ang nag-udyok sa kanyang manatili sa lugar na 'yon. Kung pinagsabihan ko na lamang siyang umuwi imbes na kunsintihin sa nais niya edi sana hindi na sila nagkaroon ng problema pa. "Wala ka pa bang klase?" Iniba ko ang usapan ngunit ang titig sa akin ni ashong ay hindi napapalitan. "Mamaya pa akong alas otso." Tumango ako. "Papasok na ako sa loob." "We're still talking, winter. Tatalikuran muna naman ako." isang titig na hindi makapaniwala ang iginawad ko. May oras na naman siyang magdrama, nagkita pa lang kami kahapon at halos ilang araw din kaming nagsama, kailan ko siya tinalikuran? "Wag mo akong dramahan, philip." he looked at me with an amazed expression when i mention his real name. Hawak niya pa ang dibdib habang nakatingin sa akin. "Can you say it again?" "Umalis ka na, ashong. Masyado ka ng agaw eksena." madali din napawi ang galak sa kanyang mukha. Napakababaw talaga ng kaligayahan. "Minsan mo na nga lang sabihin ang pangalan ko, hindi mo pa sulitin. But i like when you call me ashong, I feel that i'm unique. Maganda naman." Napaismid ako. "Umalis ka na." "Tsk. Pinagtatabuyan mo talaga ako? Wala bang magandang paraan para paalisin mo ako, pwede mo namang sabihing. You can leave now, and have a safe walk with your friends." napaka-arte ng pagsasalita niya. Umiling ako sa ganitong asal ni aahong, magbabago pa ba ang lalakeng ito sa tagal ng panahon. How i wish no, dahil ang kakulitan niya ang nagpapangiti sa akin. "Okay. Take care." tinalikuran ko na ito ng mag-umpisa siyang ngumiti. Alam kong hindi niya ako titigilan kung hindi pa ako lilisan sa kanyang harapan. Naupo ako sa pwesto ko at ni hindi ko na siya sinulyapan. Ngunit tanaw ko pa ito mula sa gilid ng aking mata. Kung hindi lang yata dumating ang professor ay hindi siya aalis. Inuulan pa ako ng tanong na hindi ko binibigyan ng sagot. Alam kong huhusgahan lang naman nila ako kaya't mananahimik na lamang akong mag-isa. Nagbigay nga ng quiz ang aming professor ngayon. Mabuti na lang at may tumatak naman sa isip ko at hindi ako naging zero. Lahat ng subject ay halos ganoon lang ang nangyari, may darating na exam bukas dahil sa susunod na linggo ay OJT na namin. Nakapag-decide akong dito na lamang malapit sa village. Sa elementary kung saan grade six ang aking titingnan. Hindi na masama, Mas nais 'kong turuan ang mga bata. Hindi naman din maikli ang pasensya ko sa mga bata. LUNCH break nga ng dumating si calix. Dumiretso na kami sa cafeteria kasama ang kaibigan nitong si apollo. Naupo kami sa permanenteng pwesto nila. Wala silang kasama kundi kaming tatlo lang. Nag-order si apollo ng maglahad si calix ng pera. May naitanong pa sa akin si calix ngunit hindi ko rin nasagot ng magawi ang paningin ko kay giovanni na naupo malapit kay calix. "I saw you last night, cal. Sino yung kasama mo?" kunot ang noo ni calix sa tanong ni giovanni. Ngunit napaisip rin ito kung sino ang tinutukoy na kasama niya. "Friend." maikli ang sagot ni calix. Iniwas na ang tingin at muli sa akin bumaling. "Talaga? Mukhang kinukulit ka ng friend mo kagabi, huh?" "Will you please stop talking." nairita ng ganon kadali si calix. Wala akong ideya kung babae o lalake ang tinutukoy ni giovanni. Hindi rin naman na ako nag-uusisa sa mga bagay na ginagawa ni calix sa tuwing hindi kami nagkikita. Dumating si apollo dala ang ilang order niya, may kasunod itong babae na nagtatrabaho dito. Ngunit sumunod na dumating si ashong na may dalang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa pwesto malapit kay giovanni. Tumabi rin siya kay apollo habang iniisi-isa niyang ilapag ang pagkain na binili nila. Gulay at karne ang ibinili sa akin ni calix. Nakalibre ako ng tanghalian ngunit nakagawi ang paningin ko sa paboritong pagkain ko na nasa tray nila ashong. Nginisian niya ako habang kumakagat sa chicken fillet na hawak niya. Inismiran ko ito bago tikman ang gulay na binili sa akin ni calix. "Bakit pinapakain mo ng d**o ang girlfriend mo?" ashong asked while a little bit laughing. Sumama ang tingin ni calix sa sinabi niyang iyon. "This is healthy foods, philip." "Hindi mabubusog ang babae diyan, kung ako man ang magkakaroon ng girlfriend hindi ko siya pakakain ng damo." "You already have a girlfriend." sumingit si apollo. Nagkibit balikat si ashong bago sabihing kumplikado na ang relasyon nila ni trixie. "Trixie didn't answer my call since she left me. Anong relasyon ang meron kami?" "But your still taken." angil ni apollo. Philip smirked before looked at me. "Yes, My heart is taken already." muli ay kumagat ito sa hawak niyang pagkain. Tinutukso ako dahilan upang mag-iwas ako ng tingin. Walang hiya talaga. Kalahating oras lamang ang meron si calix dahil kailangan niyang bumalik agad sa kanilang silid. Kasama nito si apollo na nagmamadali rin, they're have a practice na hindi ko maintindihan. 4th year student sila sa kursong criminology. Medyo nahihirapan daw sila ngunit pinupursigi naman nila iyon dahil sa nais nilang makapagtapos. Tumayo ako matapos nilang lumisan. Gaya ng dati ay hinabilin muna ako ni calix kay giovanni na kung maaari ba ay ihatid niya ako sa aking silid. Hindi iyan tatanggi dahil kay ashong. Malaki ang ngisi ng lalakeng ito sa akin, mas lalong dumagdag ang lakas ng kanyang dating kumpara kay calix. Well calix is handsome too, pero smooth ang mukha niya. Tingin pa lang ay mabait at matalino na. Si ashong gwapo naman, ngunit nagmumukha siyang playboy minsan badboy sa ngisi niya, malakas ang karisma nito sa mga babae. Sa tuwing ngingiti siya, gumagandang lalake siya lalo. "I have here for you." may inilapag si ashong sa harapan ko. Naka-paper bag iyon na kulay pula, I don't know what is the thing inside the paperbag. Hindi ko hinawakan dahil nakatingin lang ako doon. "That's a chicken fillet." ashong added like he read what's on my mind. Alam niyang hindi ko iyon matatanggihan dahil paborito ko ang mga ito. Hindi ko maipakita ang reaksyon ko dahil nahihiya ako kay giovanni. "Ako na ang maghahatid sa'yo." tumayo si ashong bago lumapit sa akin. Kinuha niya ang dalawang libro ko at tumayo sa aking gilid. Naghihintay sa pagkilos ko. "I have class too, winter. Let's go." walang imik akong tumayo lalo na ng abutin ko ang paperbag. Hindi rin naman nagbigay komento si giovanni dahil naiiling lamang siyang nakangiti. Dumaan kami sa likod ng cafeteria. Nasabi ko kasing ibabalik ko ang mga librong dala niya dahil hiniram ko lamang iyon sa library. Kunot ang noo niya habang naglalakad kami. "Hilig mo talaga ang magbasa?" "Gumagaan kasi ang pakiramdam ko pag nagbabasa ako." nakatitig si ashong sa akin habang naglalakad kami. Mabuti na lang at diretso ang hallway at walang gaanong studyante. Ngumiti siya. "Gumagaan naman ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin ako sa'yo." napailing ako. "Gaano kagaan?" "Parang lumulutang ako. I can't explain, marami akong nararamdaman." "Baka high ka lang." Sumama ang tingin niya sakin. "Ang sama mo talaga sa akin, winter." "Ganyan lang ako kasweet ashong." nauna na akong lumakad ng huminto siya sa paglalakad. May oras pa yatang kiligin kaya't ayun ay humahabol na sa likuran ko. "Nilalambing mo na ba ako 'non?" hindi siya maka-get over sa sinabi ko. Nilingon ko siya. "Hindi." "Kung ganon, ano iyon?" "Pag nilambing kita baka mahimatay ka." Natawa siya. "Talaga? Paano nga kase?" "Sasapikin kita sa sobrang kilig ko." Sumama ang mukha niya ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin. Pumasok na ako sa library at iniwan siyang nakasimangot. Dumiretso ako sa librarian upang ipaalam na ibabalik ko na ang mga libro, tumango siya habang nakasunod sa akin si ashong. Dumaan kami sa malalaking shelve na naglalaman ng mga biology books. May mga babaeng nasa mahabang mesa na nagtatawanan. I recognized them when i saw the group of girls. Mga kaibigan ni trixie noon na nag-uusap. "Trixie is not really a true friend. Alam mo bang manggagamit lamang siya." natigilan ako ng ipatong ko ang libro sa itaas. Nasa gilid ko si ashong at alam kong naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga kababaihan. "Hindi naman talaga niya gusto si philip. Alam mo, naiinis ako sa kanya dahil bakit kailangan niya pang sagutin si philip kung si apollo naman ang gusto niya?" Hindi ko alam kung paano titingnan si ashong. I know he's mad now because of what he heard. Bakit ang daldal ng mga kaibigan ni trixie? Kaibigan nga ba sila? "Trixie's mother told that philip is good for her. Kaya sinagot niya dahil mayaman." "Mayaman din naman si apollo." "But philip is good enough. Atsaka, may kumpanya ang mga falcon. Siya lang ang nag-iisang anak. Sila apollo, lima yatang magkakapatid." "Kung ganon, pera lang talaga ang dahilan?" "Yes. Trixie told me before she leave. Mabigat kasi ang loob niya at hindi nito masabi kay philip, naaawa tuloy ako kay philip." Umalis na si ashong matapos niyang marinig iyon. Mabilis ang naging pagsunod ko dahil sa ibang landas na tinatahak niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip nito ngunit nais ko siyang komprontahin at kausapin tungkol sa nagawa ng pinsan ko. "Ashong sandali!" hindi niya ako nilingon. Nasa parkinglot na kami kung saan tinutungo na nito ang kotse niya. But i stop when i saw deborah and calix. Bahagya akong natigilan kung saan nakikita kong hinahawakan ni deborah ang braso ni calix. Umiiyak siya sa hindi ko malaman na dahilan. "I-im p-pregnant." deborah speak while i'm still standing behind the car. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila malapit sa kotse. Bukas ang pinto ni calix dahil halatang nagbabadya itong pumasok sa loob. Ngunit nagtataka ako kung bakit narito siya? Ang sabi nito ay may practice silang gagawin. "Bakit sa akin mo sinasabi 'yan?" calix answered with a irritated voice. Hindi nito nilingon si deborah dahil nanatili siyang nakatalikod. "Because you are the one who need to know this first. Buntis ako at ikaw ang ama ng batang dinadala ko." Nabitan ko ang hawak na paperbag dahil sa narinig mula kay deborah. Hindi ko magawang kumurap habang pinapasok sa isip ko kung anong sinabi niya. Hinarap siya ni calix. Iyon ang naging dahilan kaya't tuluyan na niya akong nasilayan. Kakaibang gulat ang nabasa ko sa kanyang mata. Hindi ako makagalaw lalo na ng agad siyang lumapit sa akin upang hawakan ang kamay ko, napaatras ako hindi dahil lumayo ako sa kanya. Kundi may kamay na humila sa akin palayo kay calix. ****** to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD