(Angelina Falcon)
Third Person Pov.
Hindi nakatulog ng maayos si philip dahil naninibago ito sa lugar kung nasaan siya. Hindi nito nakasanayan ang lugar na masikip, Idagdag mo pa na napaka-init ng lugar dahil walang aircon sa loob. May electricfan nga ngunit napaka-lamok pa rin, may nakikita itong mga daga na patakbo-takbo malapit sa kanyang kinahihigaan.
Ngunit sa kagustuhan nitong mapalapit kay winter ay hindi ito nagreklamo ukol doon. Hindi nais ipaalam ni philip kung anong lugar ang kinalalagian niya, hindi nito gustong pauwiin siya ng dalaga dahil natutuwa siya na madalas silang magkita, ano mang oras ay masisilayan niya ang dalaga kung gustuhin niya man itong makita.
Napapangiti si philip habang nakaupo sa kama. Inalala nito ang nangyari kagabi, kahit medyo nababadtrip ito sa tuwing maaalala niyang nagkita sila ni calix ay napapawi rin iyon sa oras na isipin niyang siya ang gusto ni winter at hindi ang binatang iyon.
Alam niya sa sarili kung gaano kakumplikado ang kanyang ginagawa. Ngunit alam nitong magiging maayos din ang lahat kung ipaglalaban niya kung ano ang kanyang nararamdaman.
Tumayo siya upang lumabas ng apartment. Napaka-aga pa at hindi pa nasinag ang araw. Maraming taong dumadaan sa kanyang nilalakaran palabas ng village, karamihan ay dalagang nag-jojogging na napapatingin sa kanya.
Philip ignore them even the girls smiled at him. Hindi siya interesado dahil iba ang ngiting nais niyang suklian.
Plano niya sanang kumatok sa pinto nila winter. Ngunit nakabukas iyon kaya't malaya siyang nakapasok. Naabutan nito si lola perla na nakaupo malapit sa lamesa. Umiinom lamang siya sa kanyang tasa ng mag-angat ito ng tingin sa binata.
"Oh, philip. May kailangan ka ba?"
Philip smiled before walks to sit on the other chair. "Wala po. Naiinip lang ako sa apartment." nililibot niya ang tingin dahil hinahanap ng kanyang mata ang dalaga.
"Hindi ka ba nakakatulog ng maayos doon?"
He glanced at lola perla again before shooked his head. "Nakakatulog po ako ng maayos, masarap ang naging tulog ko."
"Sigurado ka ba? Sabihin mo lang kung hindi ka kumportable, bibigyan pa kita ng mga kumot."
Philip smiled again. "Salamat po. Pero hindi ko na kailangan ng extrang kumot."
Tumango ang matanda. "Ikaw ang bahala. Uminom ka na ba ng kape?"
Umiling si philip. "Hindi pa po. Ako na ang gagawa."
"Hindi, maupo ka lang diyan. Ako na, maghahanda na rin ako ng pagkain."
"I don't want to eat, lola. Kape na lang po."
Nilingon siya ng matanda. "Hindi ba't iinom ka pa ng gamot mo?"
"Yes. But i want to wait winter. I just have something to say with her."
"Natutulog pa ang apo ko, pero gigising na rin iyon."
"Hihintayin ko na lang po." wala ng ginawang pamimilit pa ang matanda. Napapansin nito ang kilos ng binata sa lubusang pagkakalapit nito sa kanyang apo. Nais niyang magtanong ngunit hindi nito nais makumpirmang tama ang kutob niya. Sa ngayon, nagtitiwala na lamang ito sa kanyang apo.
Halos kalahating oras ang lumipas ng bumaba si winter. Kakagising lamang nito at wala pa kahit anong ginawa sa sarili. She's wearing a cotton pajama and a simply blouse, terno na naman iyon na kulay dilaw.
Philip eyes landed on winter's body. Hindi niya masabi kung anong nararamdaman dahil nasaksihan niya lamang ang dalaga ay tila nabuo na ang kanyang araw.
Wala ni anong reaksyon si winter ng tuluyang makababa ng hagdan. Inaasahan na nitong naroon ang binata dahil iyon ang nararamdaman ng kutob niya ng magising ito.
Tumungo siya sa kusina at doon naabutan nito si lola perla. Nakapagluto na ng kanin ang matanda at naghahanda ito ng mailuluto pang pagkain.
"Ako na po, la." ani winter. Binalatan niya ang mga hotdog na nasa platito. May mga itlog na nakalabas habang nakasalang na ang kawali.
"Ipagluluto ko sana ang batang 'yan. Ang kaso lang, gusto niyang sabay kayong kumain." bahagya man nagulat si winter ay nagpatuloy siya sa pagkilos. Nais nitong kaltukan si philip kung bakit kailangan niya pang sabihin iyon sa kanyang lola, Natatakot ito na baka biglang makahalata ang matanda sa kanyang ikinikilos.
"May sasabihin daw sa'yo. Napapansin 'kong masyado na kayong napapalapit ng batang iyan." panandalian lumingon si winter sa kanyang lola bago kumurap at ituloy ang ginagawa.
"Ako lamang po kasi ang naging babaeng kaibigan ni philip. Kumportable siyang magbukas ng problema sa'kin."
Tumango ang matanda. "Iyon lang ba?"
Napapakurap si winter at hindi na maayos ang pagkakahawak sa hotdog na tinatanggalan niya ng plastik. She swallowed slowly before nodded two times.
"O-opo."
"Mabuti naman, apo. Ayokong magkaroon ka ng problema kung sakali man na may gusto sa'yo itong batang 'to. Alam mo sana kung anong papasukan mo." nanatiling tikom ang bibig ni winter sa sinabing iyon ni lola perla. Hindi siya makasagot, alam niyang totoo lahat itong sinasabi ng kanyang lola. Ngunit napakahirap lamang suwayin ng kanyang puso dahil tila may sarili itong buhay.
"Maghahanda lamang ako dahil tutungo ako ng simbahan. Gusto sana kitang isama ngunit inaalala ko itong kasama mo."
"Sa susunod na lamang po. Mag-iingat po kayo."
Tumango ang matanda bago lumabas ng kusina. Doon lamang niya nakuhang huminga ng malalim dahil sa pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay.
Hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa isang binata na walang ginawa noon sa kanya kundi pagtripan.
Kakaiba nga naman ang pag-ibig. Walang pinipiling tao dahil sa oras na maramdaman mong umiibig ka, hindi na importante kung sino man iyon. Nasa sa'yo na lamang kung susundin mo ang puso mo o ang iyong isip.
Winter have a deep sighed before she glanced on the side when philip is standing while looking at her.
Napa-irap siya sa ngising iyon ng binata. Aaminin niyang ang gwapo nito kahit na simple lamang ang kanyang ayos. Kahit yata maghirap ito ay hindi na mabubura ang kagandang lalakeng meron siya.
Muli niyang nilingon ang binata dahil sa matunog niyang ngisi. Sa dating ng kanyang ngiti ay may iba na namang iniisip ito.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" kunot ang noo ng dalaga. Hindi umubra ang kasungitan nito sa binata dahil sanay na siyang tarayan ng dalaga.
"I was imagining you as my wife." naisara ni winter ang kanyang bibig. Alam naman niyang madalas bumanat ang lalakeng ito at magbato ng mababangong salita. Ngunit hindi siya kailanman masasanay dahil kakaibang epekto ang nangyayaring iyon sa kanyang puso.
Hindi sumagot si winter. Nag-iwas na lamang siya ng tingin at tuluyan ng nagluto.
"The wife is preparing food for her husband. She's serving him a water, She always make time with her, that's the reason why i'm smiling now."
Nanatiling walang kibo ang dalaga. Malakas ang apoy ng stove kaya't mabilis lamang na naluto ang kanyang inilagay.
"How about you, What is your material husband thinking?"
Nilingon siya ni winter habang may hawak na itlog. Ngumisi ang dalaga bago i-angat ang hawak na itlog.
"Hindi pasado sa akin ang magiging asawa ko kung hindi siya marunong magluto ng itlog." philip laugh because of what winter said.
"That's the easiest thing to cook in, winter"
Winter grinned before motioning her hand for philip to come over.
Philip approached with a smile on his face that could not be erased.
"Sa oras na magawa mo itong lutuin, pwede na."
"Don't you have anything harder to make me do? It's very easy to do."
"Ang dami 'mong satsat, ashong. Kung hindi mo magawa umalis ka sa harapan ko." Philip winced when winter said that. He didn't complain anymore but instead he break the egg in the hot oil.
Nabasag ang dilaw kaya't nagkalat iyon sa pagitan ng puti. Napa-iling si winter bago kunin ang hawak na sansi ni philip.
"Hindi ka pasado." namilog ang mata at nguso ni philip sa sinabing iyon ni winter.
"What do you mean no? I was able to cook the egg!" Winter looked at him with a serious look.
"You haven't been able to perfect the shape of the egg. when your cooking, make sure you're going to make it smooth."
Napabungisngis si philip. "Wala kang sinabing perpekto, winter. Napakadaya mo talaga. Ang sabi mo, pagnaluto ko iyan."
"Iyon ang pinupunto ko, sa susunod alam mo na." muling nagpatuloy si winter habang nagmamaktol ang binata sa likuran nito. Ang dami niya pang sinabi bago matapos sa pagluluto ang dalaga.
Philip took everything when she finished cooking. He brought it to the table while winter was wiping her hands.
He stared at her as if he thinking about something again.
Winter just rolled her eyes before preparing a plate on the table.
"Bakit nagtataray ka na ngayon?" hes teasing winter while grinning.
Philip stared at her as she put down the plates. Winter stopped and gave him a glared.
"Alam mo bang nananapak ako pag gutom?" napakurap si philip bago maupo sa pwesto niya.
"Nagugutom na ako, pero hindi ako nananapak. Alam mo ba kung anong ginagawa ko?" nangunot lamang ang noo ni winter. "Kinakain ko ang paborito ko."
Sumama lalo ang tingin ng dalaga.
"Naglolokohan ba tayo dito?"
"Hindi ako nagbibiro, winter. Kumakain talaga ako, ano bang iniisip mo?"
Nag-iwas ng tingin ang dalaga. "Kumain ka na nga at baka mabigwasan pa kita."
Bahagyang natawa si philip habang pinapanuod ang dalagang lagyan ng laman ang pitsel. Sakto ang paglabas ni lola perla na nakabihis dahil may plano itong tumungo ng misa.
"Maiiwan ko na muna kayo dito." nag-angat ng tingin si philip.
"Hindi po ba kayo kakain?"
"Mamaya na. Ayokong kumain pag aalis ako."
"Saan po kayo pupunta?"
"Magsisimba lamang ako, uuwin din ako."
Lumabas si winter sa kusina dala ang pitsel. Nilapitan nito ang matanda bago aluking ihahatid na sa labas.
"Huwag na, sabayan mo na si philip. Paunamin mo siya ng gamot matapos niyang kumain."
"Sige po. Mag-iingat kayo."
Lumisan na ang matanda habang tinatanaw siya ni winter sa pinto. Madaling nakapag-pagpara ng masasakyan ang matanda bago niya maramdamang may taong nakatayo sa likuran nito. Paglingon nito doon ay si philip na nakatanaw rin sa matandang tuluyan ng lumayo.
"I saw lola perla before on my mom's album." nagbaba ng tingin si philip sa dalaga nakatingala sa kanya. Napalunok ang dalaga bago mag-iwas ng tingin at tumango.
"May nakita rin akong litrato noong tumungo ako sa silid aklatan niyo. Hindi ko naman sinasadyang makita 'yon." dumistansya ito sa lalakeng nakatingin sa kanya.
Kahit may iba silang pinag-uusapan ay tila hindi mapalagay ang loob nito dahil sa titig ng binata.
"What did you think when you saw that?" umiling si winter.
"Nagulat lang ako noong makita ang litrato nila ni papa. Hindi naman na ako nag-isip ng iba, hindi ko akalaing may nakaraan pala sila."
"Do you know what that means?" winter frowned at what philip said. "Mommy and tito Henry didn't meant together, because we were destined for each other."
"Paano mong nasabing tayo ang naka-tadahana?"
"Dahil ako mismo ang gagawa ng daan upang ikaw at ako ay maging para sa isa't isa."
Natawa ang dalaga. "Sino ka ba para magawa 'yon?"
"I am your soon to be husband, winter. Alam 'kong malabong maging maayos tayo ngayon, ngunit hindi ako maaaring sumuko. Dahil alam kong sa laban na ito ay hindi ako talo."
Winter did not give an answer for what he truthfully narrated. She knew that Philip had a chance with her. But because she is not like the other women, she prefers not to hurt the person who really loves her.
Sinabayan niyang kumain si philip na walang ginawa kundi titigan siya. Wala itong binibigay na emosyon dahil naka-ilang suway na siyang huwag itong tititigan. Ngunit dahil matigas ang ulo ni philip at mapilit ito ay wala siyang ginawa kundi hayaan na lamang siya.
Iniligpit ni winter ang kanilang pinagkainan. Hinugasan niya iyon habang nanunuod sa kanya ang binata.
Hes asking her if she finally decide if where she's going on job training. Wala pang naisasagot si winter dahil hindi pa nito alam kung saang skwelahan siya tutungo.
"Why don't you try the nearest school here?"
"Titingnan ko muna." naglinis siya ng kamay bago tuluyang harapin si philip. Walang sawa talaga ang binatang ito sa kakatitig sa mukha ng dalaga. Nakabisado na niya lahat ng kanyang ekspresyon maging ang buong mukha ni winter.
Napabuntong hininga ang dalaga. "Pwede ka ng lumipat sa apartment mo." umiling si philip.
"Gusto ko pa dito."
"Hinayaan na kitang manatili at kumain dito, ashong. Kaya pwede ka ng umuwi."
Kumibot ang labi ng binata. "Ayoko pang bumalik doon. Nag-eenjoy pa ako dito."
"Kailangan mong uminom ng gamot."
"Tsk. Kung sasamahan mo lang sana ako doon, edi sana hindi ako maiinip na mag-isa sa apartment." umirap si philip.
"Kailangan kong magbasa at mag-aral. Baka may surprise quiz sa darating na lunes at wala pa akong na-ireview."
"Sa talino mong iyan winter hindi mo na kailangan mag-review. Pasado ka naman na sakin kahit hindi ka na magtrabaho bilang guro. Magiging tayo rin naman, at ikaw." nakatitig ang dalaga dito dahil sa mga pinagsasabi ni philip. Naghihintay sa kasunod na sasabihin niya dahil seryoso ang mukha ng binata.
..."Ikaw ang magdadala ng anak ko."
____
Paika-ikang naglakad si philip patungo sa kanyang apartment. Nakasunod sa likuran niya ang dalaga na ngayo'y naiiling sa pag-iinarte ng binata.
"Ayusin mo ang paglalakad mo, ashong. Baka tuluyan kita diyan." nilingon siya ng binata na bahagyang nakangiwi.
"Inapakan mo ang paa ko, winter. Gusto mo bang mabalian ako ng buto?"
"Hindi ka mababalian ng buto sa ginawa ko, ashong. Huwag ka sanang mag-inarte sa harapan ko."
"Tsk. Bakit ba ang hilig mong saktan ako?"
"Gusto mo talagang tuluyan ng hindi makalakad?" tumayo ng tuwid ang binata bago tumingin kay winter ng patagilid.
"I love you na lang talaga." naunang lumakad papasok si philip sa kanyang apartment. Napailing na nangiti ang dalaga sa kakulitan nito. Hindi niya maipaliwanag minsan ang ugali ng binata, minsan seryoso. Ngunit kadalasan ay makulit na siyang nagugustuhan niya.
Naabutan na nito ang binatang umiinom na ng kanyang gamot. Siniguro nitong uminom nga ang binata upang tuluyan ng humilom ang kanyang sugat. Halatang nalinisan niya iyon dahil walang gasa, natuyo na rin iyon at tila nalulusaw na lang ng kusa ang mga sinulid na nakapalibot sa kanyang tahi. Naikikilos niya na rin iyon ng maayos at sa tingin nito'y tuluyan na nga itong gagaling.
"Puntahan mo lang ako sa bahay pag may kailangan ka.." ani winter habang itinatabi ang mga nagkalat niyang inumin sa mesa. Nakatayo lamang ang binata malapit sa higaan nito habang pinagmamasdan ang kilos ng dalaga.
"Paano kung ngayon na ako may kailangan sa'yo?" nilingon siya ng dalaga sa tanong niyang iyon.
Nangunot ang kanyang noo. "Anong kailangan mo?" bahagyang lumapit ang binata na hindi nilulubayan ng titig ang mata ng dalaga. Nagtaka ang dalaga ngunit hindi na nakapagtanong pa dahil sa biglaang paghigit ni philip sa kanyang kamay.
Namilog ang mata ng dalaga dahil sa pagkakahiga nito sa higaan ng binata. Umangat ang kamay nito upang iharang ng tuluyan ang palad niya sa dibdib ni philip.
"Ano bang ginagawa mo!"
"You ask me if i need something right? Ngayon na ako may kailangan sa'yo." nagsalubong ang kilay ng dalaga.
"Hindi mo ako kailangan dalhin dito!"
"How can i kiss you properly if your standing? Your too short."
"Nasisiraan ka na ba! Umalis ka diyan!"
"No." naging seryoso ang tinig ng binata habang nakatitig sa dalaga. Unti-unti niyang hinawakan ang kamay nito upang alisin sa kanyang dibdib. Inilagay niya iyon sa pagitan ng dalaga habang mariin na nakatitig dito. "Stay here first, I'll just kiss you."
Hindi nga nagbibiro ang binata dahil ginawa niya ang kanyang sinabi. Pigil ni winter ang kanyang paghinga dahil sa paglapat ng kanyang labi. Isang malambot na halik ang iginawad ng binata habang hawak nito ang dalawa niyang kamay.
Nawawala sa tamang pag-iisip ang dalaga dahil sa halik na kanyang ginagawa. Tila panandalian siyang nakalimot sa mundong pinasukan niya, hindi nito inaasahang magtatagal iyon at makakatugon siya. Pakiramdam niya ay isa siyang makasalanang babae ng tuluyang humiwalay sa kanya si philip.
Kapwa sila may mabibigat na paghinga. Namutawi ang katahimikan sa kanila habang sila'y nagtititigan. Iniisip ng dalaga na dapat na siyang magtapat kay calix. Hindi na makatarungan ang kanyang ginagawa dahil nakakagawa na ito ng kasalanan sa kanyang likod.
"Are you thinking of calix?" nag-iwas ng tingin ang dalaga sa tanong na iyon ni philip. Bumuntong hininga ang binata. "Tutulungan kita kung gusto mong sabihin ito kay calix."
"Gusto kong sabihin ngunit hindi kasi ganoon kadali iyon."
"Madali lamang iyon winter kung nanaisin mo lang. Mas mabuting sabihin na natin habang maaga pa."
Itinulak niya si philip upang tuluyan na itong maupo sa kama. Nagpaubaya ang binata dahilan upang tumayo na rin ito sa kanyang harapan.
"Malalaman niya rin ang totoo, winter. Mas mabuting huwag mo ng patagalin pa."
Hindi nagbigay imik si winter. Bumuntong hininga lamang siya bago mag-iwas ng tingin. Kalaunan ay tumayo na ito, iwas pa rin ang tingin sa binata.
"Babalik na ako sa bahay."
Iyon na lang naging salita ng dalaga. Hinayaan niyang maglakad ito paalis sa kanyang harapan. Hindi na ito nagtanong pa dahil nirerespeto ni philip kung anong desisyong gagawin ng dalaga.
Hinawakan ni winter ang doorknob upang pihitin iyon pabukas. Banayad lamang ang kanyang kilos bago niya tuluyang mabuksan ang pinto.
Natigilan siya dahil sa taong bumungad sa harapan nito. Namilog ang mata niya habang bahagyang nakabukas ang kanyang bibig.
"Where is my son?" napalunok siya habang nakatingin sa babaeng bumungad dito. Hindi niya alam ang sasabihin kung hindi lamang muling nagsalita si angelina. "Get out on my way." napapakurap na tumabi si winter. Tuluyan ng pumasok ang ginang na ngayo'y may mukhang hindi nagustuhan kung saan tumutuloy ang kanyang anak.
Nagulat ang binata ng makita kung sino ang pumasok sa loob ng apartment. Hindi ito makakilos lalo na ng dumapo ang mata ng kanyang ina sa kanya.
Sa mata ni angelina ay mababasaí ang galit dito. Ngunit dahil ina rin siya ay may namumutawing pag-aalala pa rin ito kung anong nangyari sa kanyang anak.
"What happen to you?" she asked him with a low tone voice. Doon lamang nakabawi si philip bago ito mag-iwas ng tingin.
"I'm fine now."
"Why are you here in this unpleasant place?" mabilis na napalingon sa kanya ang anak. Ngunit hindi ito sumagot, sinulyapan nito si winter upang suriin kung ano ang kanyang naging reaskyon.
Nakatayo lamang ito malapit sa pinto. Nakayuko at plano talagang manatili dahil alam niyang may ibabatong tanong sa kanya ang ina ni philip.
"You didn't even tell me that something happened to you. You have no respect at all. I still have rights to know because i am your parent.."
"I'm fine, I just don't want you to worry about me. I know you are busy with bussiness."
"That's not a good reason, ashton. You can stay in your condo. Why do you need to ask this woman for help?"
Hindi na nagugustuhan ni philip ang pagsasalita ng kanyang ina. Alam nitong may iba pa siyang sasabihin bukod dito hangga sa masaktan niya ang dalaga.
"I will go home when i'm fully recover, Mom."
"No, You'll go home now with me." nangunot ang noo ni philip.
"I will stay here mom, just let me!"
"Ashong." sumabat si winter. Natigilan ang binata at nabaling ang atensyon nito sa dalaga. Bahagya lamang ang naging pagsulyap ni angelina bago ito magfocus ng tingin sa anak.
"So, this girl is the only one you followed?" hindi sumagot si philip. "What is it about this girl that you can't avoid her?"
"Mom."
"Let's go home." madiin ang tinig ng pagkakasabi ni angelina. Maawtoridad na dapat ay sundin mo. "Or maybe you want me to call my bodyguards to take you to the car?"
Bumuntong hininga si philip bago pumikit ng mariin. "Find, I will come with you."
"Then walk and get in on the car"
Walang nagawa si philip kundi sumunod sa kanyang ina. Alam niyang ito rin ang gusto ni winter kaya't lumakad na ito bago siya huminto malapit kay winter.
Hindi siya tuluyang lumapit sa dalaga dahil alam niyang magsasalita lamang muli ng masama ang kanyang ina.
Bumuntong hininga ang binata bago tuluyang lumabas. Hindi pa man siya nakakasakay ng kotse nang mamataan nito si lola perla na naglalakad palapit sa kanya.
Nagtataka ang matanda dahil may kotse at mga lalakeng nakatayo sa harapan ng apartment.
Balak niya pa sanang magtanong ng bigla ng lumabas si angelina na ngayo'y natigilan ng makita ang matanda.
Bahagyang umawang ang labi ni angelina habang nakatitig sa matanda na may bakas na gulat din sa kanyang mga mata.
"Perlicida?" Wala sa sariling naibigkas ni angelina ang buong pangalan ng matanda na minsa'y na niyang tinuring na totoong ina.
***********
To be continued.
May pov pa po si winter bago kay calix. Doon sa pov ni winter magkakaalaman na.?