Chapter 11

3972 Words
(f*******n LOVE) Winter Pov. Naging ilag sa akin si calix dahil sa nangyari, hindi ito nag-usisa matapos ng pangyayaring iyon. He didn't ask me why i can't let him to kiss me. Iyon ang laking pasasalamat ko na sa kabila ng pagtanggi ko ay eto siya't inintindi pa ako. Hindi ko lamang talaga maiwasang makunsensya. I can't kiss calix, hindi ko siya mahal. Hindi niya deserve ang isang tulad ko, I don't want to hurt him. Pero paano ko nga ba sasabihing hindi ako masaya sa relasyong meron kami? Makasarili ba ako? Siguradong magagalit sa akin si lola sa oras na malaman niya ito. Natatakot akong husgahan ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ang pamilya ko. "Are you o-okay?" nilingon ako ni calix dahil sa katanungan ko. It's already 7:45 in the evening. Kanina pa nag-start ang party ni tito. Ang dami pala nilang bisita, karamihan ay regular costumer na nila sa bar. Maraming nagsasaya habang nakaupo kami ni calix sa iisang mesa. Tumango siya. Kanina pa ito umiinom dahil hindi niya matanggihan ang mga lalakeng nag-aalok sa kanya ng baso. Lahat ng iyon ay kanyang tinatanggap, idagdag mo pa na may sarili siyang inumin dito sa mesa habang ang akin ay juice lamang. "Yes. How about you, do you want to go home?" nais ko sanang sabihing oo ngunit nahihiya akong magpa-alam. Ngunit alam ni calix ang pananahimik ko sa oras na hindi ako makasagot. "Ihahatid na kita.." "A-ayos lang ba sa'yo?" he smiled shortly. "Yes, oo naman. Usapan natin ay alas otso lamang, baka hinahanap ka na ni lola." I nod before looked away. Nauna siyang tumayo sa akin bago nito ilahad ang kanyang kamay. Hindi ko maaaring iwasan iyon kaya't tinanggap ko ang tulong nito dahilan upang mahawakan niya ang kamay ko. Normal lamang ang kilos niya matapos ako nitong igaya patungo sa pwesto nila tita leonore at tito wilbert upang magpaalam na ihahatid na niya ako. Hindi pa sana nais pumayag ni tita kung hindi lang sinabi ni calix na baka hinahanap na ako ni lola. They're ended nodded before say yes and take care, Hindi nakalimutan ni calix ang pagkain para kay lola. Dala niya iyon matapos ibigay sa kanya ng kanilang maid. Hawak niya pa rin ang aking kamay habang papalabas kami ng bahay. He just set my hand free when we're stop on his front car. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ngumiti sa akin, nagpasalamat ako bago umupo ng tahimik. He closed the door before turn around to enter the driver seat. Tahimik pa rin siya maging ng buhayin nito ang makina matapos niyang ilapag sa likuran ang dalang paperbag. Nais ko man siyang kausapin ngunit wala akong maikakapang sasabihin sa kanya. Hinayaan 'kong mamagitan ang katahimikan sa loob ng kotse. I don't know what's entering on calix mind, hindi ako mapakali sa kaisipang iniisip nito ang inakto ko kanina. He have a rights to kiss me, I am his girlfriend. Pero tinanggihan at iniwasan ko lamang iyon. IPINARADA niya ang kotse sa tapat ng bahay. Tahimik na roon at madilim na sa daan. Ang nagbibigay liwanag na lamang ay ang poste sa gilid ng bahay ni lola. Nauna akong bumaba at hindi na siya hinintay upang pagbuksan ako. Nanatili akong nakatayo malapit sa kotse habang pinapanood siyang bumaba habang dala ang paperbag na may pagkain. "It's cold here, pumasok ka na." tinitigan ko ang mukha ni calix matapos niyang sabihin iyon. Malungkot siya, matamlay na tila may nais sabihin sa akin. I sighed before nodding. "T-thankyou sa pag-imbita, cal. P-pasensya na at hindi ko na natapos ang party." "You don't need to say sorry, wen. It's okay, I understand you." tipid akong ngumiti. "S-salamat." Calix nodded. He remain his eyes on me, nakatitig sa akin bago ito bumuntong hininga at magbaba ng tingin. "I'm the one who need to say sorry to you, hindi ko dapat ginawa iyong nangyari kanina." banayad ang aking naging paglunok sa sinabi niya. Tama ako, hindi pa ito nawawala sa isip niya. I didn't answer him, hindi ko kasi alam ang sasabihin dahil kasalanan ko kung bakit naging matamlay siya. "I know your not use to do that scene, I'm willing to wait." he smiled after all of the time that happen. Ngunit hindi ko talaga magawang sumagot, hindi rin naman ito humingi ng isasagot ko bagkus ay hinila lamang niya ang aking kamay upang mayakap. Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay calix. I can't move for what he've done. I didn't even hug him back because of suddenly shocked. "I-im sorry, wen." hes voice is literally sad. Hinahaplos niya ang likuran ko na tila nais niyang tanggpain ang patawad na sinasabi nito. "P-pasensya na, h-hindi ko s-sinasadya." hindi ko alam kung iyong bang balak na paghalik nito ang tinutukoy niya o may iba na siyang pinapahiwatig. He almost sobbing while hugging me, nangangamba ako na baka may iba siyang problema dahil hindi na yata ito tungkol sa bagay na nangyari kanina. "C-calix, A-are you okay?" He kept hugging me. He didn't let go, he didn't even move, but he just tightened his hug on me. "M-may problema ka ba?" "I j-just want to say sorry." humiwalay na siya sa pagkakayakap ngunit hinawakan niya ang aking magkabilang kamay. "Talaga bang iyon lang? Parang may nais ka pang sabihin." Nakatitig siya sakin na para bang nag-aalinlangan. Ngunit umiwas din ng tingin bago bumuntong hininga. "I don't want you to get mad at me, someday." hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. "I can't imagine that day, winter." muli ay tumitig siya sakin, walang pinagbago sa kanyang emosyon, sa mga mata nitong sumisigaw ng kalungkutan. "Hindi ako magagalit sa'yo, calix. Ano bang sinasabi mo?" he smiled but a fake one. "I'm contented in your answer, Wag mo na lang akong pansinin." he sighed again. "Thankyou for having you tonight." Ngumiti ako at hindi na muling binuksan ang isinara na niyang usapan. "Salamat din. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo." Ngumiti siya bago nito haplusin ang buhok ko. Yumuko siya upang patakan ng halik ang aking noo bago tuluyang dumistansya sa'kin. "Mauuna na ako." tumango ako. Pinanood ko ang pagtalikod niya hangga sa makasakay ito ng kotse. Nginitian niya pa ako habang isinusuot ang kanyang seatbelt. Maging ng buhayin niya ang makina ay nanatili akong nakatayo sa harapan ng bahay. He wave his hand before drive away to go home. Tulala na lamang ako habang tinatanaw ang kotse ni calix papalayo. Tila ngayon ko naramdaman ang panlalambot, ang pagkadismaya sa sarili dahil sa pinasukan ko. I sighed heavily before turn my gazed on ashong apartment. Nakabukas ang ilaw doon sa tapat ng pintuan, kadalasan kasi ay nakapatay iyon noong naroon pa ang huling tumira sa apartment, nais ko pa sanang maglakad patungo doon ngunit ang hawak kong paperbag ang siyang nagpigil sa akin dahil biglang sumagi sa isip ko si lola. Napag-isip 'kong pumasok na sa loob. But the man in front yard stop me for walking. Nagulat ako at natigilan ng makitang nakatayo doon si ashong. He's wearing a color brown hoody jacket and jogger. Seryosong nakatingin sa akin ang kanyang mata habang salubong ang kilay. "Where did that calix take you?" hindi ako nakasagot sa tanong ni ashong. Bukod tanging pagtitig lamang ang nagawa ko bago siya lumakad papalapit sa akin, maayos na ang kanyang paglalakad ngunit mabagal lamang iyon dahil sa kanyang pag-iingat. ”I've been waiting for you here for a long hours, nasabi ni lola sa akin na lumabas kayo ni calix, but why is it taking so long?" "May okasyon sa bahay ng mga montemayor, kaarawan ni tito wilbert." "So your went on calix house?" "Oo. Imbitado ako sa pagsasalo." natawa siya bagi mag-iwas ng tingin. "Why didn't you told me that your leaving with him?" "Bakit kailangan 'kong sabihin sa'yo?" nanahimik siya sa tanong ko. Hindi siya makasagot bagkus ay nagtangis lamang ang kanyang bagang. "I forgot that i haven't rights for you. Siya nga pala ang boyfriend mo at hindi ako." tila nanunuya sa sakit ang sinabing iyon ni ashong. I feel dissapointed on me because of this. Makakasakit ako ng dalawang lalake kahit anong desisyon ang gawin ko, I didn't know what decission i'll make. Ayokong pagsisihan sa huli. "But i can't teach myself to avoid you. Ako rin naman kasi ang gusto mo, bakit kailangan mo pang pakisamahan si calix?" "Hindi mo kasi naiintindihan." "Talaga? What is the point that i didn't understand?" "Ang sitwasyon natin, ashong." He laugh sarcastically. "Why are you thinking about our situation? Kung susundin mo lang ang puso mo tulad ng ginagawa ko, magiging maayos ang sitwasyon at hindi na magiging kumplikado pa." "Hindi mo ba naiisip ang mga taong nakapalibot sa atin?" "Wala silang choice kung hindi tanggapin ang katotohan, were loving each other winter. Our love never complicated if we can fight for it." Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi porket sinabi kong ikaw ang gusto ko, iyon na 'yon. Na pwede ng maging tayo. Masyadong maraming mangyayari sa oras na magpadalos-dalos tayo sa mga desisyon natin." He look at me primly, he didn't give any comment about what i've said. He look away instead before sighed heavily. "Nagseselos kasi ako, naiinis ako. I want to grab your hands when i saw him hugging you. I can't help not to feel a slightly hurt on my chest. Selos na selos ako, winter." Napalunok ako. Ako ngayon ang natulala sa kanyang mga mata na nagtatampo. Nag-iwas siya ng tingin bago kagatin ang labi. "I am mad, galit ako. Naiinggit ako, gusto ko akin ka lang, ayokong hinahawakan at hinahalikan ka ng iba, dahil nasasaktan ako." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pa rin makasagot. Bukod tanging paghinga lamang ni ashong ang narinig ko bago niya ako lagpasan upang maglakad palayo sa akin. Nilingon ko ito habang may mabibigat na paghinga. I want to comfort him but i can't do. Ayoko ng madagdagan ang konsensya ko kay calix, ngunit nasasaktan ako. Mas nasasaktan ako sa nararamdaman ni ashong. Nagpasya akong tumuloy na sa loob na may matamlay na katawan. Pakiramdam ko ay napakabigat ng aking katawan dahil sa nangyari. Hindi ko alam ang gagawin at kung paano ba ang tamang desisyon, I want to tell calix about what i'm feeling towards on him. And also i want to pursue my feelings on ashong. But, my mind is pre-occupied to think properly. Bumuntong hininga ako. Kakalabas lang ni lola sa kwarto ng maabutan na niya ako sa sala. Lumapit siya sa akin habang sinusuri ako. "Anong nangyari sa'yo, apo?" tipid akong ngumiti kay lola bago i-abot ang dala kong paperbag. "Wala ho, pasensya na at ginabi na ako. May party po kasi sa bahay nila calix, pinabibigay niya po ito sa'yo." kinuha ni lola ang inabot kong paperbag. Hindi na ito nag-abala pang silipin iyon ng ilapag niya sa mesa. Muli siyang tumingin sa akin na tila nararamdaman niya kung anong meron sa kalooban ko. Na para bang nababasa niya kung anong nasa isip ko kaya't nakatingin siya ng todo sa'kin. Ganun man, hindi tinangka ni lolang mag-usisa. Nag-tanong lamang siya kung kumusta ang naging pagsasalo sa bahay nila calix, Nasabi kong maraming bisita at halos nag-uumpisa pa lang ang saya. "Buti na lang at napaaga ang uwi mo?" "Ayoko po kasing gabihin, la. Wala po kayong kasama dito." "Bakit mo ba ako inaalala, narito naman na si philip kanina." Naisara ko ang bibig sa sinabing iyon ni lola. Kung ganon dito naghintay si ashong. "Lumipat siya ng umalis ang kanyang dalawang kaibigan, inalok ko siyang kumain kaninang tanghali ngunit hindi ito kumain, ang sabi niya ay hihintayin ka na lang nito." napakurap ako bago mag-iwas ng tingin. "Ngayong gabi nga ay hindi pa siya naghapunan, wala na daw siyang ganang kumain." "Kung ganon po hindi pa siya nakainom ng gamot?" Lola shooked her head. "Hindi pa, naku ang batang 'yan. Ang tigas pala ng ulo, ano ba ang kailangan niya sa'yo apo?" hindi ako nakasagot bago mag-iwas ng tingin. "Pumasok nga ako sa kwarto kanina dahil inaantok na ako, naiwan siya dito kanina. Hindi mo ba ito naabutan?" "H-hindi po." bumuntong hininga si lola. Hindi ko maiwasang isipin si ashong, hindi siya kumain kanina hangga ngayon. Naghahanap ba siya ng sakit sa katawan! Napakagat labi ako bago hagurin ang aking buhok. Mabuti pa si calix ay nakasabay ko sa pagkain, masarap ang naging hapunan ko sa kabila ng paghihintay sa akin ni ashong dito upang magsabay kami sana. Libo-libong pagkadismaya na muli ang naramdaman ko para sa sarili, Mas lamang sa puso ko si ashong kaya't hindi ko maiwasang mag-alala. I want to walk to go on his apartment. But i don't want to overthink lola perla. Ayoko mag-isip siya ng iba dahil sa ikinikilos ko. "Hatiran mo ng pagkain ang batang 'yon. Kailangan niyang uminom ng gamot upang mapadali ang paghilom ng kanyang sugat." Madali ang naging pag-angat ng tingin ko kay lola. Tila iyon ang hudyat upang hindi ko na isipin pa kung anong maiisip niya. Lumakad siya papasok sa kusina at agaran din kinuha ang mga nakatabing pagkain. Sinalin niya iyon sa silyo maging ang kanin para kay ashong. Nakahanda ang lahat ng i-abot sa akin iyon ni lola. "Lumakad ka na, baka malaman ni angelina ang nangyari sa kanyang anak at isipin pa nitong pinabayaan ko siya." Tumango ako kay lola bago kunin ang pagkain. Hindi ako mapakali habang naglalakad palabas, pinakikiramdaman ko ang sarili ng makalabas sa bahay. Madilim sa paligid ngunit hindi iyon ang ikinakaba ko, ang puso ko ay bumibilis sa pagtibok ng tumigil ako sa tapat ng pinto dito sa apartment. Kakatok pa lamang sana ako ng makitang bukas iyon. Hindi man lang siya nag-lock? Nababalita nga dito na maraming magnanakaw pero wala siyang pakialam sa kanyang seguridad, masyado talaga siyang kampante. Tumuloy ako na may banayad na paglalakad. Nakita ko itong nakahiga na habang nakatalikod sa akin, nakaharap siya sa gilid habang may kumot na nasa hangganan ng bewang niya. Inilapag ko sa mesa ang dala 'kong pagkain. Tahimik akong lumapit sa kama at hinihintay ang kanyang pagharap sa akin. Ngunit hindi siya kumilos, Ni walang bakas kung gising ba siya dahil sa mabibigat nitong paghinga. Umikot ako sa kabila ng kama upang makita lamang ang nakapikit niyang mata. Natutulog siya ngunit kunot ang noo? Sinong niloko niya? Tsk. "Kumain ka na, ashong." Nagmulat siya ng mata. Nanatili itong nasa ganoong posisyon habang nakatitig siya sa'kin. "What are you doing here?" "Ipinagdala kita ng pagkain." ani ko. Nanatiling nakatayo. "Sa susunod huwag mong hahayaang nakabukas ang pinto, ashong. Huwag kang masyadong kampante na hindi iyon naka-lock." "Are you worried?" "Natural, ashong. Ano ang tingin mo sa' kin? Walang pakialam?" Nag-iwas siya ng tingin bago maupo sa kama at sumandal sa headboard. "How about on my feelings? Are you cared about that?" "Hindi kita hahatiran ng pagkain dito kung hindi, kumain ka na at ng makainom ka ng gamot." "Sinusuyo mo ba ako?" he have a slightly smile but he keep resisting it. Hindi pinahahalata na nagugustuhan niyang narito ako ngunit sa mata niya nakikita ko iyon, isip bata talaga. "Hindi kita dapat suyuin dahil wala akong ginawa sa'yo." "Nagtatampo ako sa'yo, winter. Halos mamatay na ako kakaisip kung saan kayo nagpunta ni calix." salubong na naman ang kanyang kilay. "Then your telling earlier that you went on his house, lalo mo lang pinatay ang puso ko." "Huwag kang masyadong OA, ashong. Kumain ka na." "Ayoko." Nilingon ko ito habang nauubusan ng pasensya. "Hindi ka kakain?" "Hindi ba't sinabi kong ayoko?" "Kailangan 'mong uminom ng gamot, ashong. Kung ganyan lang din naman pala katigas ang ulo mo, mas mabuting ipaalam ko na lamang ito sa nanay mo." napalunok siya bago mag-iwas ng tingin. "What food did you brought for me?" napasinghal ako bago mag-iwas ng tingin. Kakain naman pala gusto pang takutin muna. Kinuha ko ang kanyang pagkain bago maupo sa gilid ng kama. Hindi naman nalalapit ang aming katawan sa pag-upo ko, sakto lang para mai-abot ko sa kanya ang plato. "Hindi ba't sinusubuan ng nurse ang pasyente niya?" "Hindi ka pa ba makakain ng maayos?" "No, Masakit pa rin ang kamay ko." napabuntong hininga ako. Hindi ko na pinahaba ang usapan ng kunin ko ang kanyang pagkain. Sinunod ko ang kanyang nais upang makakain lamang siya. Sinubuan ko ito hangga sa mangalahati ang kanyang pagkain. "Ayoko na." "Hindi ka nag-tanghalian, ashong.." "Busog na ako. Ayoko na rin abalahin pa kita, mukhang pagod ka." "Hindi ako pagod." inilapag ko sa mesa ang natira niyang pagkain. Kinuha ko ang kanyang gamot maging ang tubig bago iyon i-abot sa kanya. "Aren't you tired?" umiling ako. Kinuha niya ang gamot at baso bago diretsong inumin ang gamot. Muli 'kong kinuha ang baso upang ilapag iyon sa gilid ng mesa. "Anong ginawa n'yo ni calix doon?" umangat ang kilay ko. "Kumain at nag-usap." "Are you sure?" "Bakit kailangan mong siguraduhin ang sinasabi ko?" Umismid siya. "I just want to know what calix did to you. If he kiss you, or what." "Tsk. Your paranoid." "Yes. You make me paranoid every time you with him. Ikaw ba? Anong mararamdaman mo sa oras na magkaroon ako ng babaeng kasama?" Napakurap ako habang iniisip ang kanyang sinabi. Hindi iyon nagustuhan ng pandinig ko kaya't hindi ko siya kinibo. Inirapan ko siya bago kunin na ang plato sa gilid ng kanyang mesa upang sana'y lumisan na. Ngunit hinila niya ang kamay ko. Natatawa siya bago ako bumagsak sa kanyang gilid. "Ano ba, ashong!" ipinatong niya ang noo sa aking balikat na parang nakayuko doon, natatawa pa rin na lalong nagpapa-inis sa'kin. "Bitawan mo ako! Uuwi na 'ko." "Bakit biglaan?" hindi niya ako pinakawalan. Nanatili sa ganoon ang pwesto namin bago niya silipin ang aking mukha. "Nagalit ka kaagad, binibiro lang kita." "Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo, ashong." "Then why don't you answer my question? Magseselos ka rin ba sa oras na may kasama akong iba?" nilingon ko siya. Sinamaan ko ito ng tingin bago sagutin ang tanong niya. "Bakit hindi mo subukan at ng malaman mo?" napalunok siya bago kumurap dalawang beses. Kalaunan ay kinagat niya ang labi, nagpipigil ng ngiti. S*raulo. "Iba kasi ang naiisip ko, kaya't mas mabuting huwag ko ng subukan, ayokong magkagulo." "Bitawan mo na ako." "Ayoko pa. Gusto pa kitang yakapin, nagtatampo pa ako." "Edi magtampo ka hangga sa manigas ka, pakawalan muna ako!" Hindi niya sinunod ang sinabi ko. Bigla ako nitong hinila pahiga dahilan upang tuluyan akong mahiga sa kanyang hita. "I told you that i didn't let you go once you fall inlove with me. No matter how hard our situation i'm willing to take all the responsibility to protect you.." Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi nalalapit ang aming mukha dahil nakayuko lamang siya sa akin ng may kalayuan. "That's my love i feel towards on you. Kahit sino man ang hadlang, lahat ng iyon handa 'kong harapin, maging akin ka lang ng tuluyan. Walang kahati, walang kasalo, buong ikaw ay pagmamay-ari ko." He tried to move closer to me. Ngunit hinarang ko na ang palad sa kanyang dibdib upang hindi na siya tuluyang makalapit sa akin. Mariin ang naging titig niya sa'kin dahil sa ginawa ko, itinulak ko siya ng buong lakas upang makaupo ako sa kama. "I like you, ashong. But it doesn't mean that we need to follow our hearts. Ayokong makapanakit ng taong nagmamahal sa akin." Natawa siya sa sinabi ko. "Minamahal din naman kita, winter. Kung ganon pala, ayos lang sa'yo na masaktan ako?" "You need to understand, ashong. Lakihan mo ang pag-iintindi mo." Binalak kong tumayo ngunit hindi ko na nagawa. Hinila niyang muli ako at wala akong nagawa sa buong pwersa niyang ginawa. Huli na ang lahat ng hapitin niya ang batok ko upang siilin ng halik. Natulala ang aking mulat na mata habang diretsong nakatingin sa kanyang mukha. Idinidiin niya ang labi sa akin upang tuluyang sakupin ang aking labi, mahigpit ang hawak niya sa akin na tila hindi niya ako nais pumalag. Wala akong magawang aksyon, tila may kakaibang hatid sa akin ang labi ni ashong na nagpapadala sa kasalanang hindi ko dapat ginagawa. Hangga kailan ko ba gagawin ang pagtitimpi? Ang pagpipigil sa nararamdaman ng puso ko kung saan iyon ang ikakasaya ko. Mali ba na sundin ko siya? Sa mata ng pag-ibig ay wala iyong hinahanap na tao. Kusa mo iyong mararamdaman kahit pilitin mong ilihis ang iyong paningin, dahil sa oras na tumibok ang puso mo sa isang tao. Kahit mali pipilitin 'mong gawing tama lahat ng mali. Humiwalay si ashong bago nito idikit ang noo sa' kin. Humihinga siya ng malalim bago sapuin ang magkabila kong pisngi. "I'm really inlove with you. How can you make me feel this love?" hindi ako sumagot ng humiwalay siya upang titigan ako. Wala akong masabi dahil iyon na din ang nararamdaman ko sa kanya. "You know. This love is like a drugs, even if it is f*******n you will want it. This is what we called f*******n love." Sang-ayon ako sa sinabing iyon ni ashong. Ngunit sa oras na malaman ito ng lahat ay tiyak na magiging masama ka sa paningin ng lahat ng nakapaligid sa'yo. But what can I do if I like him? How can I escape this if in the end I will come back for him even our situation is complicated. "I want you to be my girl, winter. Please. Kahit sikreto lang, gusto 'kong maramdamang naging akin ka." Nakatitig sa akin si ashong. Hinihintay ang kasagutan ko na alam kong isang pagkakamali. Ngunit alam ko sa sarili kong nais kong mangyari iyon. Natatakot lamang ako. ”Are you afraid that everyone will know?" tumango ako. "Paano si trixie?" "I will break up with her." desidido siya sa kanyang sinabi. Alam ko naman ang totoong nararamdaman ni trixie. Ngunit ang siyang iniisip ko ay ang lalakeng masasaktan sa gagawin ko. "I will talk to her if she answer my call. Hindi ko pa siya nakakausap." muli na lamang akong tumango. "What is your decission?" "Hindi ko alam." Nag-iwas siya ng tingin bago kagatin ang labi. "Nagugustuhan mo ako, winter. Masyado mo ng pinahihirapan ang sarili mo." bumuntong hininga siya. Wala akong nagawa kundi iwasan na lamang ang titig nito dahil tama siya. Nahihirapan na ako. "Umuwi ka na, baka hinahanap ka na ni lola perla." bumuntong hininga na lamang din ako. Tumango ako bago umusog palayo dito. Ngunit hindi pa man ako nakaka-alis ay hinawakan na nito ang kamay. "Aalis ka talaga dahil pinapaalis kita?" napakurap ako. Gusto ko na lamang ulitin ang sinabi niya kanina na umuwi na daw ako. Pero heto at pipigilan niya ako na parang timang. "Sh*t. Hindi ka man lang nagpakipot na mamaya ka na lang umuwi." "Iyon ang gusto mo, huwag mo na akong turuan maging pakipot." "Tsk. Gusto pa kitang halikan ng matagal." Tumayo na ako. Wala ng aabutin ang kanyang kamay dahil todo distansya na ako sa kanya habang tinititigan siya ng masama. "Matulog ka na lang, ashong." He sighed before close his eyes and open it again. "Matutulog na naman akong sawi." hindi ko alam kung bakit natawa ako. Iyon talaga ang nangyari dahil sa itsura niya. Ang gwapo at ang angas pero daig pa ang babae. "Gigising ng sawi, matutulog ng sawi. Kailan kaya ako gigising na may winter?" Napaismid ako. Kakaibang lalake. "What are you standing at there? Hindi ka pa ba uuwi, baka hindi ka na talaga makauwi pag tumayo ako dito." Matapos sabihin ni ashong iyon ay naglakad na ako palabas ng apartment. Nasindak ako dahil hindi siya nagbibiro sa tinig niya. Idagdag mo pa na pababa ito sa kama upang lapitan ako. Nasa bakuran na ako ng bahay habang naiisip ko ang nangyari. Doon ko lang din nahalata na hindi ko dala ang plato at silyo ni lola perla. Napamura ako bago mapahilamos sa mukha. ******** To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD