Chapter 10

3680 Words
CHAPTER 10 Winter Pov. (Avoid calix kiss) Nakausap ni lola ang may-ari ng apartment kanina lamang. Ilang minuto lang ang tinagal niya ng bumalik si lola sa bahay. Agad niyang sinabi na maaari ng pumaroon si ashong, mabilis ang kilos ng dalawa upang tumungo doon. Hindi iyon kalayuan sa bahay kaya't agad naming narating iyon. Kasama namin si lola ng buksan ng landlady ang pinto. Sakto lamang ang paupahan sa isang tao. Wala na siyang seconfloor pa kundi diretso lamang ang pagkakagawa nito sa loob. May higaan sa gilid malapit sa bintana. May pinto sa dulo na kung saan naroon ang banyo. Sa sulok ay may sink doon kung saan maaari kang magluto at maglapag ng mga gamit mo. Sa bungad ng pinto ay makukuha mong ilibot ang kabuuan ng apartment. Hindi naman siya gaanong makalat dahil nalilinisan naman ito noong umalis ang mga nakatira rito. Blanko lamang ang buong lugar dahil walang gamit na nakalaan para sa titira. Kung baga, ilaw at tubig lamang ang meron. "Ayos lang ba sa'yo ang lugar na ito hijo?" nilingon ko si lola perla ng itanong niya iyon kay ashong. Wala naman ng nakakaasiwang mukha ang lalakeng 'to. Halatang gusto naman niya ang lugar maliban kay giovanni na nakangiwi. "Are you sure you want to stay here?" siniko siya ni ashong. "Manahimik ka." isinara ni giovanni ang bibig. Wala naman din kaming magagawa kung dito nais manatili ni ashong. Hindi ko naman gustong mapagalitan ito ng kanyang magulang dahil sa nangyari. Alam ko kung paano sila magalit, nakakapagsalita sila ng masama sa kanilang anak na hindi nila iniisip. "Ayos lang sa akin, la. Importante may tutuluyan ako sa ngayon." tumango si lola. "Limang libo ang bayad dito isang buwan. Kasama na doon ang kuryente at tubig. Ikaw na lang ang bahala sa pagkain mo." "Sure, lola. Thankyou for your help." ngumiti si lola bago ako lingunin. "Tara na." marahan akong tumango bago sulyapan sila ashong. Nililibot niya ang tingin sa paligid habang lumalakad patungo sa higaan. Nagpaalam rin ang landlady na mauuna na. Naiwan silang dalawa ni giovanni roon habang papalakad kami ni lola pauwi. "Hindi ako sang-ayon sa ginawang ito ni philip. Dapat malaman ni angelina ang kalagayan niya dahil anak niya pa rin si philip." Nilingon ko si lola. Naglalalad kami patungong bahay habang magkapantay ang aming lakad. "Siguradong ikakagalit ito ni angelina. Baka dumating sa puntong madamay ka sa kanyang galit." "Hindi naman po niya siguro malalaman. Hindi lang nais ni ashong umuwi dahil siguradong malalagot siya." Bumuntong hininga si lola. "Hindi ba hahanapin si philip kung sakali?" Hindi ako nakapagbigay sagot kay lola. Hindi ko rin alam ang sasabihin dahil hindi ko pa iyon naitanong kay ashong. "Hahanapin niya ang kanyang anak, sigurado lang iyon. Pag nangyari iyon tiyak na malalaman niyang narito si philip, baka magkita kayo at magkaroon ng alitan tungkol sa pagtulong mo sa kanyang anak." Hindi muli ako nakapagsalita. Huminto na kami sa tapat ng bahay habang nakatingin sa akin si lola. "Hindi sa ayaw kong tulungan mo si philip. Inaalala lamang kita at iniisip ko ang pwedeng mangyari." Tumango ako. "Alam ko po, la. Pasensya na po sa biglaang desisyon ko." "Huwag mo ng isipin pa iyon. Sana lamang ay hindi ito mabalitaan ni angelina." nagbaba ako ng tingin. Hindi ko rin alam ang gagawin kung sakaling tumungo rito si angelina. Ayokong magkaroon ng problema si lola dahil alam kong magkakilala sila. "Nga pala, bumisita kanina dito si calix. Ang sabi ko tumungo ka lamang sa pamilihan, hindi ko nabanggit na pumunta ka ng ospital para bisitahin si philip. Bakit hindi ka nakauwi kagabi?" Bahagya akong nakaramdam ng tensyon sa tanong ni lola. Idagdag mo pa na tumungo rito si calix kanina upang tingnan ako. Nakalimutan ko na maaaring magkita sila ashong at calix dito kung sakaling muli siyang bumalik. "W-wala ho kasing m-magbabantay kay philip kagabi. Umalis ang mga kaibigan niya at ako lamang ang naiwan sa ospital." Tumango si lola. "Sinabihan ka ba ni trixie tungkol doon?" Hindi ako nakasagot. Wala din akong ideya kung nabanggit na ba ni ashong ang kalagayan niya kay trixie. "Siguradong nakausap mo na si trixie kaya't humingi siya ng pabor na manatili ka roon. Ano bang nangyari kay philip?" Lumunok ako bago sumagot. "May nakaalitan lamang siya sa kanyang pinuntahan." "Sus. Ang mga kabataan talaga, mas lalong naging rebelde ngayon." Nanatili limitado ang aking imik. Ayokong mahalata ni lola ang tensyon sa aking ekspresyon. Iniisip ko si calix dahil nagkaroon ako ng kasalanan sa kanya, nakunsensya ako bigla. "Kumain ka na ba?" umiling ako sa tanong ni lola. "Hindi pa po." "Kumain ka na sa loob. Ipagdala mo ng makakain si philip upang makainom siya ng gamot." tatanggi sana ako kaso lang ay tumalikod na si lola upang pumasok sa loob. Ayoko na sanang bumalik doon dahil baka bigla lamang sumulpot si calix at makita akong naroon. Ayokong malaman niyang tinutulungan ko si ashong. "Ihatid mo na ito doon." wala akong nagawa ng makapaghanda na ng pagkain si lola para kay ashong. Nakikita siguro ni lola ang kalagayan nito. May sugat ang kanyang kamay at may roong pasa sa katawan. "S-sige po." kinuha ko ang inihanda niyang pagkain. Muli akong lumabas upang tumungo sa apartment. Nasa labas pa ng bahay ang kotse ni giovanni. Mukhang hindi pa siya aalis hangga't hindi nagiging kumportable si ashong sa lugar. Binuksan ko ang pinto ng apartment. Naabutan kong nakahiga na si ashong habang nakaupo si giovanni sa monoblock na upuan. Nakasandal siya sa pader habang may kausap sa cellphone, videocall iyon ng makita ko. Si jacob ang kausap niya na walang damit sa kabilang camera. Napaiwas ako ng tingin. Tumungo ako sa higaan ni ashong upang abalahin siya dahil nakapikit ito. "Ashong." nagmulat siya ng mata at agarang tumingin sa akin. Bahagya niyang itinukod ang palad niya upang bumalak sumandal. Nagawa naman niyang sumandal dahil wala ng sagabal sa iisa niyang kamay. "I thought your not going back here. Matutulog na sana ako." Bumuntong hininga ako. "Pinabibigay lang ito ni lola. Uuwi rin ako, i-aabot ko lang sa'yo." Ngumuso siya sa sinabi ko. "Hindi muna ako susubuan?" "Hindi ako makakatagal dito ashong. Ayokong mag-isip ng iba si lola, atsaka. Bumisita kanina si calix sa bahay, baka bumalik ito." Naging badmood ang awra niya bago mag-iwas ng tingin. "Anong kailangan ni calix sa'yo?" "Hindi ko naitanong." "Tsk. bakit mo ba iniintindi si calix? Hindi na babalik 'yon." Bumuntong hininga ako. "Ilalapag ko na ito dito. Kumain ka na at uminom ng gamot mo." wala siyang ginawa kundi tumitig sa akin. Hindi na rin ako nagtagal sa harapan niya dahil nilapitan ko si giovanni na sinasalaysay kung anong mga gamit ang kailangan ni ashong dito. "He need's a electricfan, 'yung sanang pinakamalaki. He also need a grocery and ready to eat foods, wala siyang ibang extrang damit. Maghahanap pa ako ng taga laba niya." that's what giovanni said while looking at me. Hindi ako nagsalita, tahimik lang ako habang nagtatanong si jacob kung hindi ba ako pwedeng maglaba. "Winter can't wash philip clothes, ayaw pumayag ni philip, ang arte!" "That's all he needs? I don't want to go back to buy again what the less." si jacob. Naiirita ang tinig niya ngunit handa naman tumulong para kay ashong. Ang swerte nga ng lalakeng ito dahil may kaibigan siyang handang tumulong. "Wala na. Lahat na ay nasabi ko." "Okay." si jacob ang naunang nagbaba ng tawag. Pinatay ni giovanni ang cellphone bago muling tumingin sa akin. "Are you leaving?" Tumango ako sa tanong niya. "Oo, ipapaalala ko lang sana na kailangan niyang uminom ng gamot matapos niyang kumain." "Hm, sure. I will stay here until jacob come." "Sige. Mauuna na ako." Hindi ko na nilingon pa si ashong ng lumakad ako palabas. Wala din naman siyang sinabi sa akin dahil tahimik ito hangga sa maisara ko ang pinto. Napabuntong hininga ako. Muli akong bumalik sa bahay upang makaligo saglit. Naabutan ko pa si lola na nasa harapan na ng tv habang may itinatahi. Tinanong nito kung may kasama ba si ashong. Tumango ako bago sabihing naroon pa rin si giovanni at parating ang isang kaibigan niyang si jacob. Tumango lamang din si lola bago ako magpaalam na maliligo lang saglit. Dumiretso ako sa kwarto upang maghanap ng maisusuot. Hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ay narinig ko na ang pagtunog ng aking cellphone. Tinungo ko ang side table kung nasaan naroon ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si calix kaya't madali kong sinagot iyon bago maupo sa kama. "Wen! finally you answer my call!" napalunok ako ng marinig ang tinig ni calix. "I call you last night, but you didn't answer me. Ano bang problema?" "W-wala cal. P-pasensya na. Hindi ko lang n-narinig ang tawag mo." He sighed on the other line. "Are you tired? Your voice is sounding low." "H-hindi. Masakit lang kasi ang lalamunan ko." "Why? Do you have a soarthroat?" Wala sa sariling napalunok muli ako. "H-hindi ko alam. Baka nasobrahan lang ako sa malamig na tubig." "Really? You can drink warm water, wag mo munang dalasan ang malamig na tubig." bahagya akong nakonsensya sa ginawa ko. Ang tinig ni calix na nag-aalala ang nagbibigay kumpirmasyon na totoong minamahal niya ako. Ngunit heto ang puso ko na iba ang siyang nilalaman. "Are you still there wen?" "O-oo. P-pasensya na." "Do i disturb you? Nagpapahinga ka ba?" "H-hindi, maliligo lang sana ako. Ngunit ayos lang naman kung mag-usap pa muna tayo." "No. You'll go and take a bath now, gusto lang kitang imbitahan sa bahay." "Anong meron?" "Today is daddy's birthday, nakalimutan mo?" napakagat labi ako bago isipin kung anong araw ngayon. Napapikit pa ako ng makumpirmang kaarawan nga ni tito ngayon. "H-hindi ko lang natatandaan ang araw dahil sa pagiging abala." "It's okay. After one hour i'm going to fetch you. Gusto mo bang isama si lola perla?" "Itatanong ko muna mamaya." "Alright. Take your time, I call you later. I love you." Hindi na ako nakasagot ng biglang mamatay ang tawag. Si calix ang naunang nagbaba na siyang pinagpasalamat ko. Nabanggit niya ang salitang ngayon ko lang narinig na alam kong hindi ko matutugunan kahit kailan. Kumilos ako upang makaligo na. Mabilis lamang akong natapos at naghanda muli ng maisusuot dahil kailangan kong maging pormal sa kaarawan ni tito. Simpleng pantalon lamang ang isinuot ko. Isang white tshirt ang pinares ko bago suklayin ang aking buhok. Bumaba ako matapos igayak ang sarili, inililigpit na ni lola ang kanyang mga panahi ng makalapit ako rito. Hinagod niya ang aking kabuuan bago magtanong. "May lakad ka?" Tumango ako. "Tumawag sa akin si calix, kaarawan pala ni tito kaya't napabisita siya kaninang umaga." Inilapag niyang muli ang hawak bago tumayo ng tuwid. "Kaya pala ang aga niyang dumaan dito, susunduin ka ba niya?" "Opo, naitanong niya kung nais niyo bang sumama?" Umiling si lola. "Hindi na, ako na lamang ang titingin kay philip habang wala ka. Pakisabi na lamang kay wilbert na happy birthday." Tipid akong ngumiti bago tumango. "Sige po, sigurado po ba kayong titingnan niyo si philip?" "Oo. Baka hindi pa siya makakilos ng maayos, ipaghahanda ko rin siya ng tanghalian mamaya kung sakaling wala siyang pagkain." Napangiti akong muli. Kahit anong sitwasyon ay hindi maitatago ang kabaitan ni lola. Para lang siyang si mama, kahit masyado ng kumplikado ang lahat ay nananatiling nasa gitna ito upang ibalanse ang bagay bagay. Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng busina sa labas ng bahay. Alam ko ng si calix iyon kaya't nagpaalam na ako kay lola. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng makita ko ng papasok si calix sa loob. Hinintay ko na siya hangga sa makapasok ito at makalapit kay lola upang magmano. "Susunduin ko lamang po si winter." nagpaalam siya kay lola. "Iniimbitahan rin kayo ni mommy, baka pwede ko daw kayong maisama." "Naku hijo. Gusto ko man sumama ngunit may pupuntahan pa ako, pakisabi na lang kay wilbert na maligayang kaarawan." Napanguso si calix. "Akala ko makukumbinisi ko po kayo. Pero sige po, ipagdadala ko na lang kayo ng paborito niyong leche plan mamaya." Ngumiti si lola. "Sige hijo, maraming salamat." "Sayang po talaga, siguro sa kaarawan ko na lamang po kayo makakabisita." "Sigurado na iyon, pakisabi kay leonore na pasensya dahil hindi ako makakadalo." "Sige po. Makakarating, sa ngayon. Hihiramin ko na po muna ang apo niyo." Nangiti si lola sa sinabi ni calix. "Sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." "Sure po. Mauuna na po kami." tumango si lola bago ngumiti sa akin. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil sa pagsisinungaling ni lola. Halatang pinagtatakpan niya ako dahil siguradong hindi magugustuhan ni calix ang pagkukunsinti kong manatili si ashong dito. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ginawa ni lola. Hindi ako mapakali kahit na nakasakay na ako sa kotse ni calix, napansin nito ang kotse ni giovanni ng madaanan namin iyon. "May bagong lipat ba sa lumang apartment?" tumango ako kahit matindi ang tensyon na naramdaman ko. Hindi ko masabi na si ashong ang naroon, na siya ang titira doon dahil ako mismo ang nag-offer sa kanya. "Mas maraming tao ang bagong lipat ngayon sa village, balak bumili ni mommy ng lupa upang umalis na rito." "Hindi ba gusto ni tita dito?" "Hindi sa ganon, nagugustuhan naman niya dito ngunit napapabalita sa banda namin ang mga magnanakaw na nanloob ng bahay." "Paano na ang bahay niyo dito?" "Nakiusap ako kay mommy na huwag niyang ipagbili ang bahay. Maaari 'kong tirhan iyon kung sakaling lumagay na ako sa tahimik." tumango tango ako. Nag-iwas ako ng tingin at nagfocus sa harapan. "Mas gugustuhin mo pa ba dito kung sakali?" Muli ko siyang nilingon. "Alam mong mas kumportable ako sa probinsya. Napipilitan lamang ako dito dahil kay lola." "Kung ganon, wala din naman palang silbi ang bahay na maiiwan dito." nangunot ang noo ko. "Paano mo nasabing walang silbi?" "Dahil sa sinabi mo, ikaw lang din naman ang makakasama ko doon." Nawalan ako ng imik sa sinabing iyon ni calix. Ibig niya bang sabihin na ako ang makakasama niyang lumagay sa tahimik? "But let's not think about that for now. I want to see you reach your dream first." bahagya akong ngumiti rito. I'm not sure if he's the one I'll be with one day to be my partner. I am disgusted with myself because of the feelings of my heart. I want to control my heart but it has a own life. No matter what I do my heart will still follow its own beat. Hindi ko iyon mapigilan dahil naroon na siya ng hindi inaasahan. We quickly arrived at their residence, which now has several cars parked in front of their house. I didn't think their house was decorated because they were expecting visitors. Tita Leonore greeted me and immediately hugged me tightly. I hugged him back before greeting her. "Nasaan si tita perla?" She looked behind me before turning her gaze back to me. Ngumiti ako ng pilit. "M-may lakad po si lola, hindi ito nakasama." Her face was sad before she snorted. "Ganun ba, sayang naman. Namiss ko na si tita." "Lola perla said she will only visit on my birthday. I'll just bring her favorite food." Tita leonore sighed before nodding. "Okay, Go inside first. Prepare something to eat for winter.." "Nasaan po pala si tito?" tita faced me. "Nasa loob siya. Dumating kasi sila papa, come here." Tita lead me inside while Calix was by my side. There were guests in the living room sitting on the long sofas. I'm sure there will be having a party here tonight. Magarbo kasi ang mga lamesa sa labas at inaayos iyon ng mga kasambahay nila. Nilingon ako ng mga bisita dahil sa paglapit namin. Agad kong nakilala ang ama ni tita leonore dahil tubong probinsya lang din sila. Calix's grandfather smiled at me before introducing me to his companions. "Ito nga pala ang nobya ng aking apo. Masipag at matalino ang batang ito." I feel ashamed of how proud it is of me. Calix suddenly held my hand to calm me down because he had memorized my behavior. "Ang ganda naman nga ng nobya mo." that was the compliment to me from a woman who was not familiar with me. I smiled at her. "S-salamat po." "Matagal na silang magkakilala, they're childhood friends and my son discovered his feelings on her." pilit ang ngiting iginawad ko kay tito bago siya tumayo upang lapitan ako. "Happy birthday po." i greeted him. "Thankyou. are you alone, where is tita?" "May lakad po si lola." "Really? Tita Perla is always busy, but that's okay. Kumain na muna kayo ni calix, He hasn't eaten yet because he wants to eat with you." Natawa ako sa sinabi ni tito. "Sige po. Salamat." Nilingon ko si calix ng kausapin si tito ng isa niyang bisita. "Bakit mo pa ako hinintay?" ”It's been a long time since we've eaten together, is it bad to wait for my girlfriend?" Napakurap ako. "H-hindi naman." "Well, lets eat. Nagugutom na 'ko." "Tsk." nginitian niya lang ako bago hilain ang kamay patungo sa kanilang dining area. They're a lot of foods, pero alam kong hindi lang ito ang pagkain na ito. They're prepare a catering service, siguro mamayang gabi idaraos ang party. ”Can you stay here until tonight?" I looked up at calix while we were eating. I'm so hungry because I haven't eaten this morning. "Pwede naman na siguro." "Really? I forgot to tell lola perla, is it okay if I drop you home around eight o'clock?" "Anong oras ba mag-uumpisa ang party dito?" "About seven o'clock. they are going to fix the venue now." tumango tango ako, ayos lang naman siguro kay lola na umuwi ako ng alas otso. But ashong suddenly came into my mind. I wonder if he won't look for me until tonight. Pero, bakit ko ba iniisip iyon? Masyado ko na siyang pinoproblema! "Why? Do you have a problem?" I quickly shook my head at Calix. He obviously noticed my thoughts so he couldn't avoid asking. "Wala. Sasabihin ko na lamang kay lola na nagkaroon ng party dito kaya't ginabi ako." Calix smiled at what I said. His eyes never left my face. I couldn't stand his stare so i looked away first Ilang minuto ang ginugol namin sa pagkain. Nanatili akong nakaupo sa aking pwesto habang pinapanuod ang kasambahay na iligpit ang mga pinagkainan namin. I wanted to help but calix stopped me. He was washing his hands in the sink while frowning. After that, he faced me while holding the towel. "Can you help me choose what to wear tonight?" Natawa ako. "Hindi ka ba makakapiling mag-isa?" "No, I just want to get your confirmation. And also i want my girlfriend to choose the clothes i wear." Nag-iwas ako ng tingin bago tumango. "O-okay, ngayon na ba?" "Hm." calix nodded. Lumapit na ito sa akin kaya't tumayo na ako. Inilalayan niya akong maglakad kahit na kaya ko naman. Umakyat kami patungo sa kanyang kwarto. Hindi tulad ng ibang lalake ay makulay ang silid ni calix, alam ko ng hindi siya mahilig sa madilim. He wants a light color and he hates a dark color specially if its black. Naupo ako sa kama niya ng dumiretso ito sa kanyang closet. Binuksan niya iyon at agarang inilabas ang sandamakmak na longsleeve polo. They're all plain, ngunit walang black. Karamihan at navy blue, gray at white. Iba't iba nga lang ang design lalo na ang tela. ”I'm always confused about what to wear. Good thing you're here" pinagtawanan ko siya dahil alam ko na talaga ang ugali niya. He always undecided about what hes clothes type. Para siyang babae. "Lahat naman ay nababagay sa'yo, calix." ini-angat ko ang gray na longsleeve, madulas siya at malambot. Ito ang nagustuhan ng mata ko maging ng pandama ko. "Ito na lang." ”That's what I want too. We just like the same thing." kinuha niya iyon. Maayos naman na ang tela at mukhang nagamitan na ng plantsa. Muli nitong ibinalik ang mga nailabas niyang ibang damit. Kumuha rin siya ng itim na slack at inihanda na niya iyon sa sulok malapit sa salamin. Bumuntong hininga siya bago maupo sa tabi ko. Nginitian niya pa ako na halos umabot ang tuwa sa kanyang mata. Nakukunsensya na lalo ako tuloy sa tuwing magtatama ang mata namin. Hindi ko mapigilang sisihin ang kapalaran kung bakit ganito ang tinitibok ng aking puso. ”I'm sorry if I don't visit you very often. I've been busy at school, there's a lot to do. Especially in the new branch that was built" ngumiti ako. "Ayos lang 'yon, naging abala din naman ako." nasa isip ko ang isinagot ko. Iniisip ko kung kanino ako naging abala. Kay ashong ba? Napamura ako sa isip ko lamang. "I thought you would be angry. thank you for your understanding." I laughed. But because of the seriousness he conveyed I was able to close my lips. Calix was staring at me as if he thinking about something. Later, he touched my cheek. He just caressed it while still looking at me. Akala ko hahaplusin niya lamang iyon hangga sa bumalik na siya sa normal. Ngunit hindi ko inaasahang lalapit ng ilang distansya ang kanyang mukha palapit sa akin. Agaran akong umatras dahilan upang maiwan sa ere ang kanyang kamay. Napakurap siya bago lumunok. "I-im s-sorry..." he was suddenly worried about my actions. When he apologized, it seemed to me that he regretted what he had done. Ngunit ako dapat ang siyang humingi ng tawad. Tila nabigo ko ito ngunit hindi niya inintindi ang kanyang naramdaman, ang inisip nito ay ang inakto ko pa imbes na ang sarili niya. "H-hindi ko s-sinasadya." we're not totaly kiss but he had a time to say this words to me. Akala ko kaya kong gawin iyon kay calix, ngunit hindi pala.. Ayokong dumating sa punto na iba ang papasok sa isip ko sa oras na gawin namin iyon ni calix. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. ********* to be continued.. Follow me on f*******: @Labxzaza Wp
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD