Winter Pov.
( I LOVE YOU)
Malaki ang pagkakadistansya ko kay ashong sa pagbukas ng pinto. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha habang nakangiti ang doctor na pumasok sa loob.
May kasunod itong dalawang nurse habang may dalang gamot sa hand basket na bitbit nila.
Lumakad palapit ang doctor upang tanungin si ashong.
"Matindi pa ba ang p*******t ng ulo mo?"
Normal ang ekspresyon ni ashong bago umiling. "I'm better now. Pwede na ba akong lumabas bukas?"
"Are you sure you didn't feel any headache. Nagsusuka ka kahapon at nahihilo, gusto sana kitang I-ctscan bukas para sigurado akong hindi ka magkakaroon ng kumplikasyon."
"I'm just drunk yesterday kaya't nahihilo ako. Maayos na ang pakiramdam ko."
"Maaari naman siyang ipa-ctscan bukas doc. Mas mabuting sigurado tayo sa kanyang kalagayan."
Nilingon ako ni ashong dahil sa sinabi ko. Hindi ko pa alam ang buong detalye kung ano nga ba ang nangyari sa kanya. Nasabi lamang sa akin ni jacob na nagkaroon ito ng kaalitan na nauwi sa g**o.
Dito ang bagsak niya dahil pinagtulungan siya sa bar ng parkinglot. Nadakip na rin naman ang mga lalakeng nagbugbog sa kanya noong gabing iyon.
"Tama ka. Hindi ko siya matingnan kahapon dahil ginagamot namin ang mga sugat niya. May bukol siya sa parteng ulo kaya't nais ko itong tingnan."
"Okay doc. Baka sa susunod na araw na lang ba siya lalabas?"
Tumango ang doctor. "Once na maayos ang resulta maaari na siyang umuwi. Sa ngayo'y lilinisan muna ng dalawang nurse ang kanyang mga sugat."
Pansin ko ang pagsama ng tingin ni ashong. "Its still clear. kakalinis niyo lang kanina!"
"Kaninang umaga pa iyon Mr falcon."
"Why don't you let my hand rest? Ang bibigat ng mga kamay nila!"
"Ashong." Nilingon niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya dahil halatang natatakot siyang ipagalaw ang kanyang kamay. "Sundin mo na lamang ang sinasabi ni, doc. Lilinisan lamang ang sugat mo, matapos 'non ay makapag-papahinga ka na."
"Ayoko sa mga nurse na iyan. They're just forcing my hand. Mas mabuting Ikaw na lamang ang maglinis sa sugat ko." Napabuntong hininga ako bago sulyapan ng tingin ang doctor.
"Ako na lang po ang magpapalit sa benda niya."
"Sigurado ka ba?" Tumango ako sa tanong ng doctor.
"Opo. Ako na rin ang magpapa-inom sa kanya ng gamot."
"Kung ganon ikaw ang bahala. Binisita ko lamang siya upang tanungin tungkol sa kanyang pakiramdam. Babalik na lamang ako bukas ng maaga."
"Sige doc, thankyou po."
Ngumiti ang doctor sa akin. "Bantayan mo ang boyfriend mo. Ireport mo agad sa nurse station kung sumusuka siya ulit. Mauuna na ako."
Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Nakangiti pa ang dalawang nurse sa akin ng ilahad nila ang maliit na basket na naglalaman ng gamot at gagamitin kong paglinis sa sugat ni ashong. Nahiya ako bigla dahil alam kong nakita nila ang eksena kanina. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, nadala na naman ako sa halik ni ashong.
"Tsk, mga istorbo." Iyon ang binulong ni ashong matapos nilang lumabas. Ngunit malakas ang aking pandinig habang nakatayo sa gilid ng kanyang kama.
"Bakit ba napaka-tigas ng ulo mo?"
"Ano na naman ang ginawa ko?"
"Dapat ka lamang na sumunod sa mga sinasabi ng doctor. Para din naman iyon sa'yo."
"Malinis naman kasi ang sugat ko, winter. Lalo lamang siyang sumasakit pag nagagalaw, hindi na dapat ito nilalagyan ng gasa."
"Nasa ospital ka pa rin ashong. Sa oras na makauwi ka ay kailangan mo ng alisin ang balot sa kamay mo." Inilapag ko ang basket sa gilid nito. Naupo rin ako sa gilid ng kama habang nakanguso siyang nakatingin sa akin.
"I can't go home tomorrow. Ayokong masermonan lamang ni mommy."
"Kung ganon saan ka tutuloy?"
"Doon muna siguro sa condo ni jacob. Hindi ako pwedeng umuwi sa condo ko dahil makikita lang ako ni daddy doon."
Napabuntong hininga ako. "Ano ba kasi itong pinasukan mo?"
"Hindi ko kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Yung mga miyembro ng car race ang may kasalanan!"
"Bakit sila naroon?"
"They're just having a party. Ayoko lang naririnig na gusto ka nilang makuha ulit. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nila."
"Kasalanan mo pa rin, maaari kang umiwas ngunit hindi mo ginawa."
"Dahil binabastos ka nila sa harap ko. Kahit sino pa sila basta't hindi ko nagustuhan ang sinabi nila tungkol sayo kakalabanin ko sila." Napaismid ako. Kahit ang yabang niya sa paningin ko ay nakukuha niyang paluksuin ang puso ko sa kanyang tinuran.
Totoo na nga yata ang nararamdaman ko. Hindi na ito simpleng paghanga lang, iba na ang halaga sa akin ni ashong.
"Hindi ka nila pwedeng bastusin. Kahit galit ako sayo noon mas pumapaibabaw pa rin ang kagustuhan ko sa'yo." Napalunok ako. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng ito. Kaya niyang isigaw ng harap-harapan sa akin ang nararamdaman niya. Samantalang Ako ay nanlambot pa kanina ng aminin ko ang totoo.
"N-nagalit ka s-sakin?" Natawa siya sa tanong ko.
"Ofcourse, sinong hindi magagalit sa ginawa mo?"
"Hindi ko alam. Akala ko iintindihin mo ako dahil mahal mo ako, pero iniwasan mo ako."
"Nasasaktan ako, natural na umiwas ako sa taong nananakit sa akin. Hindi ako manhid, winter. Ayos lang sa akin na ipagtabuyan mo ako, ngunit ang sabihing mong mahal mo si calix. Ibang usapan na 'yon."
Naitikom ko ang bibig sa sinabi niya. Nasabi ko ngang mahal ko si calix noon kahit hindi totoo. Dahil ang katotohan, wala akong nararamdaman para kay calix.
Ang nararamdaman kong paghanga sa kanya noon ay tuluyan ng lumipas. Ngayon ko lang nalaman na hindi pagmamahal ang meron ako, kundi. Humahanga lamang ako kay calix dahil sa personalidad niya, dahil matalino at inaalagaan niya ako. Pinahahalagahan ko lamang ang matagal naming pinagsamahan.
"Ang hirap palang magtampo lalo na kung nasa paligid ka. Wala pa man bente kwatro oras ang pananatili mo dito bati na kita." umismid ako. Pinigilan kong matawa dahil para siyang bata.
"Napaka-drama mong lalake." ani ko. Naiiling habang kinukuha na ang kanyang kamay upang kalasin ang nakadikit na tape doon.
"I'm not madrama, Nasaktan lang ako. First time kong mareject, kung ano-ano pa ang sinabi mo na wala sa akin ang mga katangiang gusto mo sa lalake. Hindi mo lang ako basta tinapakan, dinurog mo pa ako."
"Iyon lang kasi ang rason upang lumayo ka."
"Gusto mo akong lumayo kahit ako ang gusto mo. Anong klaseng babae ka?"
"Dahil may nobyo ako. Ashong."
"So what?" tumaas ang kanyang kilay. "I know why you say yes to calix. Hindi mo lang siya gustong mapahiya, nabalitaan ko ang proposal na ginawa niya. Alam ko rin na hindi mo siya gustong saktan, that day you already have a feelings on me."
"Grabe. Ang lawak na talaga ng naiisip mo."
"Why don't you just admit winter. You know, i can be your secret lover wheather you like it or not. Dahil sinabi mong gusto mo ako, sa tingin mo ba pakakawalan pa kita?" hindi ako nakaapila sa sinabi niya. Wala talaga akong masabi sa lalakeng ito dahil sa lakas ng kanyang kumpyansa. "Pag naging akin ka, hindi ka na makakawala pa. Kung pwede kitang itali, itatali talaga kita sakin."
"Masyado kang mapag-angkin ashong."
"That's what love can do. Wala na akong pakialam kung gaano man ako ka-corny. Totoo naman lahat ng sinasabi ko."
"Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko naman. Ang sa akin lang, ayokong ipaalam mo kahit kanino ang sinabi ko."
Nangisi siya. "Natural, sino ba ako para ipahamak ka? Ako lang naman ang lalakeng makakatabi mo sa altar soon."
Natawa ako bago mag-iwas ng tingin. Nasagi ko pa ang kamay niya dahilan upang mailayo niya iyon sa akin ng may nanlalaking mata.
"It hurts."
"P-pasensya na. A-ano ba kasing pinagsasabi mo." hinawakan ko ang kanyang kamay. Tuluyan ko ng kinalas ang nakapalibot na tape bago bumungad sa akin ang bulak at gasa na nakapatong mismo sa sugat niyang may tahi. "M-masakit pa ba?"
"Y-yes. Sh*t. Parang hindi ko na maramdaman yung kamay ko."
Napakagat labi ako habang tinitingnan iyon. Naawa pa ako bigla dahil baka nasaktan nga siya sa nangyari.
"T-tatawag ba ako ng doctor?"
"N-no, w-wag na. K-kulang lang yan sa haplos."
Nangunot ang noo ko. "Haplos?"
"Oo, haplos mo." nabitawan ko ang kamay niya bago siya samaan ng tingin. Pabagsak iyon kaya't napamura na siya.
"F*ck! Masakit!"
"Tigilan mo ako sa kalokohan mo, ashong. Lilinisan ko na ang sugat mo at ng maka-inom ka na ng gamot." nangiwi siya habang nakatingin sa akin.
Hindi rin naman siya humirit pa nang umpisahan ko ng alisin ang takip ng kanyang sugat. Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin, walang reklamo na nasasaktan siya dahil banayad lamang ang aking pagdampi sa mismong sugat nito.
"You can be my nurse, winter. Walang mag-aasikaso sa akin pag nasa condo na ako ni jacob."
"Hindi ako maaaring manatili doon. Alam mo namang walang kasama si lola." napanguso siya.
"Kung ganon. Ako mismo ang tutulong sa sarili ko? I can't cook by my own. Walang magsisilbi sa akin, baka mabalitaan mo isang araw na patay na pala ako."
Sumama ang tingin ko sa kanyang sinabi. Ngunit napag-isip ko rin na may punto siya. Ngunit hindi ko magagawang manatili doon, hindi rin naman ako mapakali kung iisipin ko ang lalakeng ito na mag-isa doon.
Napapikit ako.
"May malapit na apartment sa bahay. Kung gusto mo, doon ka na lang muna."
Nagliwanag ang kanyang mukha. "Saan 'yon?"
Napapatitig ako sa kanya bago ko sabihin ang apartment na 'yon. Hindi naman iyon nalalayo sa bahay, siguro bibilang ka ng apat ng bubong bago mo marating ang apartment na 'yon. Sakto lamang din na umalis na ang mga nangungupahan doon, mura lang siya ang kaso lang hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang lugar na 'yon.
MATAPOS kong malinisan ang sugat ni ashong ay nagmadali akong painumin siya ng gamot. Tinulungan ko rin itong mahiga upang maging kumportable siya, hindi mawala-wala ang kanyang ngisi habang ginagawa ko iyon. Pasalamat siya at hindi ako ganoon kasama, kundi. Baka kanina pa ako umuwi dahil sa nakakaasar niyang titig.
"You can sleep here." natawa ako sa sinabi niya.
"Malikot akong matulog, ashong. Baka bukas pag-gising mo, wala na yang kamay mo."
"Tsk. Your too harsh."
"Baka madaganan kita. Atsaka, hindi ako tatabi sa'yo." umirap ako bago maupo sa sofa. Nakabusangot ang kanyang mukha habang nakabaling ang ulo sa akin. "Matulog ka na."
"Hindi ka ba aalis?"
"Hindi. Babantayan nga kita, dito na ako mahihiga."
"Ang sabi mo malikot kang matulog, paano kung mahulog ka diyan."
"Hindi ako ganoon kalamya, ashong. Magpahinga ka na, maaga ka pang gigising bukas dahil babalik ang doctor mo."
Napabuntong hininga ito. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hangga sa ako na ang unang lumihis ng tingin. Tumayo ako upang pagpagan ang sofa. Ibinigay ni ashong sa akin ang isang unan na agad kong kinuha, nahiga ako sofa dahil bumabagsak na ang mga talukap ko sa mata, inaantok na ako.
"Matutulog ka talaga diyan?" simpleng tango lamang ang isinagot ko kay ashong. Nakaside ako paharap sa kanya, magkapatong ang palad ko habang nakadagan sa aking pisngi.
"Matulog ka na."
"Okay. Goodnight."
"Hm." pumikit na ako bago ko marinig ang kanyang pagmamaktol. Iminulat ko ang isang mata at doon nakita siyang nakasimangot na nakatingin sa akin. "Ano?"
"I told you goodnight. You need to answer me!"
"Wala ka naman sinabing kailangan kong mag goodnight sayo."
"Kailangan pa ba na sabihin iyon? Automatic na 'yon winter, hindi ba sinasabi iyon ni calix bago matulog?"
Nag-iwas ako ng tingin. Inisip ko pa ang mga nagdaang conversation namin ni calix bawat gabi. Sinasabi niya nga iyon sa akin ngunit madalas na hindi ko na ito binibigyan ng sagot.
"Tsk. Sinasabihan ka ba ni calix ng i love you, mahal kita. O hinalikan ka na ba niya?"
Matindi ang pagkakakunot ng noo ko. "Anong klaseng tanong 'yan!"
"Just say yes or no. Iyon lang ang sagot."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin matandaan kung may i love you ba sa conversation namin. Hindi pa rin naman ako hinalikan ni calix kahit minsan lang.
"D*mn winter! Nagpapahalik ka sa lalakeng 'yon!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi, napapano ka ba!"
"Are you sure?" naniniguro siya.
"Calix is gentleman and respectful. Hindi siya ganoon sa iniisip mo, ibang lalake si calix. Hindi tulad mo."
"Yan, yan ka na naman!" nakalabi siya habang lumalaki ang butas ng ilong. "Ang hilig mo talagang ikumpara ako kay calix!"
"Totoo naman, maginoo si calix."
"Maginoo din naman ako!" natawa ako dahil sa sinabi niya, saan banda? "Maginoo ako kaso lang, masyado akong nadadala sa labi mo. Inaakit ako nito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko."
"Ganun din ba ang ginagawa mo sa ibang babae? Pag gusto mo ito hahalikan mo?"
"No way! Anong akala mo sakin, tigang sa halik!"
"Ganun ang ginagawa mo sakin, ashong."
"Tsk. Ikaw pa lang, sayo lang ako umaakto ng ganito. Dahil lahat ng naging babae ko sila ang nagbibigay motibo, hindi ko na kailangan magmakaawa pa, dahil ang mga babae ang naghahabol sakin."
"Ang yabang."
"Totoo iyon, winter. Hindi ko na kailangan mag-effort gaya ng sayo, kung hindi pa ako nabutasan ng palad at nabugbog walang winter na lalapit sa akin."
"Itulog mo na lang 'yan." pumikit na ako dahil masyado ng humahaba ang usapan. Pero ayun siya at hindi tumitigil.
"Tutulugan mo ako? Hindi pa ako inaantok, gusto ko pang makausap ka." hindi ko na siya sinagot. Gising ang diwa ko ngunit masyado ng malalim ang gabi para sa kwentuhan. Kailangan na niyang mamahinga. "Nagselos ka ba? Totoong madami akong naging babae, I have lots of experience too. Hindi mo na iyon maaalis sa gwapong tulad ko, pero nagbago na ako. Hindi na ako tulad noon."
Napamura ako sa isip. Kailangan niya pa bang sabihin iyon sa tulad ko. Experience, what kind of experience? Ginagag* niya ba ako.
"Pero, hindi ko naman iyon gagawin sa'yo. I want you as my girl. Ngayon lang ako na-inlove, sa isa pang tulad mo. I mean, your beautiful. Your unique for me, dahil ikaw ang espesyal sa lahat, kumbaga ikaw ang paborito ko."
Nanatili akong walang imik. Ito rin ang unang beses na may magsabi sa akin ng ganito. Sa isa pang tulad niya, Kakaiba pala ang pakiramdam lalo na at nagugustuhan mo rin ang nagsasabi nito.
"Natutulog ka na ba talaga?" hindi ko na siya pinansin. Narinig ko na lamang ang buntong hininga niya na tila titigilan na ako. "Goodnight again, ito sana yung unang gabing kasama kita sa kwarto. If i can show my heart now, baka lumulukso na iyon sa tuwa. D*mn, I am a gay? Kakaiba ang dinulot mo sakin winter." gusto kong matawa at sabihing daig niya pa ang babae sa lahat ng pinagsasabi niya. Ngunit hindi ko na ginawa.
Tuluyan ko ng pinanatag ang sarili ko sa sofa at balak na sanang matulog ng muli siyang magsalita.
"I love you, winter."
Naimulat ko ang aking mata dahil sa kakaibang naramdaman ko. Mabilis ang pintig ng aking puso ng makita siyang nakapikit na. Magkapatong ang kamay niya sa kanyang tiyan, nakabaling ang ulo nito sa akin habang sarado na ang talukap ng kanyang magagandang mata.
Natulala ako sa kanyang mukha. Ngayon ko lang narealize ang nangyari ngayong gabi, hindi ko akalaing gagaan ang loob ko dahil nasabi ko na sa kanya ang totoo. Ngunit nangangamba ako sa pwedeng mangyari sa susunod na araw pa.
Ayokong may masaktan dahil lamang sa akin.
*************
SABADO ng umaga muling bumalik ang doctor ni ashong. Agaran siyang sinalang sa ctscan upang malaman kung may damage ba sa kanyang loob.
Ilang minuto ang tinagal ni ashong sa kwartong iyon bago siya lumabas. Naka-wheelchair ito habang tulak ng isang nurse. Salubong ang kanyang kilay na halatang nainip sa nangyari. Halata naman na maayos siya, ang sabi kasi nito ay may pumalo sa kanyang ulo na nagdulot ng pagkahilo sa kanya. Hindi rin siya sigurado kung iyon ang dahilan kung bakit siya nagsuka, ang sabi nito ay baka sa kalasingan lamang iyon. Ngunit nais kong makasiguro na ayos lamang ang lahat sa kanya, mas mabuti ng maayos ng todo ang kanyang kundisyon bago siya umuwi.
Bumalik muli siya sa kwarto upang hintayin ang resulta. Sa oras na clear iyon ay maaari na tanggalin ang kanyang swero upang makauwi na siya.
Narito na rin si giovanni na siyang tumulong kay ashong kanina na magbanyo. Mabuti na lamang at dumating si giovanni, nagrereklamo si ashong kanina na madaling araw pa niya nais magbanyo. Hindi naman ako maka-imik, hindi ko rin naman kayang samahan siya loob dahil lalake siya't babae ako.
Paano ko siya tutulungan? Ang laki pa niyang tao at baka humandusay na lang siya pag ako ang aalalay dito.
"Im planning to stay in apartment." nangunot ang noo ni giovanni sa tinuran ni ashong. Kalaunan ay natawa siya bago mailing.
"What do you mean apartment?"
"Apartment, paupahan. Doon ako didiretso."
"What the h*ll, ashong? May bahay kami, may condo ka. You have a lot of place to stay tapos mag-aapartment ka? Are you out of your mind?"
"Malapit iyon sa bahay nila winter." agad na nakuha ni giovanni ang dahilan sa sinabing iyon ni ashong. Tuluyan na siyang natawa na naging sanhi sa kaasaran ng mukha ni ashong.
"That's love can do, huh? Ayoko talagang tamaan ng pana, baka maging tulad mo ako."
"Im praying for your healthy relationship. Sana hindi ka makarma sa mga panloloko mo" lalong natawa si giovanni.
"I'll be a engineer first, Im planning to build a company once i passed. Hindi ako magpapalamon sa pag-ibig na 'yan, hindi ako magkakaroon ng babaeng sasakal sakin."
"Tsk. Kakain mo din yang sinasabi mo."
Inismiran siya ni ashong bago ito lumingon sa akin. Nginitian niya ako habang nakatingin lang ako sa kanila. Giovanni have a strong awra. Pareho sila ni ashong, Mga dakilang adonis na hindi ko alam kung paano nagkaganito. Perpekto sila, ang tangkad nila at maaakit talaga kahit sinong babae sa kanila.
"So winter is going to wash your boxer?" nilingon ni ashong si giovanni na may namimilog na mata. Kalaunan ay hinagisan niya ito ng unan habang naasar.
"Shut up giovanni!"
"Why? Sinong maglalaba sa suot mo, di ba siya lang?"
"Your going to look a maid for me. Anong si winter ang maglalaba! gusto ko siya bilang girlfriend hindi maging alipin!"
"Wow. Papalakpak na ba ako?"
"Winter is a queen for me. Hindi ko siya kailanman uutusan!"
"Talaga? Tubig na nga lang kagabi hindi mo pa makuha e." napakurap si ashong. Ang hilig kasing magsalita na hindi muna iisipin ang kalalabasan. Nagtalo lamang muli sila, tahimik lamang akong nakaupo sa sofa habang napapailing sa tuwing mapipikon si ashong.
Ilang oras din kaming naghintay sa kwarto bago dumating ang doctor. Nasabi nito na maayos lamang ang naging resulta ni ashong. Maaari na siyang umuwi at dapat na magpatuloy siyang uminom ng gamot hangga sa matuyo ang sugat niya sa kamay.
KOTSE ni giovanni ang ginamit namin pauwi ng bahay. Nanatili muna sa amin si ashong habang pinapaliwanag ko ang dahilan kung bakit kailangan manatili ni ashong sa apartment malapit dito.
Pumayag naman na si lola ngunit nag-aalinlangan din. Baka kasi magalit daw si angelina kung dito malapit sa amin mananatili si ashong. Hindi ako nakapagbigay sagot doon, sinusuri ni lola ang reaksyon ko dahil naguguluhan rin ito.
"Tinutulungan mo ba si philip dahil kay trixie?" naisara ko ang labi sa katanungan ni lola. Hindi ako nakasagot, nahihiya ako dahil alam ko na ang iniisip ni lola. "Wala bang ibang malalapitan si philip?"
"W-wala h-ho. Abala po kasi silang lahat, h-hindi niya nais ipaalam sa kanyang magulang ang nangyari dito."
"Paano kung malaman ito bigla ni angelina? Siguradong ikaw ang maiipit dito apo."
"Kaya ko pong magpaliwanag sa kanya. Gusto ko lang tulungan si philip."
Napabuntong hininga si lola bago mag-iwas ng tingin. "Kakausapin ko muna ang landlady ng paupahan. Hintayin niyo ako dito." malaking kaginhawaan ang naramdaman ko sa sinabing iyon ni lola. Lumabas siya ng silid kaya't sumunod ako rito.
Naroon sa sala sila ashong at giovanni. Naghihintay habang nasa gilid ang mga ilang gamit ni ashong.
Lumapit si lola na bahagyang nakangiti. Nasa likuran niya ako habang pinakikiramdaman ang dalawang lalake.
"Sorry to disturb your time. Tita." si giovanni. Ngumiti si lola ng magmano silang dalawa, walang imik si ashong dahil halatang nahihiya.
"Kakausapin ko lang ang may-ari ng apartment. Hintayin niyo ako dito." mabilis na tumango si ashong.
"Thankyou lola."
Ngumiti si lola bago ako lingunin. "Igawa mo sila ng maiinom."
Tumango rin ako. Lumakad na si lola palabas ng bahay. Doon lamang ako nakahinga ng maayos bago muli silang tiningnan.
"Hindi ba makakapag-stay dito si philip?" umiling ako sa sinabi ni giovanni.
"Dalawa lang ang kwarto dito. Yung sa ilalim ay kay lola, sa itaas naman ako. Atsaka, baka hindi pumayag si lola lalo na't hindi ito alam ni angelina."
"Angelina?" natatawa si giovanni. "You can call her tita or mommy."
"She already meet my mom." nagulat si giovanni sa sinabing iyon ni ashong.
"Really? Kailan? Hindi yata ako updated na pinakilala mo na si winter sa inyo."
"She help me about my report that day. Hindi ko naman alam na uuwi si mommy noon, its a accident."
"Oh, para yung feelings mo kay winter. Accident lang at bigl--- sh*t. it hurts!"
Napailing ako dahil sa pagbatok ni ashong kay giovanni. "Hindi na tumigil ang bunganga mo, mas mabuting tumahimik ka na lang!"
"Tsk. Im just telling the truth. Sinasabihan mo pang manang s--" tinakpan ni ashong ang bibig ni giovanni. Napatayo si giovanni bago samaan ng tingin ang kaibigan.
"F*ck. Ang baho ng kamay mo!"
"I told you to shut your d*mn mouth!"
"Hindi ka man lang naghugas ng kamay kanina matapos mong magbanyo. Idinikit mo pa sa mukha ko, kadiri ka!"
Napasapo ako sa aking noo habang umiiling. Napalabas pa iyong kapitbahay namin upang sumilip sa pinto.
Humingi na lamang ako ng dispensa dahil sa pag-iingay ng dalawang adonis sa aming bahay.
*********
to be continued.
Ano ba kasing hinawakan ni ashong? HAHAHA. Pero excited ba sa susunod na chapter? Ako kasi kinakabahan. ❤️