Chapter 8

3471 Words
Ashton Philip Pov. (PANUNUYO) Ito ang unang beses na maranasan ko ang masaktan. I'm not use to this broken feelings. Hindi naman ako nasasaktan noon dahil lahat ng natitipuhan kong babae ay aking nakukuha. Madalas akong lumabas kasama si giovanni, were enjoying flirt*ng with another girl's we meet. I don't have a serious relationship before. Laro lang kasi sa akin ang mga babae, walang tumatagal sa akin dahil ako rin ang unang nagsasawa. Sa huli iiwan ko na lamang ang babaeng nakilala ko kahit hulog na siya sakin. Then, one day. I saw trixie, noong last year enrollment. She's beautiful and attractive, agad niyang nakuha ang interest ko dahil nga maganda't sexy siya. I thought trixie can give me a long relationship, akala ko siya na. Ngunit gaya ng naramdaman ko sa iba ay ganun rin ang nangyari sa feelings ko sa kanya. It's already fade because of the girl name winter villapania. Ang babaeng iyon ang dahilan kung bakit sumasakit ang dibdib ko. She already broke my heart even were not totally on. Sinaktan niya ako sa mga salita niya. Pinaasa niya ako na baka maging kami. She let me to kiss her, doon pa lang ramdam ko ng may gusto siya sakin. Alam kong hindi niya nais saktan si calix. Ngunit hindi ko matanggap na kaya niya akong saktan maprotektahan lang ang nararamdaman ng lalakeng iyon. I'm mad at her. Kahit pumunta pa siya dito ay hindi ko siya pinansin. Even i have feelings on her, titiisin ko muna siya upang makita niya ang halaga ko. Hindi pwedeng sorry lang, dapat malaman niya ang salitang effort. "Your not eating yet, philip. Gusto mo bang mamatay?" I rolled my eyes when giovanni speak on my side. Kanina niya pa ako pinapakain ngunit hindi ko siya pinapansin. I'm pissed because of winter. Umalis nga siya matapos nitong mag-sorry. Hindi man lang ako sinuyo. D*MN! Hindi naman ako ganito noon! Nasisiraan na ako, daig ko pa ang babae kung magtampo. "Much better if i die." Minura niya ako sa sagot ko. Napailing pa siya habang nakatingin sa akin. "Hindi ka lalabas dito kung hindi ka malakas, tingnan mo nga ang sarili mo. Ang panget mo na." "Why dont you just leave me? Ang ingay mo." "Kumain ka muna." "Hindi ako kakain, giovanni. Wala akong gana." "Bakit ba kasi itinaboy mo si winter? Why don't you take this opportunity to be with her, siya naman ang dahilan kaya't nababal*w ka!" Sinamaan ko siya ng tingin. Ngunit wala akong naisagot sa katotohanang si winter rin ang dahilan upang gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong kasinungalingan lamang ang lahat ng kanyang sinabi upang tigilan ko na siya. But d*MN this feelings! Ang sakit. "Hinatid ba siya ni jacob pauwi?" Giovanni laugh when i asked her about winter. "No, Jacob is already on his condo. Naglakad lang si winter dahil wala siyang pamasahe." "What did you say!" Hindi ko maiwasang mapaupo sa sinabi niya. Napangiwi pa ako sa sakit ng mailapat ko ang aking palad na may tahi. "Pinaglakad niyo lang siya! Mga gag* talaga kayo!" "Ayaw niyang magpahatid, nakukunsensya daw ito sa nangyari sa'yo." Masamang tingin ang ipinukol ko dito dahil sa ginawa nila. Naglakad lang si winter pauwi? Sh*t! Baka hindi pa siya nakakauwi ngayon. "Wait! Where are you going!" Pinigilan ako ni giovanni sa plano kong pagtayo. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago tuluyang bumaba sa kama. "What the f*ck philip! Your not still okay!" "I'm going to check winter! Mga wala kayong silbi!" "Sh*t. Just calm down, ayos lang si winter." Inaalalayan niya ako sa paglalakad dahil nagpupumilit akong lumabas. Masakit ang buong katawan ko dahil sa bugbog na natamo, pagtulungan ba naman ako. Idagdag mo pa ang malaking sugat sa aking palad dulot ng basag na bote. Iniharang ko ang aking kamay upang mailagan sana ang isasaksak na bote sa akin. Ito ang nangyari kaya't nagkaroon ako ng sugat sa kamay. "Mahiga ka na philip. Look at your hand is f*cking bleeding sh*t!" Nagbaba ako ng tingin sa aking kamay. Nagdurugo na nga iyon dahil sa paglapat nito kanina. Ngunit wala akong pakialam, nagpatuloy ako sa paglalakad habang hawak ni giovanni ang dextrose. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng kusa na iyong bumukas. Natigilan ako habang nakatitig sa taong bumungad sa akin. Nagulat siya ng makita akong nakatayo. Agad siyang lumapit sa akin upang alalayan ang braso ko. "Bakit nakatayo ka na ashong!" Sh*t. I miss her. Specially when she calling me ashong. Kung dati ay kinaiinisan ko ang pagtawag nitong ashong sa akin. Ngunit nagbago na ngayon, malapit na akong mag-alaga ng aso at papangalanan ko ng ashong. "Ang tigas ng ulo winter!" Si giovanni. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling magpanggap na galit. "Magbabanyo lang ako!" "Oh really? Sinong nilok* mo!" "Just shut up your d*mn mouth giovanni!" Naiiling siya sa inasal ko. Hindi rin naman bumitaw sa akin si winter na nagdadala ng kuryente sa aking kamay. "Magbabanyo ka ba?" She asked me softly. Nag-iwas ako ng tingin bago lumunok. "Yes, let go of my hand." "Samahan na kita." "What the f*ck!" Nagulat ako sa sinabi niya. Maging ito ay napapahiya dahil ngayon lang niya narealize ang kanyang sinabi. "Sige. Ikaw na ang humawak dito winter." Inabot ni giovanni ang hawak na dextrose. Ngunit masyadong maliit si winter upang maitaas iyon. "Sh*t!" Napamura ako. Ang sakit na ng katawan ko sa tagal ko ng nakatayo. Thanks god at bigla na lang pumasok si jacob. "What happen here?" Jacob asked while holding a plastic bag. Inilapag niya iyon sa gilid bago kunin ang hawak ni winter. "Magbabanyo daw siya." Si winter na ang sumagot habang nagsisimula ng dumistansya. Nag-iwas ako ng tingin bago mag-umpisang lumakad. Pinagtatawanan pa ako ni giovanni habang papasok ng banyo. "Tigilan mo nga ang kakatawa!" I hissed while checking my zipper. Ang hirap lalo na't may balot ang isa kong kamay. Hindi ko mabuksan ng todo ang pantalon ko. "Just put this zipper down!" Natatawa siya bago magbaba ng tingin. Ganito na nga ang lagay ko pagtatawanan niya pa ako. Lok* talaga! "Do you want me to call winter? Nanlalabo ang mata ko, hindi ko mahanap ang zipper." "Giovanni!" "Yuck, how can you put your c*ck back? Ayokong hawakan yan!" "I can manage, just close my zipper after this!" "Sabi ko kasi si winter na Lang e." "How im gonna longer hold this f*cking dextrose. I'm hungry!" Nilingon ko si Jacob ng magsalita siya. Naiinip na nga kaya't binilisan ko na ang aking ginagawa. Si Giovanni ulit ang nagtaas ng aking zipper. Naka-alalay ito sakin habang papalabas kami ng banyo. Nauna si jacob sakin upang maisabit niya ang dextrose na hawak niya. Pansin ko pa ang babaeng abala sa pag-aayos ng pagkain sa gilid na sa tingin ko'y nabili nila sa labas. Natawa si giovanni dahil sinamaan ko siya ng tingin. Muntik pa akong lumabas kanina upang tingnan si winter. Ngunit kasama lamang pala siya ni jacob upang bumili ng makakain. Gag* talaga ang lalakeng 'to. "Where did you buy this food?" Giovanni asked while checking the food. Hindi sumagot si jacob dahil abala na ito sa pagkuha ng sarili niyang pagkain. "Sa malapit na restaurant lang." Winter answered before hold the small bowl with a soup. "Bakit ang tagal niyo?" "Nagpaalam pa ako kay lola. Ayokong mag-alala siya at hanapin ako." She sit on my side bed. Kunot ang aking noo kahit na nagugustuhan kong narito siya. "So, your going to stay here?" "Hindi." Umiling si winter habang pinapalamig ang sopas na nabili nila. "Uuwi din ako mamaya." "Why don't you stay here, walang magbabantay kay philip." Hindi nakasagot si winter sa sinabing iyon ni jacob. "I have meeting tomorrow. Uuwi din si giovanni para kumuha ng damit ni philip." "Yes. We don't have class tomorrow." Sumingit din si giovanni. Ngunit halatang nag-dadalawang isip si winter kaya't sumabat na ako "Huwag niyong pilitin ang tao kung ayaw niya. Sanay naman akong naiiwan." "Pfft." Pinigilang matawa ni giovanni sa sinabi ko. Yumuko ito bago ko mapansin ang paglingon sa akin ni winter. "Pwede naman akong matulog ngayong gabi dito." I glanced at her with a shocked expressions. Seryoso siya? "Sasabihin ko na lamang ang dahilan kay lola bukas kung bakit hindi ako nakauwi ngayon." "Hindi mo kailangan gawin ito kung napipilitan ka lang." Ngumuso siya sa sinabi ko. D*MN. Bakit kailangan niyang gawin yan! "Hindi ako napipilitan, ashong." "Talaga? Baka nakokonsensya ka lang?" Tumitig siya sakin. Malungkot ang kanyang mukha dahilan upang mag-iwas ako ng tingin. "Gusto lang naman kitang tulungan, ashong. Hindi ako nakukunsensya o napipilitan, bukal ito sa loob ko." "Why did you need to help me, hindi ba pinagtabuyan mo na ako?" Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Hindi kita pinagtabuyan. Ang sabi ko lamang maraming babaeng mas higit pa sakin." "Yun na din 'yon, winter." Hindi na siya sumalungat pa sa sinabi ko. Napabuntong hininga ito bago siya mag-iwas ng tingin. Naiiling pa sakin si giovanni habang nakatingin lang sakin si jacob. "Kumain ka na lang, kung ayaw mong narito ako. Uuwi din ako pag naubos mo ito." Bahagyang umawang ang labi ko. Uuwi talaga siya? Hindi niya ipipilit na dito siya mananatili? Natawa ako sa naisip ko. Hindi man lang pinatagal ang panunuyo. "Tsk. Bukas ka na lang ng umaga umuwi. Baka mapahamak ka pa sa labas, kasalanan ko pa." Lihim na natawa si giovanni sa sinabi ko. Ang sarap hagisan ng unan dahil sa pang-aasar niya. "Seryoso ka?" Hindi pa makapaniwala si winter. Tinitigan ko siya na nagbigay ilang sa kanyang mukha. "K-kung ganon. K-kumain ka muna." "Susubuan mo ako?" Napakurap siya bago lumunok. "Hindi ka naman makaka-kain mag-isa. Natural na subuan kita." "Baka magselos ang boyfriend mo." Natigilan din ito. Bahagyang nakaawang ang labi bago mag-iwas ng tingin. "Wala naman malisya itong ginagawa ko, ashong." Tumango tango ako. Hindi na ako humirit pa habang hinahalo na niya uli ang hawak na pagkain. Tumayo si jacob at nagpaalam na uuwi na muna. Naiwan si Giovanni na hindi pa tapos sa pagkain. Wala na din siyang pakialam habang nag-uumpisa na si winter na subuan ako. "Why don't you change your clothes first?" I asked her after she feeds me. Hinahalo niya muli ang sabaw bago magbaba ng tingin sa kanyang uniform. "Nagdala ako ng damit ko." Tumaas ang kilay. "So, your really stayed here?" "Hm." She shortly nodded. Hindi ako nakasagot ng subuan niya akong muli. Nakakainis lang dahil nawala bigla ang galit ko. Nawala ang selos ko dahil pakiramdam ko ay akin ang babaeng ito. Natapos siyang subuan ako. Iniligpit niya rin ang mga kalat at hinugasan. Naroon na si giovanni sa sofa habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Si winter ay may kinukuhang gamit sa dala ni jacob kanina. Ngayon ko lang napansing may bag doon, iyon ang gamit niya? "M-maliligo lang ako." Nahihiya siyang nagpa-alam sa akin. Napakurap ako bago tumango. Natawa pa sa akin si giovanni ng tumalikod si winter upang pumasok ng banyo. "Stop laughing, Giovanni!" Nailing ito. "Your hard to get. Nasa kamay mo na nga siya nagpapakipot ka pa." "What do you mean?" "Tsk, grab this chance, philip. Alam kong may gusto rin sayo si winter, wag mo na itong palagpasin." Napaismid ako sa kanyang sinabi. Ngunit gusto ko ang suggestion niya, ang kaso nga lang. Ayoko ng mareject pa. Paano kung tuluyan na siyang magalit sa akin? D*MN this. ILANG minuto lamang ang tinagal ni winter sa banyo ng lumabas siya. Nakapagsuklay na ito sa loob, nakatupi na ang kanyang pinaghubaran habang inilalagay niya iyon sa kanyang bag. Ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit matindi ang paghanga ko rito kahit na nakapajama lang siya at simpleng blouse. It's pair with a pink socks. Malamig nga kasi dito sa kwarto, hindi ba siya sanay sa aircon? But, she's cute. Hindi ko talaga mapigilan hagurin ang kanyang katawan. Winter had a thin body. Hindi naman pangit tingnan. Sakto lang sa tangkad niya, I think she's 5'3. Hindi naman siya gaanong maliit. Lumilitaw lamang na maliit ito sa tuwing kasama niya ako. "Are you cold?" I ask her when she sit on giovanni's place. Nilingon siya ni giovanni na ngayo'y kakapatay lang ng kanyang cellphone. "Wow. You already dress up." Giovanni commented. Nginitian siya ni winter at binalewala ang aking katanungan. "Anong oras ka ba aalis?" Napabusangot ako ng magfocus siya kay giovanni. Sino ba talaga ang binabantayan niya? Ako o iyang lalakeng Yan. "Maybe later, dito muna ako para hindi ka mainip." I'm pissed because of giovanni smirked. Balak niya bang akitin si winter? "Hey!" I get her attention. Normal lamang ang kanyang ekspresyon ng lingunin niya ako. "I want to drink water." Madali siyang tumayo upang kumuha ng isang mineral water na nabili nila kanina. Binubuksan niya iyon habang naglalakad na siya palapit sa akin. Siya mismo ang nagpa-inom sakin habang nakaupo ito sa gilid ng kama. Banayad lamang ang kanyang kilos habang ginagawa iyon. She didn't look at me. Seryoso lamang siya bago isara ang mineral bottle na hawak nito. Doon lang siya tumingin sa akin na tila wala ng ilang sa kanyang pakiramdam. "Ano pang gusto mo?" i simply shooked my head as a sign of no. Akala ko magtatanong pa siya sa akin ngunit tumayo na siya. Muli itong tumabi kay giovanni na ngayo'y muli siyang tiningnan. "Do you have a phone?" giovanni asked her again. "Oo, kaso nasa bahay." "Ow. I just want to invite you here, sayang." napaismid ako. Giovanni is playing online games, nahawa siya kay noah noon. Ngunit itong si noah ay tumigil na, siya na lamang ngayon ang natitira. "Wag mo ng idamay si winter diyan." nilingon ako ni winter. "Dito ka maupo." hindi siya agad kumilos sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sakin na parang nagbibiro ako. "Tsk, seloso." giovanni whispered but i just ignore him. Si winter lang ang tinititigan ko na wala yatang balak sundin ang utos ko. "Put a sock on my feet. Nilalamig ako." Doon lamang siya tumayo at agarang tumungo sa mga gamit ko. Naghanap siya ng medyas doon but sad to say, wala siyang nakita ni isa. "Walang medyas na narito." Napabuntong hininga ako. I'm not cold, ayoko lang dumidikit siya kay giovanni dahil naiinis ako. "May extra pa akong medyas dito." tinungo niya ang kanyang gamit upang kunin ang sinabi nitong medyas. Nang makita ko ang kulay nito ay halos mangiwi na lang ang aking buong mukha. "Kasya naman siguro ito sa paa mo. Hindi ka na lalamigin dito." Lumakad siya palapit sa paanan ko upang i-angat ang kumot. Ngunit inilayo ko ang aking paa kaya't natigilan siya. "Don't tell me your going to put that yellow socks on my feet!" Napakurap siya. "Ayaw mo?" "I don't like yellow!" "Ako na lang, winter. Gusto ko yan." sumingit si giovanni na ngayo'y nakataas na ang mga paa. Napapakurap ako bago iduro ang medyas na hawak niya. "B-but its o-okay. I-isuot mo na 'yan sakin." Napa-tsk si giovanni bago mailing. Natatawa pa na parang nais talaga akong asarin, nakakainis talaga. Isinuot nga sa akin iyon ni winter. Malaki ang medyas na ito kaya't nabalot ang aking buong paa. Hinila niya muli ang kumot upang matakpan ang mga paa ko. Hindi na siya tumabi kay giovanni kundi naupo na ito sa upuan malapit sa aking kama. I tried to move down to straight my body. Ngunit naitukod kong muli ang aking palad dahilan upang mapa-aray ako sa sakit. Madaling lumapit sa akin si winter upang suruin ang kamay ko. Nakatingin ito sa aking palad na may pulang dugo kanina pa. "Hindi ba ito lilinisan?" namilog ang mata ko sa sinabi niya. "A-ayoko. Ayos na yan." "Pero, baka mamaga. Hindi ka pa ba iinom ng gamot?" "The doctor check him before 8:00. Baka papunta na 'yon dito." si giovanni. Patayo na ito habang binubulsa ang cellphone. "Mauuna na ako. Sasabihin ng doktor kung maaari na siyang lumabas bukas, balitaan mo na lang ako." tumango si winter. "Sige. Mag-iingat ka." "Sure." sumulyap siya sakin na may halong ngisi sa labi. "Ikaw na ang bahala kay winter, babalik ako bukas." "Tsk. Huwag ka ng dumiretso sa bar." "Yes. Nasa bahay si lolo, hindi ako pwedeng umuwi ng dis-oras." "Mabuti naman." ngumisi pa muna siya bago tumuloy sa paglabas. Tuluyan na kaming naiwan ni winter na ngayo'y muling tiningnan ang aking palad. "Napano ba ito, bakit masyado yatang malaki ang pagkakasugat?" "Its okay. Hindi naman masakit." "Talaga? Kaya pala't namumutla ka ngayon." napapatitig ako sa mukha niyang may bahid na pag-aalala. Tuluyan na ngang nawala ang galit ko sa simpleng bagay na ginagawa niya. Ang hirap naman palang tiisin ang isang babaeng gusto mo, ngayon ko lamang naiintindihan si jacob. Ganito pala ang pakiramdam pag inlove ka, kahit masaktan ka na hindi pa rin magbabago ang feelings mo para sa babaeng minamahal ko. "Nag-aalala ka sakin." naisara niya ang bibig sa tanong ko. Ang simple niyang mukha ay nagkaroon ng pamumula. Nag-iwas siya ng tingin bago lumunok. "Natural lamang na mag-alala ako, ashong." "Why are you worried?" hindi nito binalik ang tingin sa akin. Nanatili iwas ang kanyang tingin dahil hindi na nito masagot ang tanong ko. "Because you like me too right?" doon siya napasulyap sa akin. Nababasa ko ang kaguluhan sa kanyang mata. Alam kong natatakot lamang siyang aminin ang totoo dahil may boyfriend ito. Ngunit bakit niya sinagot si calix? Hindi ko nakikitang may pagmamahal siya sa lalakeng iyon. "Alam kong gusto mo ako, winter. Bakit hindi mo na lang tanggapin? You fall on me too, you accidentally inlove with me.." "Gaano ka nakakasigurado?" "Because i feel it. Tumugon ka sa halik ko, hindi mo ako matiis. Lagi kang nag-aalala sa akin, and now. Your here because you still care for me." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Itong kilos niyang ito ay masasabi ko ng totoo ang hinala ko. Winter is just affraid, ayaw niya lang may masaktan. At dahil kaibigan nito si calix ay pinahahalagahan niya ito ngunit hindi bilang boyfriend, kundi kaibigan lamang. "Gusto mo ako ngunit nilalabanan mo. Paano na lamang kung tuluyan kitang sukuan, hindi mo ba pagsisisihan yon?" Nanatili siyang walang imik. Hindi nais sumagot dahil tama lahat ng aking sinasabi. "Pwede naman tayo, winter. I can be your second choice, your option when your sad. Pag may problema kayo ni calix nandito ako, you can still love me even your inrelationship with him." Sinamaan niya ako ng tingin. "Nasisiraan ka na ba?" "YES!" desido ako sa sagot ko. Nakakabaliw man ay hindi ko na iyon iisipin pa. "Hindi ko sasabihin kahit kanino. We can be happy together, pwede 'yon." "Wala ka na talaga sa tamang pag-iisip." "Dahil sayo!" nag-iwas siya ng tingin habang naiiling. "Masyado kang nagsisinungaling sa sarili mo. Ako ang mahal mo, pero mas gugustuhin mo pang saktan ako." "Dahil importante si calix sakin." "Kung ganon hindi ako importante sayo?" "Ibang usapan iyon pagdating sayo. Ngunit hindi ko kayang saktan si calix masunod lang ang puso ko." "So, your admiting that you like me." "Oo na tang*na!" Natigilan ako sa sinabi niya. Maging sa pagmumura nito ay para na akong natuluyan at tinakasan ng bait. Napalunok ako. "Kuntento ka na ba! Oo gusto kita, pero hindi iyon kadali. Intindihin mo naman ako!" "Sh*t." hinawakan ko ang kanyang braso upang hilain siya. Kahit yata may mga sakit akong nararamdaman ay nagawa ko itong yakapin at pwersahing ilapat sa katawan ko. "I understand you. but d*mn. Hindi na ako galit sa'yo." Ramdam ko ang kanyang paglunok. Hindi siya gumalaw, hinayaan niyang yakapin ko siya kahit na nangangalay na ang aking kamay. "Hindi tayo pwede, ashong." Humiwalay siya. Ngunit ang distansya nito ay nananatiling malapit sa akin. Seryoso siya, ngunit anong pakialam ko sa sinabi niya. "Hindi ikaw ang magsasabing hindi tayo pwede. Dahil mismong tadhana ang magpapasya nito, at alam kong tayo ang nakalaan sa isa't isa." Hindi siya nakapagsalita sa inusal ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito. Naguguluhan at natatakot. "Hindi kita hahayaang masaktan, wala man sa akin ang kagustuhan mo sa mga lalake. Pipilitin kong maging karapat-dapat sa'yo." Hinawakan ko ang kanyang maliit na pisngi. Hulog na hulog talaga ako sa babaeng ito kahit anong gawin ko. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon ngunit lumulutang ako sa tuwa, hindi ko mapigilang haplusin ang pisngi nito bago siya lapitan at halikan ang kanyang labi. Hinayaan niya akong halikan siya. She close her eyes while our lips met. Sa ginawa niyang ito ay lalo akong nabuhayan ng loob. Our kiss getting more longer, hindi ko na naisip na nasa ospital kami. Ang nais ko lang ay maramdamang nakadampi ang labi niya sakin. But our kiss suddenly cut because the doors open. Mabilis na dumistansya si winter habang nakatingin na sa amin ang taong nagbukas ng pinto. ******* to be continued.... Ang haba ng update ko today. Enough na muna siguro ito. ❤️ Pambawi lang. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD