Winter Pov.
(PATAWAD)
Ito ang unang buwan ng pasukan sa fatima. Nitong nagdaang linggo ay walang lesson na naganap dahil nag-uumpisa pa lang ang pasukan.
Ngunit ngayon ay siguradong sasalubungin na kami ng maraming aralin.
Marami na naman ang magfofocus sa klase lalo na at eto na ang huling taon.
Diretso ang lakad ko papasok sa loob ng unibersidad. Dama ko ang kagalakan sa mga studyante habang nakakasabay ko sila sa paglalakad.
Hindi gaanong kalakasan ang hangin dahil may kainitan na agad ang sinag ng araw.
Hindi ko na pinansin ang bagong gusali na itinatayo sa gilid kung saan ako paliko.
Ngunit natigilan din ako ng makita kung sino ang taong makakasalubong ko sa hallway. Ang kasabikan sa aking sistema ay madaling napawi habang nakatingin ako rito.
Maayos ang kanyang uniform habang may diretsong tindig. Ang mga paa niya ay walang kupas sa paglalakad na para ba itong modelo.
Lahat ng nalalagpasan niyang studyante ay napapatili at hindi maiwasang tawagin ang kanyang pangalan.
"Ang gwapo naman ni philip ngayon."
"Oo nga, mas lalo siyang naging makisig ngayong taon."
"Inspired yata e."
"Pero parang ang sama ng awra niya today?"
Iyon lamang ang bulungan na naririnig ko sa kanila. Malapit ng dumaan si ashong sa akin habang nakatayo na lamang ako at natigilan sa paglalakad.
Ngunit imbes na huminto siya sa aking harapan upang ngitian ako ay hindi niya iyon ginawa. Hindi niya ako binati o kinausap man lang na madalas naman niyang gawin tuwing nagkikita kami.
Nilagpasan lamang niya ako na para akong stranghero. Na tila hindi ako nito kilala at parang walang kwentang bagay sa kanyang paningin.
Napalunok ako. Hindi ko magawang lingunin ang bulto niyang dumaan sa gilid ko dahil sa bumubukol sa aking lalamunan.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bakit ako nasasaktan? Ito rin naman ang gusto kong mangyari, ang iwasan niya ako at tigilan na.
Pinilit kong humugot ng mahabang buntong hininga upang pakalmahin ang sarili. Ilang beses kong ginawa iyon bago magpatuloy sa paglalakad.
Narating ko ang aming silid ng walang pagbabago sa nararamdaman ko. Parang naging matamlay ako bigla maging sa pag-upo ko sa aking pwesto.
Hindi ko na nakita si deborah dito. Wala din naman akong balita sa kanya at wala din naghahanap sa kanyang presensya. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral o baka mahuhuli lamang ito sa pag-eenroll.
Mas nanaisin ko rin Naman na hindi siya makasama dahil masama ang pakiramdam ko dito. Hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman ang kanyang pagbabago. Lalo na ang pagkakagusto nito kay calix na nagdudulot na ng kasamaan sa kanyang pagkatao.
Napabuntong hininga ako.
Nabaling lamang ang atensyon ko dahil sa pagpasok ng aming professor.
May sinabi siya ukol sa OJT namin na kailangan paghandaan. Wala pa akong ideya kung saang skwelahan ako tutungo.
Hindi ako makapag-isip ng maayos kahit na nagsasalita na ang aming guro. Lumilipad lamang ang isip ko sa labas, gustuhin ko man pigilan ang sarili ay kusang pumapasok sa isip ko ang inakto ni ashong kanina.
Malaking pagbabago ang ginawa ni ashong kanina. Ang Hindi ako pansinin, nakagawian ko ng ngitian niya ako noon sa t'wing magkikita kami. Ngunit ano ba ang aasahan ko kung masyado niyang dinibdib iyong sinabi ko.
Nagbaba ako ng tingin. Pinilit kong magfocus sa klase upang kalimutan na ang nangyari. Naitawid ko naman ng maayos ang klase kahit na kumakaliwa ang utak ko sa ibang destinasyon.
"May naghahanap sayo sa labas." Mabilis akong napalingon sa babaeng nasa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko dahil sa naisip ko. Ganon rin kadaling nailigpit ko ang gamit upang lumabas na at puntahan ang lalakeng nasa labas na naghihintay sa akin.
Nakasandal siya sa bintana ng aming silid. Ngunit hindi siya ang inaasaan kong makikita ngayon. Hindi ko inakalang umasa ako na baka si ashong ang narito at naghihintay sa akin upang kulitin akong kumain Kasama siya.
"Lunch break niyo na ba?" Calix asked me when he step closer to approached me.
Tipid akong ngumiti bago sumagot "Oo."
"Sabay na tayong maglunch. Namiss na kita e." Hindi ko na magawang mangiti dahil sa sinabing iyon ni calix. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dapat ba akong madismaya kung boyfriend ko naman ang siyang narito.
Kinuha ni calix ang dala kong bag. Hinayaan ko siyang dalhin iyon habang pantay lamang ang aming lakad patungong cafeteria.
"May pagkain na sa mesa. Naroon si coach nanlibre." Nilingon ko siya sa kanyang sinabi. Nasa bungad na kami ng cafeteria bago ko maitanong kung naroon ba si ashong.
"Kasama niyo ba si ashong?" Umiling si calix.
"No. Wala siya roon."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi rin naman nagtaka si calix kung bakit ko iyon naitanong.
Dumiretso ito sa pwesto nila jacob. Naroon sila giovanni at apollo, may kasama silang nagbabasa ng libro habang may hawak na juice. Narito rin ang ibang team mates nila at ang kanilang coach.
"Oh calix. Maupo ka na." Maraming bakanteng upuan dahil pinagsama nila ang dalawang mesa. Nalingon pa sa akin iyong coach nila bago ako ngitian. "Ito ba Ang girlfriend mo?"
"Yes coach."
"Ang ganda naman pala. Makisalo na kayo rito." Tumango si calix bago nito ako ipaghila ng upuan.
Naupo ako sa harapan nila jacob at giovanni. Si calix ay nasa gilid ko habang ipinaghahanda ako ng pagkain. Wala akong katabi sa gilid dahil magkakasama ang apat sa aking harapan. Nasa kabilang side ang kanilang coach habang kausap ang isang member nila.
"Nasaan nga pala si philip?" Lumingon sa amin si coach matapos itanong iyon. Si giovanni ang sumagot na tila hindi pa sigurado.
"Umuwi yata. I'm not sure, Hindi ko na kasi siya nakakasabay." Iyon Ang sagot niya bago sumalungat si jacob.
"Philip is just roaming around. He need's to move on." Natigilan si apollo sa pagkain dahil sa sinabing iyon ni jacob.
"Why he needs to move on? Nagbreak na ba sila ni trixie?"
"I dont have rights to answer your question." Naipaglapat ko ang labi dahil sa sagot ni jacob.
"You already said move on. Saan part ba siya mag-momove on?" Hindi makaget-over si apollo. Wala din namang imik si jacob bago siya tumingin sa akin.
Madali akong napaiwas ng tingin sa titig na iyon ni jacob. Nanatili siyang Walang kibo bago ilapag ni calix ang pagkain ko sa harapan.
"Kumain ka na." Calix have a long sighed before face Apollo. "Winter is here, you can ask her if philip and trixie is already broke up." Lumingon ako sa kanila. Nakafocus ang tingin nila sa akin na tila hawak ko talaga ang totoong sagot.
But their eyes suddenly look away on me. Dumapo ang kanilang paningin sa dalawang lalakeng kakarating lamang.
Naupo si stanlee sa gilid. Malayo sa amin na para bang hindi nito kilala ang mga nasa mesa.
Si ashong ay diretsong naupo sa tabi ko na parang normal lang. Ni hindi Niya man lang ako nilingon, kumuha lamang siya ng pagkain sabay sandal sa kanyang upuan.
"Saan kayo nagpunta?" Si coach na ang nagtanong dahil halatang walang balak mag-usisa ang mga lalakeng kasama ko.
"I helped him to meet her girlfriend." Tinutukoy ni ashong si stanlee. Kahit nagsasalita si ashong ay tila walang buhay iyon. Napakalamig ng tinig niya na hindi ko madalas marinig sa kanya noon.
"May girlfriend ka pala?" Giovanni teased the man in the corner. Si stanlee na mukhang badtrip.
"I already broke her today." Iyon ang sagot ni stanlee. Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa pag-aagaw ni calix sa atensyon ko.
"Are you not comfortable here?"
Pilit akong ngumiti. "Ayos lang ako dito."
"Are you sure?"
Tumango ako. "Hm."
"Okay. Kumain ka na, hindi kita maihahatid ngayon sa silid niyo dahil halfhour lang ang vacant namin, gusto lang talaga kitang Makita."
"Ayos lang, cal. Aakyat na rin naman ako pagkatapos ko dito."
Calix smiled at me. "Ipahahatid na lang kita kay giovanni, it's that okay for you?"
"Hind--"
"Sure, ihahatid ko siya mamaya." nakasabat na si giovanni sa sasabihin ko sana. Nginitian niya pa ako bago nito sulyapan si ashong na walang pakialam.
"Okay. Thankyou." hindi sana ako papayag ngunit nakakahiyang tumanggi. Nahihiya akong magsalita sa harapan ng mga lalakeng ito.
This is my first time to eat with a circle of boys. Hindi lang sila bastang lalake lang. May ipagmamalaki sila at bawat isa sa kanila ay maraming nagkakagusto.
I'm not comfortable but i tried to finish my food. Naunang natapos si jacob kaya't umalis siya sa mesa, hindi ito nagpaalam. Mag-isa lamang siyang umalis bago yung isa na tinatawag nilang miguel na parang walang kakilala rin.
Naiwan kami sa mesa bago magpaalam ang kanilang coach at ilang member nila. Tumayo na rin si stanlee bago nito lapitan si apollo.
"Let's go." tumango si apollo sa paanyaya ni stanlee. Nilingon pa nila si calix ngunit sa akin siya bumaling upang magpaalam.
"We have a class now. Sorry if i can't stay here longer. Susunduin na lang kita mamaya."
Tumango ako, bahagyang nakangiti. "Ayos lang."
He smiled before pinched my cheeks. "Mauuna na kami." tumango ako uli. Ini-usog na rin nito ang upuan niya bago tumayo. Sumulyap pa siya kay giovanni na ngayo'y papatayo na.
"Pakihatid si winter sa classroom nila."
"Sure."
"Thankyou bro."
Nagpaalam muli si calix sa akin. Naiinip na ang mukha ni stanlee habang naghihintay. Ako ang nahihiya bago sila tuluyang lumisan.
Dinig ko pa ang nakakainsultong tawa ni giovanni na ngayo'y naglalahad ng sigarilyo kay ashong.
"Let's smoke first." nilingon ko si ashong habang nakalahad ang kamay ni giovanni na may sigarilyo. Inismiran lamang siya ni ashong bago tumayo.
"I stopped smoking." namamanghang mukha ang umusbong kay giovanni. Kalaunan ay natawa ito na parang himala ang ginawa ni ashong.
"It's that you philip?"
"Shut up, Let's send this woman on her room." nauna siyang umalis. Natatawa pa rin si giovanni habang nananatili akong tulala sa nangyari.
He stop smoking?
Totoo bang sineryoso niya ang sinabi ko?
"Hurry up, winter. I have a class too." nagmamadali na akong tumayo dahil sa sinabi ni giovanni. Masasama pa ang tingin sa akin ng mga studyante dahil nakasabay ko siyang maglakad.
Naghihintay pa si ashong doon sa entrance ngunit hindi ito sumabay sa amin ng maabutan namin siya.
Nauna muli siyang lumakad. Inaasar siya ng kaibigan ngunit balewala lamang iyon kay ashong.
Huminto siya sa dulo ng hagdan. Hindi na ito sumama paakyat sa amin ni giovanni dahil sinagot nito ang tawag sa kanyang cellphone.
Napabuntong hininga ako bago huminto sa tapat ng pintuan. Nag-angat pa ako ng tingin kay giovanni na nakatitig lang sa akin.
"S-salamat." he just smirked at me. "G-gusto ko sanang h-humingi ng paumanhin kay a-ashong. K-kaso halatang hindi na niya ako kakausapin pa. Gusto ko sanang iparating mo ito sa kanya."
Tumaas ang kanyang kilay niya sa sinabi ko. "Philip is softhearted. Marupok 'yon sa isang suyo mo lang."
"A-ayoko siyang suyuin, a-ayokong umasa siya."
"But he already have a chance. Hindi ka naman magiguilty kung wala kang nararamdaman kay philip. You can avoid him, gaya ng ginagawa niya sa'yo." hindi ako nakasagot sa sinabi ni giovanni. "Then now. You want me to say your apology on him? Edi aasa siya uli, hindi ba?"
"H-hindi sa g-gan--"
"If you can't love my friend back, stop giving him assurance. Binigyan mo siya ng motibo kaya't umasa siya, then now. He's broken because of you."
Wala akong naging imik. Nahihiya ako kay giovanni dahil alam kong totoo iyon. Hinayaan ko si ashong, hinayaan kong halikan niya ako noon.
"Philip is my close friend, kilala ko na siya noon pa man. He's not like this, kung hindi siya gusto ng isang babae anong pakialam niya? Pero sayo, nagbago siya."
Giovanni sighed before place his hand on the both pocket of his pants.
"Philip can't focus on his study now. Minsan hindi na siya pumapasok at tumutungo na lang ng bar. Maabutan ko pa siya ng gabi doon, lasing na."
"Bakit hindi mo siya pagsabihan?"
"This is the real philip. Ngunit mas sumobra na, hindi ko na siya makausap ng maayos."
"Kaibigan mo siya, giovanni."
"Yes. I am his friend. Pero ikaw lang naman ang madalas niyang pakinggan, bakit hindi ikaw ang sumuway sa kanya?"
"H-hindi ko na g-gagawin iyon."
Bumuntong hininga si giovanni. "Alright. If that's your decisions."
Ngumiti na ito bago siya tuluyang lumisan sa harapan ko. Dumiretso na siya pababa ng hagdan at ni hindi na ako binalingan.
Napabuntong hininga ako dahil sa kaguluhang nangyayari sa isip ko. Tama si giovanni. Kung paasahin ko rin lang naman si ashong, mas mabuting iwasan ko na rin ito gaya ng ginagawa niya sa akin ngayon.
Ito ang makakabuti sa aming dalawa. Lalo na sa akin dahil may karelasyon na akong iba.
************
DALAWANG LINGGO ang lumipas ng hindi ko na makita pa si ashong. Huli kong nasaksihan ito ng ihatid ako ni giovanni kasama siya. Nagtataka ako kung anong nangyari sa kanya.
Totoong iniwasan kong makarinig ng balita mula kay ashong. Hindi na ako madalas tumungo ng cafeteria dahil hindi ko na nais makita ito. Ngunit ngayong araw ng biyernes ay nabalitaan kong hindi na nga siya pumapasok.
May naramdaman akong inis dahil sa ginawa niya. Ito na ang huling taon upang makapagtapos siya, ang sabi nito ay mag-aaral siya ng mabuti para sa akin.
Ngunit....
Natigilan ako sa naiisip ko. Napahagod ako sa aking buhok habang papalabas na ng silid.
Dismissal na kaya't may oras ng mag-kwentuhan ang mga kaklase ko. Hindi ko naman napaghandaan na iyon ang magiging topic nila. Nagtanong pa sila sa akin kung may nalalaman ba ako dahil close ko daw si ashong.
Umiling ako ng itanong nila iyon sa akin. Diretso lamang ang lakad ko upang tumungo ng cafeteria dahil nais kong kausapin si giovanni.
Ngunit wala na akong naabutang tao doon. Alas singko na rin kaya't nagliligpit na ang mga nagtatrabaho sa cafeteria.
Napapikit ako bago hagurin pababa ang aking mukha. Bakit ko ba pinoproblema ang lalakeng iyon?
Hindi ko na dapat pang isipin kung ito ang nais niyang gawin.
Ito ang gusto niya.
Dapat lamang na hayaan ko ito dahil mas pinili niya ang mapariwala.
Ngunit nakukunsensya ako. Kasalanan ko dahil pinagsalitaan ko siya ng masama. Wala akong ideya kung umabot ba kay ashong ang paghinga ko ng tawad mula kay giovanni.
"Are you looking for him?" natigilan ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. Dahan dahan kong nilingon iyon bago ko makita ang nakatayong si jacob.
Magkakrus ang kanyang kamay sa dibdib. Kunot na naman ang noo habang nakatitig sa akin.
"N-napadaan lang a-ako."
"Philip is in hospital. He admit yesterday."
Napamaang ako sa sinabi ni jacob. Hindi maiwasang mamilog ng aking mata dahil sa narinig. Madali ring pumaloob ang pag-aalala sa akin dahil sa nalaman.
"A-anong nangyari sa kanya?"
"He passed out because of the g**g trouble in the bar." napapikit ako dahil sa gulong pinasukan niya. Pasaway talaga, napakahina na nga niyang lalake makikipag basag ulo pa.
"Kumusta na siya?"
"Why don't you visit him?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Gusto ko man bisitahin ito upang makita siya ngunit nagdadalawang isip ako.
"Let's go." hinawakan niya ang braso ko bago ako hilain palabas ng cafeteria. Hindi ako makapalag dahil ang laki ng kamay ni jacob, nakakatakot dahil baka bigla lamang niya akong pwersahin upang maisama patungo kay ashong.
"Get in." pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot sa driverseat. Natulala ako habang nakatayo dahil sa pag-aalinlangan kong sumakay.
"Come on woman!"
Nagulat ako dahil sa maikli niyang pasensya. Wala akong nagawa kundi sumunod kaya't napasakay ako ng wala sa oras.
Hindi pa man ako nakakapagseat belt ng humarurot ng ang kotse niya. Matindi ang pagkakasandal ko sa bilis ng pagpapatakbo niya ng kotse.
Bawat humaharang sa dinadaanan namin ay kanyang nilalagpasan. Wala naman emergency ngunit bakit nagmamadali siya?
Huminto ang kotse sa harapan ng malaking hospital. Nauna siyang bumaba bago nito ako pagbuksan ng pinto. Hinawakan niya ang kamay ko upang patayuin na. Halatang kinukuha na niya ako sa pwersahan dahil nababasa na nito sa mata ko ang pag-aalinlangang pumasok sa loob.
"You need to cooperate with me. Philip is too childish, when he can't get what he wants he can risk his future."
Hila niya ako habang sinasabi iyon. Wala naman din akong maisagot dahil gusto ko na lang upakan si ashong.
"He wont stay here. Pinilit ko lang siya because he needs to admit here. Pero ang tigas ng ulo."
"Anong magagawa ko, bakit hindi niyo tawagin ang nanay niya?"
"Tita angelina doesnt have idea about his son condition. Mapapahamak kaming lahat dahil kasama namin siya kahapong nagkagulo."
"Bakit hindi niyo siya tinulungan?"
"He's in the parkinglot when that chaos happen. Malay kong makikigulo siya!"
Hindi na ako nakasagot sa pagpasok namin sa elevator. Binitawan na rin niya ang aking kamay kaya't nakahinga ako ng maayos.
"Talk to him, okay. I know what is the feeling of hurting by someone you love. I already experience that."
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung paano haharapin si philip sa kabila ng ginawa ko sa kanya. Ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng hiya.
Bumukas ang elevator sa tamang floor kung nasaan si philip. Hindi ko pa magawang humakbang palabas kung hindi lang muli akong hinila ni jacob paalis doon.
Hangga sa paglalakad ay hila niya ang aking pulsuhan. Huminto ito sa isang pinto at walang katok niyang binuksan iyon.
Nauna siyang pumasok habang nananatili akong nakatayo sa tabi ng pintuan. Nakakarinig ako ng pagtatalo na tila may inaawat na tao sa loob.
"Huwag mo akong pakialam! Bakit ba ayaw mo akong paalisin dito!" it's ashong voice. Napasinghal ako dahil hangga ngayon ay matigas pa rin ang ulo niya.
"Bukas ka pa lang pwedeng lumabas, bakit ba ang kulit mo! You need to get better to continue your study again!" si giovanni iyon. Halata sa tinig niya ang nauubusan ng pasensya.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi na ako mag-aaral pa, pabayaan niyo na lang ako!"
"Are you really a f*cking dumb*ss!" si jacob na naubusan na ng pasensya. Bahagya ko silang sinilip habang nakatago ang katawan ko.
Naka-hospital gown si ashong habang may pasa sa iba't ibang parte ng mukha. Naroon lamang si giovanni sa gilid maging si jacob.
Silang tatlong lang.
"I just want to go home, why don't you let me to remove this d*mn thing!" tinutukoy niya iyong dextrose na nasa kamay niya. Hinawakan niya iyon at nagtakang kalasin ngunit natigilan rin ng tuluyan na akong pumasok.
"Subukan mong alisin yan, bali yang kamay mo sakin!"
Ashong stop for what he planning to do. Natigilan siya habang nakatitig sa akin. Hindi makapaniwala kung bakit ako narito habang siya'y nakatingin ng diretso sa mata ko.
"What are you doing here?" he still have time to act cold now. Napailing si giovanni bago lumakad paalis sa tabi ni ashong.
Napabuntong hininga pa siya bago lumabas.
Sumunod na rin naman si jacob na may masamang tingin sa kaibigan bago isara ang pinto ng kwarto.
"Go home. I don't need you here."
Natigilan ako sa sinabi ni ashong. Hindi na siya nakatingin sa akin, iwas na ang kanyang mata habang pinipilit humiga.
Lumapit ako upang alalayan siya. Ngunit napapamura ito na para bang ang init ng kamay ko.
"Don't d*mn touch me!"
"Kaya mo bang mahiga mag-isa?"
"Yes ofcourse!"
Pinilit niyang itukod ang kanyang siko ngunit napangiwi rin siya dahil sa sugat nitong naroon. May tahi siya sa kanyang kamay na hindi ko alam kung paano niya iyon natamo. Ngunit hindi na ako nag-usisa pa, tinulungan ko siyang mahiga kahit na hindi nito nais na hawakan ko siya.
"Get out of here. I don't want to see you."
Tinalikuran niya ako. Dahan-dahan pa ito sa pagkilos habang napapamura sa bawat pagtama ng kanyang mga sugat.
Napapikit ako bago maupo sa gilid ng kama.
"Ano ba kasing nangyari sa'yo?"
Hindi siya kumibo. Hindi nito ako nilingon kahit na napakalapit ko na sa kanya.
"Bakit ba hindi ka na pumapasok?"
"Stop asking me. Leave."
Nagbaba ako ng tingin bago lumunok. Hindi ko inakalang ganito ang kirot sa akin kung tatratuhin ako ni ashong ng ganito.
Nakakaramdam ako ng sakit.
Nasasaktan talaga ako sa simpleng pag-iwas niya sakin. Lalo na ngayong itinataboy niya ako.
"Hihingi lang sana ako ng sorry bago umuwi. Patawad sa mga nasabi ko, nadala lamang ako dahil ayokong masaktan si calix." nanatili siyang nakatalikod. Hindi na kumibo ngunit halatang nakikinig naman.
....."Kung may nasabi man ako noong isang araw. Pasensya na. Huwag mo na sanang pabayaan ang pag-aaral mo, huwag mong hayaang masaktan ka ng dahil sa' kin."
Hindi pa rin ito sumasagot. Napabuntong hininga na ako. Naisipan ko ng tumayo at tuluyang dumistansya sa kama.
Hindi talaga siya lumingon.
Paninindigan na niya ang ganitong trato sa akin.
"I'm sorry, ashong."
Iyon na ang sinabi ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Mabigat ang dibdib ko dahil sa nangyari, hindi sapat ang mga sinabi ko dahil nais kong may gawin pa ako upang tuluyan ng bumalik sa dating sigla ang nakilala kong masaying binata noon.
******
to be continued.
Kay ashong ang susunod na pov.
Ano ba dapat ang gawin ni winter para bumalik sa dati si ashong?
Abang-abang lang. ❤️