Winter Pov.
(HURT HIM)
Natapos ang huling sem dito sa fatima mga ilang linggong nakalipas ng maganap ang laban sa pagitan ng holycross at fatima varsity.
Halos nagkaroon kami ng isang buwang bakasyon bago mag-enroll muli sa huling baitang ng pagiging kolehiyo.
Buwan ng marso nagsimula ang pasukan. Nitong nakaraang linggo rin ay lumipad na si trixie patungo sa ibang bansa kung saan siya mag-aaral.
Naging abala ako sa buong buwang nakalipas. Hindi kami gaanong nagkikita ni calix dahil naghahanda ito ngayon sa huling taon niya bilang criminology.
Alam kong mahirap ang kurso nito lalo na at nasa ika-apat na taon ngayon. Maging ang akin ay pinaghahandaan ko na kung saan ba ako maghahanap ng paaralan sa OJT ko.
Nananabik ako kahit na alam kong mas challenging ngayon. Mas higit na nais kong pagbutihin ang pag-aaral dahil gusto 'kong makuha ang mataas na pwesto sa darating na graduation.
Nasa silid na ako habang naghihintay sa bago naming professor. May ilang bago sa amin na mukhang nagmula pa sa ibang unibersidad.
Hindi ko pa namamataan si deborah maging noong enrollment. Wala din siya sa listahan kanina ng silipin ko ang section namin. Hindi ko alam kung mapapanatag ba ako sa kaisipang hindi na dito papasok si deborah.
Hindi ko masabi kung bakit iniisip ko iyong hawak niyang video noon. Ilang buwan ng lumipas pero hindi pa iyon maalis-alis sa isip ko.
"Winter, may naghahanap sa'yo sa labas." nagtaka ako kung sino ang tinutukoy nitong kaklase ko na nasa aking likuran. Itinuro niya ang bintana kaya't madali akong lumingon doon.
Kumaway sa akin si ashong. Mabilis na naki-usyoso ang mga kaklase ko sa loob upang silipin siya sa bintana.
Napabuntong hininga ako.
Madalas tumungo si ashong sa bahay ngunit hindi ko ito hinaharap. Hindi rin naman niya ako mahanap kay lola dahil paniguradong magtataka iyon.
Tumayo ako, lumakad ako palabas upang lapitan siya. May ilang mga babae ang sumunod sa akin dahilan upang mainis ako lalo kay ashong.
"Bakit siya narito?"
"Hindi ba boyfriend yan ni trixie, magpinsan sila ni winter."
"Talaga? Nagkasundo na pala ang dalawang yan."
Napapikit ako sa bulungan nila. Hindi na yata pabulong iyon dahil dinig na dinig ko naman.
Nilapitan ko si ashong. Naghihintay lamang ito sa paglapit ko habang nakasandal siya sa bintana ng aming silid.
"Anong kailangan mo?" sumimangot siya sa tanong ko. Sa loob ng mahabang linggo ay hindi ko siya nakita, bumibisita man siya doon ay hindi rin ito nagtatagal dahin hindi naman nga ako lumalabas.
Ngunit aaminin kong iba ang dating ni ashong ngayon. Nagpagupit ito na mas lalong nagpa-alwalas sa kanyang mukha. He even had a perfect face today, Mukhang mas lalo pa itong naging gwapo ngayon.
"It's been a long time when i saw you. Ganyan pa ang itatanong mo sa'kin."
"Hindi ka dapat basta basta pumupunta dito. Alam mo naman ang mga isip ng studyante rito, pagdududahan nila ako."
"Ayos lang 'yon. Pumunta lang naman talaga ako dito para makita ka, aalis din ako dahil okay na ang pakiramdam ko."
He smiled like an idi*t. Ngunit hindi nawawala sa paningin ko ang kagandahang lalake niya. Napalunok ako bago mag-iwas ng tingin.
"Umalis ka na." ani ko.
"Sure. Susunduin kita mamaya dito, babalik ako."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo kailangan gawin 'yon, ashong!"
"Kahit hindi kailangan gagawin ko, busy si calix ngayon. May training sila sa unang klase."
Napabuntong hininga ako. "Hindi ako aalis dito para kumain sa cafeteria, may baon ako."
"Okay, I'll stay here with you."
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Ang kulit mo rin, winter. Why don't you just let me to do this?"
Napahagod ako sa aking mukha bago mag-iwas ng tingin. Hindi na rin naman nakikinig ang ilang babae sa gilid dahil nakita ko ang bulto ni giovanni na kinukuha nito ang atensyon nila.
Napasinghal ako bago lingunin muli si ashong. Tumaas ang kilay niya habang nakangiti.
"What is your food today? Do you want me to buy you a extra food later?"
"Tsk. Hindi ako kakain dito, wag ka ng bumalik."
"Alright. Hahanapin pa rin naman kita kahit saan ka pumunta." umayos siya ng tayo na lalong nagpatingkad dito. Nanliliit ako sa sarili dahil sa taas ng lalakeng ito. "Aalis na ako, ako na lang ang mamimili kung anong gusto mong pagkain." he smirked before walked to grab his friend giovanni on the group of girls. Inakbayan niya ito at iginaya na paalis sa floor ng mga senior.
Nagpakawala ako ng mabigat ng buntong hininga. Hindi niya talaga ako titigilan?
DUMATING ang professor saktong pagpasok ko sa silid. Sampung minuto siyang late ngunit hindi ito humingi ng dispensa. Wala din naman kaming ginawa kundi magpakilala sa harapan. Iyon lang ang nangyari ngayong umaga bago pumatak ang oras ng tanghalian.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko upang lumabas na sa silid. Sa totoo lang ay wala naman akong baon, balak ko na lamang umuwi at bumalik na lang sa oras ng klase.
Nasa bungad ako ng pinto bago ko silipin ang hallway kung naroon ba si ashong. Hindi ko ito nakita kaya't mabilis na akong tumakbo pababa ng hagdan.
Malalaki ang yapak ko dahil nagmamadali akong lumabas ng unibersidad. Ngunit nasa parkinglot pa lang ako ng entrance ay natigilan na ako.
Naroon kasi ang lalakeng tatakasan ko sana. Nakaparada ang kotse niya sa unang linya ng mga kotse. Nakasandal siya doon habang may hawak na payong.
Ngumiti siya ng makita ako. Lumakad siya palapit sa akin upang isilong ako sa payong na dala niya.
"Sabi ko na at uuwi ka." nag-iwas ako ng tingin. Ang init ng araw ngunit mas wala ng iinit sa ngiti niya sakin.
Nilulusaw nito ang nagmamatigas kong puso. Nakuha niyang palambutin ang ekspresyon ko kahit na pinipilit ko siyang tarayan.
"Ano bang gusto mong mangyari?"
"I just want to eat with you, iyon lang." he smiled again, a very powerful smile who take my sanity away. Napalunok ako dahil nadadala ako, hindi na makabalik ang paningin ko sa kanya bago siya lagpasan.
"Oh come on, winter. Kakain lang naman tayo ng sabay, bakit ba napaka-mapanakit mo?"
Huminto ako bago siya lingunin na may masamang titig. "Hindi ako sasakay sa kotse mo."
"It's okay. Maglalakad ba tayo?"
"Sinong nagsabing kasama ka?"
"Ako, winter. I already prefer lunch, naghihintay na si lola perla sa'tin." bahagyang bumuka ang labi ko sa sinabi niya. Nakagawa na siya ng rason para sumabay ako sa kanya.
Kakaiba talaga.
"Get in the car. It's too hot baka tuluyan akong mahulog sa'yo."
Matindi ang pagkaka-kunot ng noo ko. Anong connect ng mainit sa feelings niya?
"Hibang ka na talaga, ashong."
"Tsk. You really hard to get. Ang hirap mong kunin, gusto na sana nga kitang pwersahin."
"Gusto mo bang makatulog diyan."
"F*ck, I'm just kidding!"
He close his umbrella before force a smile. Nag-aalinlangan pa siyang lapitan ako bago siya magsalita.
"L-let's go?"
"Last na 'to, ashong. Huwag mo ng idamay si lola sa kalok*han mo." napanguso siya. Tinalikuran ko rin ito at nagpaunang lumakad pasakay sa kanyang kotse.
Mabilis din naman siyang nakasunod sakin at agarang binuhay ang makina ng kotse.
Ilang minuto lang ng marating namin ang bahay. Nauna akong bumaba upang puntahan si lola. Naabutan ko na ito sa lamesa na gumagawa ng juice habang may mga nakahapag ng pagkain.
Iniisa-isa ko iyon bago magsalita si lola. "Si philip ang may dala nito. Nasabi niya na sasabay ka sa aming kumain."
Hindi na ako nakasagot kay lola ng sumulpot na si ashong sa gilid. Pinaghugot niya ako ng upuan bago nito kunin ang suot kong bag.
"Let's eat. Nagugutom na ako."
Nauna siyang umupo matapos niyang mailapag sa gilid ang aking bag. Nasa tabi ko ito habang nakatayo ako at hindi pa rin nakaka-upo.
"Maupo ka na apo." bukod tanging pag-iwas ng tingin ang naigawa ko dahil sa pakiramdam ng puso ko. Ginagawa naman na ni calix ito sa'kin, ngunit iba ang nararamdaman ko kay ashong. Hindi ko maipaliwanag sa sarili kung bakit ganito ngayon ang pinahihiwatig ng puso ko, hindi ko masagot ang sarili kong kahit may alam ko na ang kasagutan, hindi ko lang maamin. Dahil higit na kahibangan ang gagawin ko kung papatulan ko ang lalakeng 'to.
Mahigit kalahating oras namin pinagsaluhan ang pagkain dala ni ashong. Nabanggit nito kanina na um-order siya sa isang restaurant at agad ng dumiretso dito.
Wala din naman kaming ibang napag-usapan bukod sa masasarap na pagkaing dala niya.
Hindi rin naman nag-uusisa si lola kung bakit madalas tumungo si ashong dito. Batid siguro ni lola na nagkakasundo kami, o baka iniisip nito na siya talaga ang sadya ni ashong dahil nobya niya ang kanyang apo.
"Hindi ka ba muna magpapahinga?" umiling ako kay lola habang isinusuot ko na ang aking bag. Nasa labas si ashong dahil may kailangan lamang daw siyang tawagan. Inirapan ko lang siya kanina ng magpaalam ito sa akin. "Maayos lang ba ang unang araw ng klase ngayon?" tumango ako kay lola matapos kong mai-ayos ang sarili.
"Ayos lang la, may mga bago kaming kasama maging guro ay nadagdagan."
"Mas mahihirapan ka ngayon kesa sa nakaraang taon."
Ngumiti ako ng tipid. "Kaya ko yan, la. Ako pa."
Natawa si lola bago nito haplusin ang buhok ko. Sumeryoso ang tingin niya sakin na maging ako ay nagtataka.
"Napupuna ko ang inaakto ni philip nitong mga nakaraang linggo." hindi ako nakapagbigay reaksyon sa sinabi ni lola. Huminga siya ng malalim bago nito ibaba ang kanyang kamay. "Anong meron sa inyo ni philip?"
Napakurap ako. Hindi ko magawang lumunok dahil hindi ko nais makita ni lola ang tensyong namumuo sa akin.
"W-wala h-ho, la. A-ano po bang sinasabi nyo?"
"Alam ko ang mga titig ng isang lalake sa isang babaeng nagugustuhan niya apo. Napagdaanan ko na iyan noong kabataan ko."
Naitikom ko ang labi dahil sa pinag-uusapan namin ngayon. May punto na si lola, nahahalata na nito si ashong dahil sobra na siya kung kumalinga sakin.
"Masama ang naging panaginip ko nitong nagdaang gabi. Ilang araw na din sumasagi sa isip ko ang kilos ng batang falcon pagdating sa'yo."
Hindi ako makapagbigay sagot kay lola. Ayokong sabihin ang totoo. Ayokong aminin na may gusto nga sa akin si ashong. Natatakot akong husgahan ni lola.
"Nakikita ko ang nanay mo sayo noong kabataan niya. Madalas silang magtalo ni henry noon dahil hindi sila nagkakasundo, ngunit dumating sa puntong nagkaroon sila ng relasyon, isang maling relasyon."
Napapatitig ako kay lola habang sinasabi niya ang nakaraang nangyari kay mama at papa. May alam na ako tungkol sa nangyari sa kanila, ngunit paanong nakikita ni lola sa akin si mama elena?
"Nabuntis si elena noon habang may karelasyon si henry sa manila. Siya nga si angelina falcon, ang ina ni philip."
"A-alam ko po ang tungkol doon lola."
Tumango si lola sakin. "Nangangamba lamang ako na baka magkatotoo ang laman ng panaginip ko. Hindi ko nais maranasan nyong mga bata ang pinagdaanan ng inyong mga magulang."
Hindi ko magawang sumalungat sa inusal ni lola perla. Naguguluhan na ako, sumasakit na ang buong ulo ko dahil sa ganitong pag-uusap namin.
”Mauulit ang nakaraan, ang nakaraan ay muling guguhit sa hinaharap." natigilan ako, hindi na ako makakilos pa sa harapan ni lola. "Iyon ang laman ng aking panaginip, dinarasal ko na lamang sa ngayon na hindi iyon totoo, na masamang panaginip lamang siya."
Pinilit kong mangiti kay lola kahit na gulong-g**o ako ngayon. Hindi ko na maipaliwanag ang sarili matapos marinig lahat ng kanyang sinabi.
"H-hindi po m-mangyayari 'yon, la. Mayroon akong nobyo, kilala niyo naman ho si calix."
Ngumiti si lola. "Kilala ko rin naman ang aking apo." sinuklian ko ang ngiti ni lola bago siya bumuntong hininga.
"Lumakad ka na. Baka mahuli ka pa sa klase mo."
"Sige po, maaga na lang po akong uuwi ngayong hapon."
Nagpaalam na ako kay lola na pupuntahan na si ashong sa labas. Wala na din naman siyang naging kibo kundi pagtango lamang ang kanyang ginawa.
Naabutan ko si ashong na nasa ilalim ng puno, dito mismo sa gilid ng bahay habang nagyoyosi.
Malayo na naman ang kanyang tingin at seryoso kung humithit sa hawak niyang sigarilyo.
Natawa ako bago mag-iwas ng tingin. Ang sabi niya ay may tatawagan lamang ito. Iyon pala ay binalak niya lamang manigarilyo dito ng patago.
Lumapit ako rito. Mabilis ang paglingon niya sakin habang nangangalahati pa lamang ang sigarilyong hawak niya.
"Anong makukuha mo sa sigarilyong 'yan?" napakurap siya sa tanong ko. Ngunit tumawa rin bago niya sagutin ang aking tanong.
"Peace of mind, winter."
"Nagkakamali ka, ashong. Sakit lang ang makukuha mo sa paninigarilyo, alam mo ba na hindi minsan humawak ng sigarilyo si papa?"
Umiling ito. "I didn't know." napatitig siya sa hawak na sigarilyo bago niya iyon itapon sa kalsada. Muli siyang sumulyap sakin na may nagtatakang tingin.
"Ayaw mo ba akong manigarilyo?"
Nailihis ko ang tingin dahil sa katanungan niya. Hindi ko lang talaga nagugustuhan ang paninigarilyo dahil nga nakakasama lamang iyon sa kalusugan.
Ugali rin ni calix ito. Ngunit hindi siya nagpapakitang naninigarilyo sa akin dahil alam niyang magagalit ako.
"I can control my addiction about ciggarettes. Kung ipagbabawal mo tatanggalin ko."
"Hindi ko naman sinabing sundin mo ako. Ang sakin lang huwag mong gawin iyan dito mismo sa tapat ng bahay ni lola."
Ngumisi siya sa sinabi ko. "Why don't you admit that you are worried about me?"
"Assuming ka masyado, ashong."
”I'm fine if I don't smoke. As long as you are the replacement for my addiction."
"Tsk, manigarilyo ka na lang!"
Tinalikuran ko na ito. Tumungo na ako sa kotse niya upang makaalis na kami. Sumakay na rin ito habang nangingiti sakin.
”Do you know that this is the first time someone scolded me for smoking?" nilingon ko ito dahil sa sinabi niya.
"Hindi ka ba sinusuway ng magulang mo? Hindi maganda sa kalusugan ang usok ng sigarilyo."
"Nope. My mommy is smoking too. Also daddy richard, were used to smoke after eating."
Natawa ako, tawang nag-iinsulto dahil pamilya pala sila ng sunog baga. Kakaiba sila, anong makukuha nila 'don?
"I feel like I'm in heaven right now. I really feel your concern when it comes to me."
"Kahit sinong kilala ko ang makita ko, susuwayin ko kung naninigarilyo ito, huwag mong masyadong bigyan ng kahulugan."
"Tsk, huwag mo na lang sirain ang mood ko, winter. Yun na yon e."
Sumandal na lamang ako bago tumingin sa bintana. Binuhay na rin nito ang makina habang pasipol sipol sa pagmamaneho.
Napailing ako.
Kumakanta pa siya habang nagmamaneho. Hindi naman siya sintonado, sakto lang ang tinig niya sa isang lalake ngunit hindi ko alam kung bakit todo kinig ako sa bawat salita ng kanyang kinakanta.
?There I was an empty piece of a shell?
?Just mindin' my own world?
?Without even knowin' what love and life were all about?
?Then you came?
?You brought me out of the shell?
?You gave the world to me
And before I knew?
?There I was so in love with you?
Lumingon pa siya sakin na hindi ko nagawang iiwas ang paningin ko. He's smiling like a happiest man in the world. Humihinto ang lahat sa paningin ko, my heart is beating so fast while i'm starring at his eyes.
?You gave me a reason for my being?
?And I love what I'm feelin'?
?You gave me a meaning to my life?
?Yes, I've gone beyond existing?
?And it all began when I met you?
He continue the song when he look at the road again. Hindi ko na malabanan ang t***k ng puso ko kaya't sa bintana na lamang ako tumingin.
"I really like you, winter. even if you push me away, I won't stop you. I will not stay away because you're the only one who makes my heart beat faster." hindi ko ginawang lumingon dito dahil ayokong madala sa mga sinasabi niya. Ayoko ng magkaroon ng kasalanan kay calix dahil baka bigla lamang akong halikan ni ashong at hindi ko iyon mapigilan.
...."Like my song. You gave me a reason to live, to focus on my study. You taught me how to appreciate everything. you are the only reason for my change."
Napapikit na lamang ako bago bumuntong hininga. Binalewala rin naman ni ashong ang pananahimik ko at hindi humingi ng sagot mula sa akin.
Nagpatuloy siya sa pagmamaneho ng hindi na muling umiimik. Hangga sa muli kaming makabalik ng fatima ay wala ng pag-uusap pa na nangyari. Nauna akong bumaba at dumiretso na sa daan kung saan patungo ang aming gusali.
********
NAABUTAN ko na ang bagong professor ng pumasok ako sa silid. Dahil nagpapakilala lamang sila sa harapan ay hinayaan niya akong maupo sa pwesto ko.
Ilang minuto din ng ituro ako ng guro upang ako naman na ang magpakilala.
Binanggit ko lamang ang aking pangalan at edad. Magkakilala na rin naman kaming lahat dito kaya't ayos lang kung hindi na banggitin ang ibang impormasyon.
Natapos ang buong klase na halos kwento lang ng kwento ang mga bagong guro na magtuturo sa amin. Alas kwatro ng mag-anunsyong dismissal na. Agad akong lumabas ng silid dahil nais kong humiram ng libro sa library upang basahin sa bahay.
Gusto ko lang naman mag advance reading upang magkaroon ako ng kaalaman sa unang lesson namin ngayon.
Walang gaanong tao sa library dahil karamihan ang ninais na lamang mauwi, ang ilang studyante ay nakatambay sa garden upang magkwentuhan.
Pagtapak ko sa library ay naabutan ko na ang librarian na nasa pwesto niya at nagliligpit. Tumaas ang kilay niya bago ako lumapit.
"Maghihiram lang po sana ako ng libro."
Tumango siya. "Bilisan mo, magsasara na ang library."
Mabilis akong lumakad upang tumungo sa mga hilera ng libro kung saan ang nagugustuhan kong basahin ngayon.
Madali kong nakita ang pakay kaya't agad ko ng inabot iyon. Balak ko na sanang tumakbo patungo sa lamesa ng librarian ngunit nabunggo ako sa isang matigas na dibdib sa pagharap ko.
"Tsk." napailing siya dahil sa nangyari. Hawak ko ang aking noo dahil sa pagkakasapol nito sa dibdib ni ashong.
"Ano na naman ba ito, ashong!"
"Hindi ba't binilhan na kita ng libro, kulang pa ba lahat ng 'yon?"
"Gusto kong magbasa ng bago." nilagpasan ko siya. Ngunit dahil hindi pa tapos ang nais niyang sabihin ay hinawak nito ang aking kamay.
"Ano bang gusto mo, bibil--"
"Wala akong gusto, ashong. Ang gusto ko tigilan muna ito. Wala kang mapapala sakin dahil may boyfriend na ako!" pinadama ko ang galit sa kanya dahil hindi ko na nagugustuhan itong nararamdaman ko.
Ayoko ng tuluyang magbago pa ang pagtingin ko kay ashong, mali ito. Kaya't nararapat lang na tigilan ko na habang maaga pa.
"I already told you, winter. Hindi kita titigilan."
"Mahal ko si calix, ashong. Bakit hindi mo maintindihan iyon, Oo at nagkagusto ka sakin, ngunit hindi ko na responsibilidad na gustuhin rin kita. Magka-iba tayo ng feelings!"
Nakatitig lang siya sa sakin na tila hindi nais ipasok sa isip lahat ng sinabi ko. Ngunit gusto ko na siyang pagsalitaan ng masama kahit pa na ikakasakit niya iyon.
Para din naman ito sa'kin.
"Maraming babae diyan na mas higit sakin. Hindi ako bagay sa'yo. Hindi rin kita magugustuhan dahil wala ni isa sa mga katangian ng lalake ang gusto ko sa'yo. Na kay calix lahat ng 'yon, masaya ako sa boyfriend ko."
Hindi na siya nagsalita pa. Nakuha ko na rin bawiin ang kamay ko na hawak niya at malaya akong nakaalis sa harapan nito ng walang pagtutol niya.
*********
to be continued...
Hindi ko na maipalipag ang susunod na eksena. Masyado ng mahaba, siguro next chapter na lang ang pagiging cold ni ashong ngayon. ?
(SONG: WHEN I MET YOU)