Winter Pov.
(PAGTINGIN)
Dahan-dahang pinakawalan ni ashong ang aking kamay. Na kay trixie ang kanyang paningin na ngayo'y may nagtatakang tingin sa amin.
Napalunok ako.
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni ashong na nais na nitong sabihin kay trixie ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Hindi ito nagbibiro. Halatang gagawin niya nga iyon mismo ngayon sa aking harapan.
Ngunit hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si ashong. Kinuha ko ang atensyon ni trixie sa pamamagitan ng pagtikhim.
"May gustong sabihin sayo si ashong. Ngunit nahihiya ito." nangunot ang noo ni trixie sa sinabi ko.
"Nahihiya?"
Nasa akin ang paningin ni ashong dahil sa pagsisinungaling ko. Alam kong nadismaya siya. Ngunit hindi ko hahayaang saktan nito ang aking pinsan, ayoko rin kamuhian ako ni trixie pag nagkataong sabihin iyon ni ashong.
"Nalalapit na ang unang buwan nyo bilang mag kasintahan. May surpresa siya sa'yo at kumukuha siya ng ideya sa akin kung ano pa ang mga gusto mo."
Naging kalmado ang mukha ni trixie sa inihayag ko. Sumulyap ito kay ashong na ngayo'y nag-iwas na lamang ng tingin.
"I don't need anything naman in our coming monthsarry. Ayos lang sakin ang simpleng dinner."
"Ayun naman pala, maaari nyo na itong pag-usapan. Kailangan ko na kasing mauna dahil may susunod pa akong klase."
Nilingon ako ni ashong sa pamamaalam ko. Alam kong may nais pa siyang sabihin ngunit hindi na siya makapagsalita pa sa tabi ngayon ni trixie.
Tinalikuran ko sila matapos kong ngumiti. Lumakad ako patungo sa aming silid upang doon mag-isip.
Paano ko ba mapagsasabihan ng todo si ashong na kailangan na niyang tigilan ang pagpaparamdam sa akin.
Ayoko na ng ganito. Ayokong ginugulo nito ang isip ko dahil may kanya-kanya na kaming kasintahan.
Hindi ko nais saktan si calix. Hindi man ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya ay pipilitin kong mahalin ito.
Pumasok si deborah sa silid habang bitbit ang kanyang handbag. Inilapag niya iyon sa kanyang mesa bago ako nito lingunin.
"Kumusta ang pag-uusap nyo ni philip?" nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nanatili siyang nakatayo at hindi binalak maupo sa kanyang pwesto.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I heard everything. Sabi ko na nga ba ay may gusto sa'yo si philip."
Natigilan ako habang nakatitig sa kanya. Narinig niya ang pag-uusap namin?
"I have a video, winter. Gusto ko lang paulit-ulit na panoorin ito dahil nakakatuwa kayong dalawa."
"Ano ba talagang problema mo?" sumama na ang tingin ko rito. Hindi ko nais siyang patulan ngunit hindi ko na gusto itong ginagawa niya sakin.
"Wala naman talaga akong problema noon sa'yo e. Ngunit dahil inagaw mo sa akin si calix, marami na akong problema sa'yo."
"Hindi ko inagaw sa'yo si calix." natawa siya bago mag-iwas ng tingin.
"Papansin ka naman. Mahilig ka naman mang-agaw, like philip. Aagawin mo na naman siya sa pinsan mo."
"Wala akong aagawin dahil hindi ko gawain iyon. Hindi ko na rin kailangan mag-paliwanag sayo kung bakit ako ang gusto ni calix at hindi ikaw!" natigilan siya sa sinabi ko. Matalim na titig ang ipinukol niya sakin bago ngumisi.
"Sigurado ka bang loyal iyang boyfriend mo sa'yo?" hindi nawawala ang kanyang pag-ngisi habang nakatitig sa akin. "Bantayan mo siyang mabuti, baka isang araw nasa iba na siya at doon na ito masaya."
Hindi ko alam kung anong pinahihiwatig niya. Naupo na ito sa tabi ko bago niya kunin ang bag upang ilagay iyon sa sinasandalan niya.
"By the way. Your secret is safe, hindi naman ako ganoon kasama upang ipagsabi itong narinig ko."
"Kailangan mong burahin iyan, deborah."
"Why? I like this scene, nakikita ko ang sarili ko kay philip. Patay na patay sa taong gusto niya." mariin ang titig ko kay deborah dahil sa sinabi niyang iyon.
Bahagya pa akong lumingon sa paligid dahil baka may nakakarinig nitong sinabi niya.
"But were not totaly same. Iyong gusto ko kasing lalake nahalikan ko na, hindi lang 'yon." lumapit siya sakin upang bumulong. "Napaligaya ko pa."
Hindi ko makumpirma ang pinahihiwatig ni deborah. Ngunit ang isip ko ay pinaghihinalaan ko si calix.
Si calix ang gusto nya. O baka naman, may iba siyang gusto na nahalikan na ito.
Nag-iwas ako ng tingin. Napaisip ako bigla, Ngunit alam 'kong hindi magagawa iyon ni calix. Kilala ko siya, hindi siya gagawa na kasalanan.
Dumating ang professor na hindi ko inimikan si deborah. Ayoko siyang kausap, ayokong magkaroon ng kumpirmasyon mula sa babaeng ito. Ngunit nangangamba ako dahil sa video'ng nasabi niya. Totoo bang may hawak siyang video na nakuha nito kanina?
Paano na lamang kung ipakita niya iyon kay trixie.
Napahilot ako sa sintido. Buong klase ay lumilipad ang isip ko sa eksenang iyon. Gulong-g**o ako na halos hindi pumasok sa utak ko ang binigay na leksyon sa amin.
Hangga sa mag-anunsyong dismissal na ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Hindi ko hinayaang magkasabay kami ni deborah palabas, nauna ako dito habang kinakausap siya ng tatlong babae kong kaklase.
Tumungo ako pababa upang dumiretso na palabas. Ngunit nahinto rin ako ng makitang naroon si trixie.
Nakasandal siya sa pader doon sa dulo ng hagdan. Wala siyang kasama at mag-isa nitong tinitingnan ang mga studyanteng dumadaan.
Bumaba ako ilang hakbang bago ito bumaling sa akin. Umayos siya ng tayo sabay ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mata.
"Anong ginagawa mo dito?" she smiled shortly. Alam kong may nais siyang sabihin ngunit wala akong ideya kung tungkol saan.
"Gusto ko sanang samahan mo akong magkape." nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napipilitan itong ngumiti sa akin bago ako tumango kahit may pag-aalinlangan.
"Sige. Saan ba?"
Sinabi nito sa akin kung saan kami pupunta. Tumungo kami sa malapit na coffee shop dito lamang sa daan patungong fatima.
May lalakeng nagbukas ng pinto para sa amin. Matangkad siya at singkit ang mata, ngumiti ito kay trixie bago sa akin.
"Goodafternoon ladies, welcome on our coffee shop" nginitian siya ni trixie.
"Nice to see you again, noah. Saan ka nag-aaral?"
"Im study on america."
"America? Then why are you here?"
"Babalik din ako ng america bago ang pasukan." tumango si trixie. Iginaya kami ng nagngangalang noah sa pwestong gilid bago siya may tawaging pangalan.
"Apollo!" may tumayong lalake na nakaupo sa counter. Si apollo nga, ang kaibigan ni calix. "May naghahanap sa'yo." itinuro nito si trixie. Pansin ko ang pamumula ng pisngi nitong katabi ko bago siya bumulong kay noah.
"What are you doing noah?"
Nilingon siya ni noah ngunit ngumiti lang ito. May lumabas na babae rin doon kasunod si apollo.
"May costumer pala tayo." lumapit ang matangkad na babae sa amin. May name plate siya sa gilid. Kilala ko na ito, siya si natasha. Ito ang nag-assist sa amin dito noong bumili kami ng bulaklak.
"Anong order nyo?" ngumiti ito sa amin. Sinabi ni trixie ang order nito habang papalapit si noah kay natasha.
Dumulas pababa ang kamay ni noah upang ilagay ang palad sa tiyan nitong si natasha.
"Ako na." ani noah.
Nilingon ito ni natasha na nakataas ang kilay. "Nagpapacute ka lang dito, doon ka."
"Sayo lang ako magpapacute. Wag ka ng magselos." they're arguing that topic. Sa huli ay sila ang dalawang umalis dala ang papel na sinulatan ni natasha.
Naroon naman si apollo sa tapat ng counter. Nakasandal iyon habang nakatingin kay trixie.
"Anong problema ni apollo sa'yo?" pabulong ang tanong ko kay trixie. Nag-iwas siya ng tingin bago mapalunok.
"I busted him."
"Ano?"
Muli itong sumulyap sa akin. "Niligawan niya ako noon, last year pa."
Nangunot ang ko sa sinabi nito. "Nanligaw sayo si apollo?" hindi ko alam na nanligaw ang kaibigan ni calix sa kanya. Hindi naman kasi ako magdalas mag-usisa dahil hindi ko naka-ugalian.
"Yes. Magdadalawang taon na sana ngayong buwan."
"Ngunit si ashong ang sinagot mo?" muli itong napalunok sa tanong ko. Kinagat niya pa ang labi bago magbaba ng tingin.
"S-sinagot ko si philip dahil gusto siya ni m-mommy." bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi ni trixie. "Nahihiya ako kay apollo." pasimple siyang bumaling kay apollo na ngayo'y nakatayo pa rin at nakatingin sa kanya.
Napaiwas muli ng tingin ang pinsan ko. Halata nga na nahihiya at hindi mapakali.
"I didn't like philip. I mean, Gusto ko naman siya ngunit mas gusto ko sana si apollo."
Napasandal ako sa inusal ni trixie. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi niya talaga nagugustuhan si ashong?
Kumbaga, napilitan lamang siya dahil kay tita raquel?
"I dont want to dissapoint my mom. Alam mo naman na ayaw niya sa mga pulis. Nag-aaway pa sila ni dad noon kaya't nagretired na lamang si daddy."
Napabuntong hininga ako. "But apollo is a nice guy."
"Yes, Gustong gusto ko siya. Ngunit ang sabi ni mommy ay gamitin ko ang utak ko. Hindi ako mapapabayaan ng mga falcon."
Natawa ako. Hindi ko maiwasang maliitin si tita raquel dahil lamang sa pera.
"Kaya nga gusto kong mag-aral sa ibang bansa sa susunod na pasukan. Gusto kong magbago ng tuluyan ang nararamdaman sa akin ni philip." nagbaba siya ng tingin. "Alam kong may nagugustuhan ng iba si philip. Napapansin ko iyon kahit hindi niya sabihin, nagbago na ang trato nito sa'kin."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagtingin niyang muli sa akin. "May ideya ka ba kung sino ang babaeng iyon?"
Matagal bago ako hindi makasagot. Dumating na ang order namin na si apollo ang naglapag sa mesa.
Hindi na nasundan pa ang pag-uusap naming iyon dahil sa biglaang paghugot ni apollo ng upuan at mabilis na umupo sa pwesto namin.
"Halatang seryoso ang pinag-uusapan nyo." kay trixie ito nakatingin. Hindi matagalan ni trixie ang titig niyang iyon kaya't nag-iwas na lamang sya.
"Tungkol lamang sa pagtungo ni trixie sa ibang bansa." nilingon ako ni apollo. Kunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.
"Ibang bansa?"
"Doon magtatapos si trixie." hindi kumibo si apollo sa sagot ko. Apollo is tall and handsome, magkasing-tangkad sila ni ashong. Ngunit maputi si ashong at itong si apollo ay moreno.
"I thought you want to graduate here, bakit nagbago ang isip mo?" lumingon siya kay trixie habang tinatanong iyon.
"My plan is already change."
"I know you have a reason, napakalaki yata ng rason mo at kailangan mo pang mangibang-bansa?"
"I don't need to tell what my reason is. Bakit ba tinatanong mo pa?"
"Because you wanted to finish your study here. Sinabi mo iyon sakin dahil marami ka ng memories dito, you already told me about your feelings on me, tapos malalaman ko boyfriend mo na pala si philip?" hindi nakasagot si trixie sa sinabing iyon ni apollo. Natawa ang binata bago mag-iwas ng tingin.
"Paasa ka lang pala."
Tumayo si apollo matapos sabihin iyon. Nasundan ko siya ng tingin palabas sa shop.
Ramdam ko ang sakit sa linyang iyon ni apollo. Pinaasa nga siya ni trixie. Magdadalawang taon na siyang nanligaw sa pinsan ko ngunit heto at mababalitaan niyang may boyfriend na siya.
Nilingon ko si trixie. Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang humihinga ng malalim. Namumula ang kanyang mata bago tumingin sa itaas.
"Kailangan mong humingi ng sorry kay apollo, trixie. Nasaktan siya, mag-usap kayo bago ka umalis."
Ngumiti siya ng pilit. "Hindi na kailangan, baka hindi lang ako makaalis pag nag-usap pa kami."
"Aalis ka ng hindi kayo nagkaka-ayos?"
"Galit na rin naman sakin si apollo. Makakalimutan niya rin ang nangyari."
Kinuha nito ang kapeng nasa harapan niya. Sumimsim ito bago tumingin sa labas.
Napabuntong hininga ako.
"Ano nga pala ang sasabihin mo?"
Tumingin siya sakin. Binaba niya ang kape bago ngumiti ng pilit.
"I just want ask you a favor." naipaglapat ko ang labi habang naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Can you take care philip when im gone?"
"Huh?"
"Aalis na ako sa marso. Hindi ako makikipag-hiwalay kay philip dahil nais ko siya mismo ang unang mag-sawa."
"Hindi kita maintindihan."
"Your my cousin. Alam kong mapagkakatiwalaan kita, Importante na din naman sakin si philip dahil kahit papaano ay pinaramdam niya sakin kung paano pahalagahan ng isang lalake.."
Hindi ako sumagot. Naguguluhan din ako kay trixie dahil bakit kailangan niya pang magkaroon ng long distance relationship kung pwede naman ng diretsuhin nito si ashong.
Wala na rin akong sinabi tungkol sa pabor niya. Natapos ang araw na iyon na punong puno ako ng kaisipan.
Hindi nawawala iyon sa isip ko nitong mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung maayos ba ang mga naging resulta ng exam namin dahil sa dami ng iniisip ko.
Naapektuhan ako sa lahat ng nalaman ko.
Buwan ng pebrero idinaos ang anibersaryo ng kabilang unibersidad. Kabilang ako sa cheering group upang suportahan ang grupo ng manlalaro ng fatima.
Kinabibilangan iyon nila Calix, apollo at stanlee. Malamang na kasama si ashong at Jacob. May limang player pa sila na hindi pamilyar sa akin.
Kasama ko si trixie habang nasa loob kami ng malawak na gym dito sa holycross. Nagkaroon kami ng performance kanina bago mag-umpisa ang unang quarter ng laro.
Maganda ang punto nila ashong. Lamang sila ng anim na puntos ngayong unang quarter.
Hawak ni calix ang bola. May isang dumedepensa dito na hindi niya matakasan. Tumakbo si ashong upang ipasa ni calix sa kanya ang bola.
Tagumpay na nasalo iyon ni ashong na nagbigay ingay sa buong kapaligaran ng gymnasium.
Tumakbo siya habang hinahabol ng yellow team. Bago pa siya madepensahan ng isa ay pumorma na itong ihahagis ang bola.
Nasa malayo siya. Hindi ako kumbinsidong maisu-shoot ni ashong ang bola.
Natawa ako. Ngunit ng makitang mahulog ang bola sa ring ay napawi ang ngiting meron ako.
Tumunog ang buzzer senyales na tapos na ang unang quarter. Nakangiti pa si ashong na maka-three points ito.
Tumingin siya sa gawi namin ni trixie bago ngumiti. Kumindat pa siya bago mag-heart sign sa pamamagitan ng kanyang kamay.
Ngunit imbes na kay trixie siya nakatingin ay sa akin ito ngumiti.
"I LOVE YOU!"
Nagsigawan ang kababaihan dahil sa isinigaw niyang iyon. Alam ng karamihan na si trixie ang tinutukoy nito. Ngunit hindi, maging si trixie ay lumingon sa akin. Napansin rin nito kung bakit sa akin nakatitig si ashong habang ginagawa iyon.
"P-pupunta lang ako s-saglit sa comfort room." tumango si trixie habang nakatingin sa akin. Alam kong nagtataka ito ngunit hindi na niya ginawa pang magtanong.
Nilagpasan ko ang mga kababaihang nais magpapansin sa mga manlalaro.
Pumasok ako ng banyo at dumiretso sa gripo upang burahin ang make up na nilagat ni trixie kanina. Gusto ko na sanang umuwi ngunit nahihiya ako kay calix.
Nais kong ipakitang sinusuportahan ko siya sa kanyang laro.
"Why did you remove your make up?" mabilis akong napalingon kay ashong dahil sa pagsasalita niya sa likuran ko. Nanlaki pa ang aking mata bago siya itulak.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tsk. Sinundan lang kita. Akala ko uuwi ka na."
"Hindi mo dapat ako sinundan dito!"
Nakatingin lang siya sakin. Hindi nawawala ang pagkalukot ng aking mukha dahil sa pagpasok niya sa banyo ng mga kababaihan.
"Bakit ba hindi mo ako matigilan?"
"Because i really like you d*mn much. Bakit ba inuulit mo ang tanong na 'yan. Why don't you just accept my feelings, winter?"
"Dahil hindi tama! Bawal tayo!"
"Ang bawal ang siyang nagpapasaya sakin. Sumisipag ako sa pagpasok dahil sa kaisipang makikita kita, ginaganahan akong magkaroon ng mataas ng grado dahil nahihiya ako, matalino kasi ang babaeng gusto ko."
Mariing titig lamang ang ipinukol ko. Ngunit ang dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit gusto ko ang sinabi niya. Nagagalit ako dahil lamang sa kaisipang makita kami ng iba, ngunit ang nararamdaman ko ay hindi ko na maipaliwanag.
"Bahala ka sa buhay mo."
Iyon ang siyang sinagot ko bago siya lagpasan. Hindi niya ako pinigilan. Dumiretso ako palabas at laking pasasalamat ko na walang nakita sa akin.
Ramdam ko ang presenya ni ashong na nakasunod sa likuran ko.
Binilisan ko ang lakad upang makapasok ng muli si gym. Ngunit natigilan ako sa pagsigaw.
"Ang sungit naman ng babaeng gusto ko."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumigil ka, ashong!"
"Nagsusungit ka na, ang ganda mo lalo tuloy sa paningin ko."
"Hindi ka titigil!"
"Bakit mo ba ako inuutusang tumigil, totoo itong nararamdaman ko. At dahil sa pagsusungit mo lalo lang kitang nagugustugan, baka agawin na kita ng tuluyan kay calix."
Nag-iinit ang buong mukha ko..Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sakin ni ashong. Ayoko na, natatakot akong baka iba na 'to.
"Mahal nga kasi kita, hindi kita binobola."
Napahagod ako sa aking buhok. Kinagat ko ang labi bago siya talikuran at takasan na lamang.
Hawak ko pa ang aking dibdib na lalong kumakabog sa pagtibok.
Bakit ganito?
Anong nangyayari sakin?
*****
to be continued.
Aalis na si trixie sa susunod na chapter. Fast forward tayo para masaya. Huling pag-aaral na nila sa fatima this season 2. ❤️
Syempre sa season 3 professional na bussinessman na si ashong. Guro naman na si winter, ngunit ano ba ang status nila 'non?