Prologue
Isang katok ang nagpatigil sa akin sa pagbabasa.
"Pasok po."
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang aming kasambahay.
"Ma'am, pinapatawag ka po ng inyong lola," sabi ni Ate Juvilla sa akin.
"Bakit daw po?" curious kong tanong sa kaniya.
"Hindi niya po sinabi eh. Bumaba ka nalang daw."
"Sige po. Pakisabi kay lola susunod ako. Aayusin ko lang ang mga gamit ko."
Tumango naman si Ate sa akin bago ito lumabas. Tinignan ko ang pinto kung saan siya lumabas. Ano naman kaya ang kailangan ni lola at bakit pinatawag niya pa ako? Bumuntong hininga nalang ako at sinimulan na ang ang pagliligpit sa aking mga gamit para makababa na.
Bago ako lumabas, ay tinignan ko muna ang aking sarili sa salamin. Inayos ko ang aking buhok dahil medyo magulo ito. Pagkatapos kong maayos iyon, ay agad akong lumabas ng aking silid at bumaba ng hagdan.
"Ma'am, nasa backyard po ang lola ninyo," sabi ni ate Juvilla sa akin.
"Salamat po, ate."
Naglakad ako palabas ng aming bahay patungong backyard. There I saw my Lola sitting calmly on the chair while sipping her tea. Agad akong lumapit sa kaniya.
"Hi La," I greeted her at humalik sa kaniyang pisngi.
"Hija, andito kana pala," masaya nitong sabi sa akin.
"Pinapatawag niyo raw po ako."
"Oh, yes, yes!" excited nitong sabi.
"Bakit po, La?" tanong ko sa kaniya.
"Maupo ka muna," sabi nito at inilahad ang kamay niya sa upuang sa kaniyang harap.
Sinunod ko naman ang gusto niya. I sat on the chair in front of her.
"Ano na po iyon?" kuryuso kong tanong. Naiintriga ako sa gusto niyang sabihin.
"You know about out family tradition right?"
Bigla akong kinabahan. Our family tradition is about arrange marriage. Mukhang alam ko na kung saan ito patutungo.
"Y-yes po," nauutal na sabi ko kay lola dahil sa kaba.
"You're getting married!" masaya nitong sabi at pumalakpak pa.
Nanlaki ang mata ko at bumuka ang mga labi sa sinabi niya. Getting married? Me?
I can't form a single word. Bakit sa kaniya ay parang isang simpleng bagay lamang ang pagpapakasal?
"L-lola... "
"Hija, aren't you happy? You're going to have your own family."
Sino naman ang magiging masaya doon? I don't want them to decide for me.
"Ayoko po," diretsahan kong sabi kay lola. Walang bakas ng kaba.
Nag-iba ang ekspresyon niya. Ang kanina na masaya at excited ay napalitan ng galit.
"Wala ka nang magagawa. Me and your future husband's family already talked about this."
What?!
"L-lola...I don't want to. You can't force me to marry someone I don't love."
"Shut up, Maria!" tumaas na ang boses niya.
"I'll talk to daddy po. I'm sure he could do something about this. Mauna na po ako," sabi ko kay lola at agad tumayo. Gusto kong umiyak nalang at magkulong sa kwarto.
"Your dad agreed," kalamadong sabi ni lola na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
D-daddy agreed?!
"He agreed?" nanghihinang tanong ko at doon na tumulo ang mga luha na kanina pa gustong kumawala.
"Yes, hija. Just accept it already. It's for your future naman and for our company. Remember that you are the heiress of Soriano clan and all will be given to you. So, stop over reacting," sabi ni lola.
Stop over reacting? Is she serious? And why did my dad agreed to this? Damn!
"Why are you always like this po? You always controls my life. My opinions are not valid... Y-you are only doing this po for your own satisfaction... Not for my future," sabi ko kay lola bago tumalikod sa kaniya at tumakbo ng aking kwarto habang walang tigil na tumutulo ang aking mga luha.
Habang tumatakbo ay tinatawag ako ng aming mga kasambahay, pero hindi ko iyon pinansin. Dire-diretso lang ang aking takbo hanggang sa makaabot ng aking kwarto. Pumasok ako agad at ini-lock ang aking kwarto.
Nanghihina akong umupo sa kama habang palakas nang palakas ang aking mga hikbi.
"B-bakit palagi nalang ganito? I always did my b-best to be...a better daughter, pero bakit palagi nalang ako nag s-suffer?" tanong ko sa kawalan.
Binaon ko na ang aking mukha sa unan dahil hindi ko na kaya ang panghihina. I'm trying to defend and speak up for myself every time they try to control my life, but I always end up shutting my mouth dahil ayaw nila na sumalungat ako. I just want to live a peaceful and normal life, pero bakit ang hirap? Nakakapagod naring maging sunod-sunuran sa kanila.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising nalang ako sa isang tawag sa aking cellphone.
Daddy's calling...
________________
Happy reading!