CHAPTER 14: MAGTIWALA KA LANG

1716 Words
"VALENTINO! Valentino!" Malakas na sigaw ni Zelda. Kaagad niyang tinakbo ang asawa. Napasalampak siya sa sahig at inangat ang ulo ni Valentino. Pilit niya itong ginigising. Tumatakbo si Zaylee, narinig niya ang malakas na sigaw ng ina. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang mga magulang. Nakahiga sa sahig ang ama habang nakaupo ang ina na humahagulhol ng napakalakas. "Mom, what happened to dad?" tanong niya na nakatingin sa amang nakahandusay sa sahig. Nilapitan niya ito at hinawakan ang leeg. "Nahulog siya sa hagdan. Tawagin mo ang driver. Itakbo natin sa ospital ang daddy mo!" Sagot ni Zelda na walang tigil ang pag-iyak. Natatarantang tumakbo si Zaylee palabas ng mansyon para tawagin ang taga-maneho sa quarters. Inis na binitawan ni Zelda ang asawa. Tumayo siya at pinagpag ang sarili. Pinunasan ang luha sa mata. Tapos na ang pagkukunwari at pagiging artista niya. "Maigi nga sa'yo. Ngayon, hindi mo na maiiuwi ang anak mo dito. Sa amin na ni Zaylee ang lahat ng ari- arian mo at ang mansyon na 'to." Iniwan niya si Valentino na hindi niya malaman kung buhay pa o patay na. PINAPAGPAG ni Khal at Orah ang kanilang mga damit na puno ng buhangin. Napangiti si Khal habang pinagmamasdan ang dalaga. "Lalo kang gumaganda, mahal ko. Habang tumatagal ang titig ko sa'yo, mas lalong hindi ko mapigilan ang paghanga." Napairap si Orah, pero bahagya ring ngumiti. "Bola. Gusto mo lang umisa pa, ano? Tama na 'yan. Sigurado akong hinahanap na ako ni baby Sapphire. Naninigas na nga itong dalawang dede ko, tiyak na gutom na siya." Iniabot ni Khal ang kamay niya kay Orah. Nang abutin ito ng dalaga, hinila niya ito papalapit at bumulong. "Hindi 'yon bola, totoo 'yon. Sobrang ganda mo, kaya alam kong napakaswerte ko." Sinundan niya ito ng isang malapad na ngiti. "Kaya pala masarap ang nalalasahan ko... gatas pala 'yon." Nanlaki ang mga mata ni Orah. "Ang bastos mo talaga!" Itinaas niya ang kamay at hinampas sa braso ni Khal, saka nagmartsa paalis, iniwan ang nobyo. "M-Mahal ko... nagbibiro lang ako!" pahabol na sigaw ni Khal habang kinakamot ang ulo. "Heh! Manigas ka d'yan!" Asik na sigaw ni Orah. Nakasimangot si Orah na pumasok sa loob ng bahay. Napansin siya ng kapatid na bunso ni Khal. "Ate Orah, bakit ganyan ang mukha mo? Si kuya?" Bungad na mga tanong ng binata. "Wala 'to, Kele. Huwag mo na lang pansinin ang bad mood ko," sagot niya habang nanghahaba ang nguso, halatang may inis. "Kasunod ko lang ang kuya mo kanina. Ewan ko ba kung saan na naman nagsuot 'yon." Hindi niya namalayang wala pala sa kanyang likuran ang nobyo. Sabay silang napalingon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Khal na may dalang supot. "Oh, kuya, ano 'yan dala mo?" tanong ni Kele na napadako ang tingin sa hawak ng kapatid. "Ah, ito ba?" Wika ni Khal na itinaas ang supot. "Pansit at lomi. Binilii ko para pagsaluhan nating lahat. Ginutom ako ng ate mo..." Napataas ang kilay ni Orah sa huling tinuran ni Khal. "Anong pinagsasabi mong pinagod kita?" Natawa ng mahina si Kele sa sinabi ni Orah. Mukhang may something ang kapatid niya at si Orah. Napabaling ng tingin ang dalaga kay Kele. "Si baby Sapphire?" "Tulog na tulog, ate, sa kuwarto n'yo. Busog na din siya. Tinimplahan ko na ng gatas niya." Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Orah, ngumiti ng bahagya sa binata. "Salamat sa pagbabantay at pag-aalaga sa baby ko." "Wala 'yon, ate. Nakakalibang alagaan si baby Sapphire. Sa susunod na araw babalik na naman ako sa bayan. Kaya sinusulit ko na." Tumango si Orah at humakbang papunta sa kuwarto nilang mag-ina. "Mahal ko, kumain muna tayo..." pahabol na sabi ni Khal na ikinahinto ni Orah. Natigilan si Orah, hindi kaagad nakagalaw. Kasama pa nila si Kele at nabuking na kaagad sila. Nanlaki ang mga mata ni Kele sa pagkabigla. "K-Kayo na ba, Kuya Khal, ni Ate Orah?" Naglakad si Khal papalapit sa nakatalikod na si Orah. Pagkalapit niya ay iniharap niya ito kay Kele at inakbayan. "Oo. Hipag mo na si Orah," buong ngiting na umabot sa matang sagot niya sa kapatid. Tila naumid si Orah na napaangat ang tingin sa masayang mukha ni Khal Napaawang ang bibig ni Kele. Ilang segundo na pino-proseso sa utak ang mga sinabi ng kapatid. Nang makahuma ay tuwang- tuwa ito sa galak para sa nakakatandang kapatid na si Khal. "Yes! Ate na talaga kita, Ate Orah. Pamangkin ko na si baby Sapphire! Congrats, masaya ako para sa inyong dalawa." "Salamat, Kele." At tumingin si Khal kay Orah na puno ng pagmamahal. "Kainin na natin itong dala kong pansit at lugaw habang mainit pa." Sabi pa niya na hinawakan ang kamay ni Orah at iginiya papunta sa kusina. SA ospital, pinagmamasdan ni Zelda ang asawa niyang walang malay na nakahiga sa hospital bed. May benda sa ulo nito at nakakabit ang mga aparato na parang nagiging karugtong ng buhay nito. Hindi masabi ng doktor kung kailan ito magigising mula sa coma. "Mom, what happened to Dad? Anong ginawa mo sa kanya?" tanong ni Zaylee, halatang may hinanakit at paghuhusga sa mga mata niya. Hindi niya maitago ang pag-aalala para sa ama. Napalingon si Zelda sa anak, at napatiim-bagang. "You don’t know anything, Zaylee. Once na magkamalay ang dad mo, mawawala lahat sa atin— lahat ng pinangarap mo. Pati ang mansion na kinalakihan mo, mawawala rin sa'yo." Napatigil si Zaylee at napaatras. "What do you mean? Anong ginawa mo para mapaalis tayo ni dad sa mansion?" "Makinig kang mabuti," sagot ni Zelda, nanginginig ang boses. "Hindi mo tunay na ama si Valentino. Hinahanap niya ang anak niyang si Zipporah. Kapag nahanap niya ang bastarda niyang anak, tapos na tayo. Maghihirap tayo. Ayokong mangyari 'yan sa'yo." Napapitlag si Zaylee sa gulat, hindi makapaniwala. Ang rebelasyon ng ina ay parang kidlat na dumagundong sa kanyang buong pagkatao. "Why, Mom? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala akong alam na hindi pala ako anak ni Valentino Burton." "Hindi ko rin ginusto 'to. Ito lang ang paraan para hindi mawala sa atin ang lahat," umiiyak na sagot ni Zelda. "Patawarin mo ako, Zaylee. I just want to protect you. Ayokong maranasan mo ang hirap na pinagdaanan ko noon." Pilit na iniintindi ni Zaylee ang sinabi ng kanyang ina, pero parang may bumabara sa kanyang dibdib. Pinalaki siya sa kasinungalingan. Hindi siya makapaniwala. Gaya ng ginawa ni Valentino kay Zipporah, itinago rin sa kanya ang kanyang tunay na pagkatao. "W-Who is my real father? Gusto kong malaman kung sino ang totoong tatay ko!" Galit na tanong ni Zaylee, nanginginig ang boses niya habang nanlalaki ang mga mata. "I don't think it's the right time for you to know about your real dad," ani Zelda, umiiling habang iniwas ang tingin sa anak. "Mom, I'm turning eighteen! Karapatan kong malaman ang totoo! Pakiramdam ko ngayon, 'di buo ang pagkatao ko dahil sa paglilihim n'yo." Puno ng hinanakit ang boses ni Zaylee, nanginginig ang kanyang mga kamay sa inis. "No!" Mariing sagot ni Zelda habang tumingin nang diretso sa anak. "Andito ako, buo ka pa rin. Anak ka pa rin ni Valentino. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana niya sakaling mawala siya. Hindi ka na maghihirap, at makukuha mo ang lahat pati na ang mga negosyo ng daddy mo." Napatigil si Zaylee, ang mga sinabi ng ina ay parang malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. That's it. Kaya pala itinago ng ina ang totoo— hindi para sa kanya, kundi para sa yaman. "Sa tingin n'yo, hahayaan ni Dad na mangyari 'yan? I know him, Mom. Tuso siya. May kutob ako na hindi niya hahayaan na makuha mo ang yaman na para sa anak niya," madiin niyang sagot habang puno ng hinanakit ang boses. Sumikip ang dibdib ni Zelda, ngunit hindi siya nagpapigil sa anak. "Mas tuso ako sa kanya, Zaylee. Lahat ng ito, gagawin ko para sa'yo. Para sa future mo!" Napaatras si Zaylee, nanginginig sa galit. Tumulo ang mga luha niya habang tumitig nang diretso sa ina. "I won't be like you, Mom. Ayokong maging kagaya mo— puno ng galit at kasakiman ang puso. Ayokong maging masama." Ang binitiwang salita ni Zaylee ay parang kutsilyong tumarak sa puso ni Zelda. Walang lingon likod na tumakbo si Zaylee palabas ng pribadong silid. "Zaylee! Bumalik ka dito!" sigaw ni Zelda, pero hindi siya pinansin ng anak. TAHIMIK ang paligid ng maliit na kuwarto, maliban sa mahinang tunog ng electric fan na umiikot sa isang sulok. Nakahiga sa crib si baby Sapphire at mahimbing na natutulog. Si Zipporah naman ay nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang maliit na damit ng anak, habang si Khal ay nakatayo malapit sa pinto, nakasandal at nakatingin sa kanila. "Ikaw, ha… bakit mo sinabi agad kay Kele ang tungkol sa atin?" tanong ni Zipporah, binaba ang hawak na damit at tumingin kay Khal. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Lumapit si Khal, at naupo sa sahig malapit sa crib. Hinaplos niya ang noo ng sanggol, bago tumingin kay Zipporah. "Bakit kailangan pang itago, Orah? Alam naman nating wala tayong ginagawang mali," sagot ni Khal, mahinahon ang tono niya pero may halong paninindigan. "Pero paano kung hindi nila maintindihan? Ayokong madamay ang anak ko kung sakaling magkaroon ng gulo," sagot ni Zipporah, bumuntong hininga siya habang bahagyang niyuko ang ulo. Napangiti si Khal, tumayo at lumapit sa tabi ni Zipporah. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito. "Alam mo, mahal, hindi tayo mabubuhay nang puro takot. 'Wag mong isipin 'yung ibang tao. Ang mahalaga, nasa tabi mo ako, nasa tabi natin ang anak mo. 'Yan lang ang mahalaga," sabi ni Khal habang nakatitig sa mga mata ni Zipporah. Napatigil si Zipporah, ramdam niya ang katotohanan sa mga salita ni Khal. Napatitig siya sa binata, at kahit simpleng salita lang ang sinabi nito, nagbigay ito ng kalma sa kanyang dibdib. "Pero, Khal... paano kung...?" Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang umiyak ang anak. Agad na tumayo si Khal at kinuha ang baby mula sa crib. Mahinahon niyang inalo ang bata, pilit na pinapatahan. Natigil ang iyak nito nang maramdaman ang yakap ni Khal. "Tingnan mo 'to, parang sinasabi niya na magtiwala ka lang," nakangiti niyang sabi habang tinitingnan si Zipporah. Napabuntong hininga si Zipporah at napangiti nang bahagya. Sa sandaling iyon, alam niyang hindi siya nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD