bc

HIMASIN MO, KHALDIAG (HOT SINGLE MOMMAS COLLABORATION) SSPG

book_age18+
392
FOLLOW
4.4K
READ
forbidden
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
age gap
fated
single mother
billionairess
heir/heiress
witty
small town
disappearance
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

‼️ WARNING MATURE CONTENT ‼️SUPER SPG ‼️ Zipporah Burton o Orah, isang dalagang ina at tagapagmana ng isang malaking yaman. Ngunit maagang nabuntis at hindi pinanagutan ng ama ng kanyang dinadala, dahilan para itakwil siya ng kanyang sariling pamilya.

Nakarating siya sa Marina Azul, isang payapang bayan sa tabi ng dagat kung saan pangingisda ang pangunahing hanapbuhay. Dito siya kinupkop ng isang mabait na pamilya, at nakilala niya ang kanilang panganay na si Khaldiag Mangahas o Khal, isang matandang binata na nagtitinda ng mga isda. Sa kabila ng kanyang masalimuot na nakaraan, natagpuan ni Orah ang init ng pagmamahal sa bawat himas ni Khal.

Ngayon, kailangang mamili si Orah —ang tahimik na buhay at himas ng pagmamahal ni Khal, o ang yaman na dapat ay sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 KASALANAN KO
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. ‼️Warning: RATED 18 ‼️ Kasali po ito sa collaboration namin, HOT SINGLE MOMMAS COLLABORATION. ABANGAN N'YO PO ANG IBA. There are some words that may not be suitable for young readers. CHAPTER 1 KASALANAN KO "LUMAYAS ka! 'Wag ka nang babalik dito sa bahay! Kahihiyan ka lang sa pamilya Burton! Wala kang kw*ntang anak! Suwail!" Malalakas na bulyaw ni Zelda sa kanyang bunsong anak. Nagtatagis ang bagang itinuro niya ang pinto palabas. Nakayukong nagtataas baba ang balikat ni Zipporah. Impit siyang humahagulhol habang nakatayo malapit sa pinto ng kanilang mansyon. Ipinagtatabuyan siya ng kanyang sariling ina nang malaman na nagdadalang tao siya. Tumalikod si Orah sa ina at nakayukong dahan dahang naglakad palabas ng mansyon. 'Di na siya nagtaka pang lingunin ang ina. Wala siyang kadala dala kahit ano. Iniwan niya ang lahat, maging ang marangyang buhay. Si Zipporah Burton, disi otso at nasa first year college palang. Galing siya sa isang mayamang pamilya. Her father is a business tycoon, and her mom is a plain housewife. Nakatira siya sa isang malaking mansyon, mayroon siyang isa pang kapatid na babae, si Zaylee Burton. Matanda sa kanya ito ng tatlong taon. She has everything she wants. Nasusunod ang mga gusto dahil sa mga magulang na rin niya. Ngayon, iiwanan na niya ang kung anong ginhawa ang natatamasa niya dahil sa isang pagkakamali. Biglang rumagasa ang malakas na ulan. Nagpatuloy sa paglalakad si Orah, hindi alam kung saan tutungo. Pero, isa lamang ang kanyang naisip na pupuntahan. Tumutulo pa ang tubig sa mga buhok ni Orah habang kiming nakaupo sa sopa. Hinihila ang suot na palda patakip sa kanyang hita. Nanlalamig na kasi siya dahil sa halos maligo na siya sa ulan. Tiniyaga niyang maglakad hanggang sa makarating sa boys dormitory sa university na pinapasukan niya. "What happened to you, Orah? Basang basa ka, sinuong mo pa ang malakas na ulan para lamang puntahan ako," ang pagalit na tanong ni Winter. Napaangat ang tingin ni Orah sa nobyo. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "B-Buntis ako, Winter... n-alaman ni mommy kaya pinalayas niya ako sa mansyon." Amin niyang sabi saka nagyuko ng ulo. "What?!" Nagugulat na sigaw ni Winter. Mabilis niyang nilapitan si Orah. "I told you to drink pills. Di ba? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sayo?" "Ginawa ko ang sinabi mo! Ginagawa ko naman lahat nang inuutos mo sa akin. Di ba? Anong magagawa ko kung biglang may nabuo. Ikaw kasi, kahit anong tanggi ko sayo, ipinagpipilitan mo pa din ang makipag-s*x. Alam mo na parehas pa tayong mga bata at nag-aaral. Ano na ngayon ang gagawin ko, Winter?" Kasalanan nilang dalawa pero siya lamang ang sinisisi. Ginawa nilang dalawa pero parang mas kasalanan pa niya. "Anong gagawin mo? Hindi ako ang ama n'yan, Orah! Nag-iingat ako sa lahat ng mga babaeng naikama ko at sa'yo pa ako nakabuntis," napapailing na sabi ni Winter. "That's unbelievable!" Napaamang si Orah sa kanyang mga marinig mula kay Winter. Parang sa mga salita nito, parang hindi siya talaga minahal ng nobyo. Na katawan lamang ang habol sa kanya at ang mairaos ang init ng katawan. Lumabas din sa bobig nito na hindi lang siya ang babaeng ginagalaw ni Winter. "Ang kapal ng mukha mo! P*tangna ka! Pagkatapos ng lahat, 'yan pa ang maririnig ko mula sayo. Anong akala mo sa akin, ha? You know me very well, Winter! Ikaw ang unang lalaking minahal ko at pinagbigyan ng pinakaiingatan ko. Nakuha mo lang ang virginity ko at nabuntis mo ako, ganyan ka! Alam mo, mas wala kang kwenta! Babaero ka!" Naggagalaiti na asik ni Orah. Nanlalaki ang mata ni Winter. Tinawid niya ang pagitan nilang dalawa ni Orah at nang malapitan ay sinakal niya ito sa leeg. "Don't talk to me like that!" Bulyaw ni Winter. Panay ang hila ni Orah sa kamay ng binata. Hindi na siya makahinga sa pagkakasal nito sa kanya. "Nagustuhan mo rin naman ang mga ginawa natin! Panay pa nga ungol mo ng pangalan ko. You are shame with other cheap girls that I slept. Mga wala kayong pinagkaibang lahat!" Pasalya siyang binitawan ni Winter. Uubo - ubo si Orah at napapasinghap ng hangin. Halos maubusan siya ng hangin dahil sa sakal ni Winter sa kanyang leeg. "K-Kung ayaw mong panagutan ang ipinagbubuntis ko, sabihin mo na lang ng maayos... Kaya ko namang buhayin na mag-isa itong anak ko. Kahit pa itinakwil ako ng buong pamilya ko. Hinding — hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sa batang nasa loob ng sinapupunan ko. Pero, ito lang ang tandaan mo, Winter. Simula sa araw na ito, hindi ka na kikilalanin ng anak ko bilang ama. Wala siyang amang gag* at walang kwentang katulad mo!" Bitaw na mga salita ni Orah. "Kung ipinapalaglag mo na lang 'yan. Eh, 'di tapos ang problema mo. 'Wag mo na ako isali sa problema mo! Umalis ka na! Sinisira mo ang gabi ko!" Taboy ni Winter sa dalaga. Tumulo ang luha ni Orah pero matapang siyang tinitigan ang mukha ni Winter. Parang kahapon lang nang unang makilala niya si Winter Teano, isang binatang mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Third year engineering student si Winter at nagmula sa isang prominente at mayamang pamilya. 'Di na maalala ni Orah kung paano naging sila dahil sa sobrang babaero ni Winter. Ilang beses na niya itong nahuling may ibang babaeng nilalandi sa university. Gayunpaman, pinapatawad pa rin niya. T*nga nga siya sa pagdating sa pag-ibig. "G*go ka talaga! Walang kasing sama 'yang budhi mo! Pati batang walang kamalay — malay ipapapatay mo. 'Wag mo nang isipin itong dinadala ko. Kahit kailan hindi ko inisip na problema ang anak ko sa 'kin. Ang pinagsisihan ko ay ang mahalin ang katulad mong walang bayag! G*go!" Mga mura ni Orah saka tinalikuran si Winter. Walang konsensiya. Dugo pa lang ito pinag-iisipan na alisin sa sinapupunan niya. Pagkatapos magpasarap, ganoon ganoon lang. Hindi niya ito kailangan, pati na ang pamilya niya na tinalikuran lamang siya. Alas otso ng gabi, nasa harapan si Orah ng isang pawnshop. Ibebenta niya ang hikaw niya para makabili siya ng ticket sa bus. Kung saang probinsya siya mapadpad doon siya magsisimula ng panibagong buhay. "Totoo ba 'to?" tanong ng babae na mukha pang duda sa hikaw na ibinebenta niya. "Opo, tunay po 'yan. Bigay po ng daddy ko 'yan. May maliit na bato, diamond po." Alanganing tumingin ang babae kay Ora. Tinignan siya nito ng masama. Baka iniisip nito na ninakaw niya ang hikaw. Pumasok siya sa pawnshop na basang basa ang damit. Bibili na lamang siya kapag natanggap niya ang pera na mapagbibilhan ng kanyang hikaw. May kuwintas pa siya, baka sa panganganak na lamang niya iyong ibebenta. Malaking pera din ang makukuha niya mula sa kanyang kuwintas. "Fifty thousand. May id ka ba?" muling tanong ng babae sa kanya. Mabilis na umiling si Orah. "Wala po, eh. Hindi ko po dinala." "Oh, sige. Ako na ang bahala." May mabuting puso din pala ang babaeng ito. Akala niya ay talaga masungit at may pagka-masama ang ugali. "Salamat po," nakangiting tugon ni Orah. Sobrang nagpapasalamat siya na malaki ang perang napagbentahan ng kanyang hikaw. May panggastos na siya at pambili ng mga kailangan niya. Kumuha ng pera ang babae at inilagay sa counting machine. Pagkatapos ay inilagay sa sobra at inabot kay Orah. Muling nagpasalamat si Orah at lumabas na ng pawnshop. Maaga pa naman kaya dumiretso na siya sa mall para bumili ng damit na pamalit. Pagkatapos na makapamili ay sumakay siya ng taxi para nagpahatid sa istasyon ng bus. Nakatingin lamang si Orah sa labas. Napahawak siya sa impis na tiyan. BUMILI si Orah ng pregnancy test sa pharmacy. Isang buwan na siyang hindi dinadatnan. Masama rin ang kanyang pakiramdam kanina na pumasok siya sa university. Hindi sila nagkita ni Winter. 'Di niya ito mahagilap at hindi rin sinasagot ang mga tawag niya. Parang pinagtataguan siya ng nobyo. Pagkauwi ng bahay ay dali — dali siyang pumunta sa kanyang kuwarto at pagkapasok ay inilapag ang kanyang bag sa ibabaw ng kama. Hindi muna siya nagpalit ng damit at dumiretso na siya sa banyo, dala ang pregnancy test na binili niya. Binasa ni Orah ang instruction sa likod ng kahon ng pt. Sinunod niya ang mga nakasulat at naghintay ng isang minuto. "Sana'y hindi ako buntis... Please, 'wag naman sana," abot — abot ang kanyang panalangin na mali ang kanyang kutob. Nakapikit ang kanyang mata habang hawak ang pt. Dahan — dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Nanginginig ang mga kamay na napadako ang tingin sa pt. "Hala!" Napaiyak siya ng malakas. Confirm., buntis nga siya. Napasapo si Orah sa kanyang ulo. Bigla siyang nahilo o baka naman dahil sa nalaman niya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at itinapon sa basurahan ang pt. Lumabas siya ng banyo at napaupo sa kama. "Anong gagawin ko? Buntis ako..." Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag at tinawagan si Winter, ang kanyang boyfriend. Naka-ilang ring na pero hindi pa rin sumasagot ang binata. Inis na inihagis ni Orah ang kanyang phone sa ibabaw ng kama. Gusto niyang murahin si Winter. Kung kailan kailangan niya ang nobyo ay hindi niya ito mahagilap. Napahinto siya sa pagnguyngoy nang may kumatok sa pintuan. "Sino 'yan?" tanong ni Orah habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Pinipigilan niya ang humikbi dahil baka marinig ng nasa labas. "Miss Orah, kakain na po. Nasa dining na po ang mommy at daddy niyo. Kayo na lang po ang hinihintay," sagot ng kasambahay nila. "Paki-sabi na lang na mauna na sila kumain. S-Sabihin mong may ginagawa ako, may tinatapos akong project," pagsisinungaling na sabi niya. Kailangan niyang magsinungaling dahil baka magtaka ang ina sa hitsura niya. "Sige po, Miss Orah." Narinig niyang tugon ng kasambahay at narinig niya ang mga yabag ng paa na palayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
189.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
42.0K
bc

Daddy Granpa

read
280.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook