CHAPTER 16: HIGAAN

1513 Words
UMAGA, magkatabing nakaupo sina Khal at Orah. Nasa harapan nila si Isagani na ama ng binata at kapatid nitong si Kele. Seryoso ang tingin ng ama ng tahanan sa magkasintahan. Hindi naman makatingin si Orah sa kanya habang si Khal ay prenteng nakaupo. Parang wala lang dito na halos manliit si Orah dahil sa kahihiyan. "Mayroon ba kayong aaminin sa akin, mga anak?" Nagpapalit- palit ang tingin ni Isagani kina Khal at Orah. "Sa mga narinig namin kagabi parang may nagaganap sa inyong dalawa na kakaiba. Sana man lang hininaan n'yo. Aba'y, hindi kami makatulog." Sabi pa niya na may ngisi sa labi. Napuyat siya sa ingay nung dalawa. Maigi na lamang dahil mahimbing ang tulog ang kanyang asawa. Mariing nakagat ni Orah ang kanyang labi habang nakayuko. Iniiwasan niyang tignan si Tatay Isagani sa mata. Lintak! Kasi itong si Khal, hindi makapagpigil. Pati siya nawala sa sarili. Aaminin niyang nasarapan din siya kagabi. Napailing- iling si Orah sa tumatakbo sa isip niya. Hindi napigilan ni Kele ang malakas na tawa na ikinatingin nina Orah ar Khal. "Sorry. Hindi ko lang mapigilan ang 'di tumawa, si tatay kasi. Nasira pa ang higaan n'yo. Akala ko may nalaglag na malaking pusa sa lakas ng pagbagsak." Kantiyaw pa niya at muling sinundan ng malakas na tawa. Napahagikhik din si Isagani. Tinutop niya ang kanyang bibig para hindi makalikha ng ingay at hindi mapahiya ang anak na panganay, maging si Orah. Namumula ang mukha ni Orah na nagyuko ng ulo sa sobrang kahihiyan. Ayaw niyang maalala ang naganap kagabi sa kanila ni Khal. Hindi na nakapagpigil ang loko at maging siya ay nakalimot na kubo ang bahay. Maririnig ang kahit na anong kaluskos o tunog sa loob. Pasimpleng hinampas ni Orah ang kamay ni Khal. Naiinis siya na napasok siya sa kahihiyan dahil sa kapusukan.. "Mahal ko, sorry na," bulong na tugon ni Khal na napatingin sa nobya. Hindi naman tumitingin si Orah sa kanya na nanatiling nakayuko. "Nakakainis ka... isinama mo pa ako sa kahihiyang 'to. Sobrang nakakahiya kay Tatay Isagani at sa kapatid mo." Paninising sabi ni Orah. Parang gusto na lang niyang lumubog sa lupa dahil sa sibrang kahihiyan. Nasira pa ang kanilang higaan kaya sa lapag sila naglatag ni Khal para may matulugan. "Tay, may gusto po akong sabihin sa inyo. Alam na po ito ni Kele, at ayoko naman pong magtago sa inyo." Panimulang sabi ni Khal, napaangat bigla ng kanyang ulo si Orah at napatingin sa seryosong mukha ni Khal. "Kami na po ni Orah at mahal ko po silang mag-ina. Tatanggapin ko po ang anak niya na akin. Kung papayag kayo ay gusto ko na pong magsama kaming dalawa na parang tunay na mag-asawa," matapang na amin ni Khal sa ama. Panay naman ang dasal na bulong ni Orah sa isip. Naramdaman niya ang marahang pagpatong ng kamay ni Khal sa kanyang kamay. Parang ipinapahiwatig na siya ang bahala. Tumayo si Isagani at nilapitan ang panganay na anak. Ang lawak ng ngiti niya na hinawakan ang kamay ni Khal at hinila ito patayo. Nagugulat naman ang binata na napatingin sa ama. "Binabati kita, anak. Masaya ako sa inyong dalawa ni Orah," masayang sabi ni Isagani na niyakap si Khal. Nakatuon lang ang mga mata ni Orah sa mag-ama. Nang humiwalay ang mag-ama sa isa't isa'y binalingan ni Isagani si Orah. "Welcome sa aming pamilya, hija. Hindi ko akalain na magiging manugang kita," wika pa niya. Gumanti ng ngiti si Orah sa ama ni Khal. "Maraming salamat po. Iyong pagtanggap n'yo po sa akin ay sobrang ipinagpapasalamat ko na. At pati po itong sa amin ni Khal. 'Di ko rin po kami akalain na aabot sa ganito," sabi niya na tumingin sa nobyo at tinanguan siya. Nginitian ni Isagani si Orah at niyakap si Orah, bilang pag-welcome sa kanilang pamilya. Masaya ang naging umaga nila habang nasa harapan ng hapag. Todo ang asikaso ni Khal kay Orah at sinusubuan pa ito. Malawak ang ngiti ni Isagani na pinagmamasdan ang anak na masayang- masaya dahil kay Orah. "Tatay Isagani na talaga ang itatawag mo sa akin. Apo ko na si baby Sapphire." Pagkatapos ng umagahan ay umalis si Khal. Pupuntahan niya si Baldo. Magpapasama siya sa kaibigan para bumili ng materyales sa gagawing bahay nila ni Orah. Ito na ang simula ng panibagong nilang buhay na dalawa na magkasama. "Hanep ka, Kuya Khal. Ang galing mo! Hanga na talaga ako sa bilis mo, e. Parang kailan lang ay pinag-uusapan natin si Orah, ngayon kayo na," tatawa- tawang sabi ni Baldo. Napaharap si Khal kay Baldo, ngiting- ngiti siya na maaliwalas ang mukha. "Siyempre, pakakawalan ko pa ba si Orah. Akin na siya at hindi- hindi siya mawawala sa 'kin," may pag-aangking sagot niya sa kaibigan. Lumakas ang tawa ni Baldo saka tinapik- tapik ang kanyang balikat. "Talagang seryosohan na ito. Aasawahin mo na nga si Orah. Wala nang makakapigil sa'yo na bumuo ng sarili mong pamilya." "Wala na talaga. Para sa akin si Orah na ang babaeng makakasama ko habang buhay. Siya na lang ang mamahalin ko. Pakakasalan ko na siya kung gusto niya," sabi ni Khal. Napatigil sila nang lumapit ang trabahador sa hardware. "Ilalagay na ba lahat ang mga binili mo, Khal?" "Ah, oo, Dante. Pakiayos na lang. Magkano pala lahat?" sagot niya. "Biente mil. Iyong mga hollow blocks, graba at buhangin, ipapa-deliver ba lang namin. Mukhang mag-aasawa ka na, Khal. Sa wakas nakapili ka na rin sa mga babaeng nagkakandarapa sa'yo," wikang biro ni Dante na ikinabago ng mukha ni Khal. "Ano naman ang tingin mo sa akin, Dante, sa sinabi mo? Basta na lang pumapatol? Kilala n'yo ako dito, hindi ako nadadaanan sa mga ganyan." May diing sabi ni Khal. Naalarma si Baldo sa nakikitang galit sa mga mata ng kaibigan. Linapitan niya kaagad si Khal. Baka magkasuntukan pa ang dalawa, mahirap na. "Kalma lang, Khal. Wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko. Masaya nga ako para sa'yo. E, sino ba 'yong maswerte na babaeng pagagawan mo ng bahay?" Usisa ni Dante na ngumingisi. Masamang tingin ang ibinigay ni Khal kay Dante. Parang nakakalalaki na 'to. Kanina pa ang mga patutsada nito sa kanya, wala naman alam si Dante sa buhay niya at hindi sila close para usisain siya sa personal na buhay niya. "Wala ka na ro'n. Ang tahimik ng buhay ko. 'Wag mo na akong igaya sa'yo na maloko sa babae. Kaya kung sino- sino ang pinapatulan na lumalapit." Saglit na natahimik si Dante. Pero may kunot ang noo na nakatingin kay Khal. "Bayaran mo na, Kuya Khal. Umalis na tayo nang matapos na natin ang bahay mo," singit na sabi ni Baldo para mapunta sa kanya ang tingin ng kaibigan. Kinuha ni Khal ang wallet niya sa bulsa ng maong shorts niya at kinuha ang perang papel. Binilang ito na hindi mo makitaan ng reaksyon ang mukha saka ibinigay kay Dante ang pera. "Ito ang bayad. Pinasobrahan ko ng dalawang daan para maligayahan ka at itigil ang bibig mo sa kakasalita," saad niya habang tinatanggap ni Dante ang bayad sa mga pinamili niyang materyales. Napapakamot naman ng ulo si Dante pagkatapos. "Ang init naman ng ulo mo. Pasensiya ka na," pahabol na hingi niya ng paumanhin. Sumakay na sina Khal at Baldo sa tricycle niya at tumango na lang kay Dante. Pilit pa siyang ngumiti sa trabahador sa hardware. "Sinira ni Dante ang mood ko," nawika ni Khal. "Eh, ikaw naman kasi, kuya. Masyado kang mainit. Napaka-sensitive mo ngayon. May dalaw ka ba?" Birong tanong ni Baldo at saka ngumisi. "Isa ka pa! Ako nga'y tigilan mo ng pangangantiyaw. Magkakaroon na ako ng asawa dapat seryoso na ako sa buhay." Pinaandar na ni Khal ang tricycle niya. "Walanju! Ganoon pala ang nag-aasawa. Kaya ayoko pa talaga. Nakakawala sa sarili ang pag-ibig," bulalas ni Baldo na ikinatawa ni Khal ng malakas. Wala na siyang ibang iisipin kundi ang kanyang mag-ina. Magsisimula siya ng magandang buhay kasama sila. Magsisikap siya at mag-iipon para hindi naman nakakahiya sa kanyang asawa. Gusto niyang pakasalan si Orah sa simbahan pagdating ng panahon. Inihinto ni Khal ang tricycle sa lupang tatayuan niya ng bahay nila ni Orah. Medyo malapit ito sa kubo nila. Ayaw din niyang malayo sa mga magulang niya at kapatid. Siyempre mayroon pa rin siyang obligasyon sa kanila. Isa pa may sakit ang nanay niya. "Mang Karyo, kumusta po?" tanong niya sa katulong nila sa paggawa ng bahay. Gusto niya ay medyo matibay at hindi na kubo. Nakakahiya sa mga kapitbahay, rinig na rinig ang halinghing nila at salpukan kagabi. Napatigil ang matanda sa paghuhukay at tumingin kay Khal. "Okay naman. Ito at matatapos na namin ang paghuhukay." "Naku, salamat naman po. Oh, 'wag po kayong uuwi kaagad. Magpapaluto ako ng pagkain para sabay- sabay tayong kumain." Ibinababa naman ni Baldo mula sa tricycle ang mga materyales na binili nila. "Salamat din, Khal. Nagbabago talaga ang awra mo kapag ganito ka kasaya," turan ni Mang Karyo. Malawak na ngumiti si Khal saka tumango- tango. Balak niyang ipa-double walling ang bahay para may sound proof. Para puwedeng umungol si Orah na walang nakakarinig na ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD