(I still remember the first day I met you)
FLASHBACK
AYVA’S POV
IT WAS MY MAMA’S BIRTHDAY. Anim na taong gulang ako nang makilala ang pamilyang Villaruel. Ang kwento sa akin noon ni Papa ay may pinakamatalik na kaibigan si Mama mula sa malayong lugar. Mayaman daw ang mga ito. Pero hindi ko iyon maintindihan kaya inisip ko na katulad lang namin sila.
Nagulat pa noon si Mama nang dumating ang napakagandang babae! As in sobrang ganda pero siyempre, mas maganda pa rin ang Mama ko. Mahigpit silang nagyakap with matching iyakan pa. Ganoon siguro magmahal ang isang bestfriend. Si Papa naman ay masayang nakikipag-kwentuhan sa lalaking matangkad na kasama ng kaibigan ni Mama.
“Hi Ayva! I’m your Tita Janine, how are you?”
“Okay lang po,” sagot ko.
“Wow, I love your beautiful smile my dear. And you’re so pretty!”
“Thank you po.” Ang mga ngiti nito ay walang katulad.
“Calix baby, come here!” maya-maya pa ay tawag nito sa isang batang lalaki na katabi ng lalaking kausap ni Papa. Sumunod naman agad ito at lumapit sa kinaroroonan namin. “Calix, this is Ayva. Siya ang magiging future wife mo someday and Ayva, this is Calix. He will be your future husband.”
“Mommy, hindi pa alam ng mga bata ang sinabi mo sa kanila. Baka ma-pressure ang mga iyan,” sabad ng lalaking matangkad.
“It’s okay para habang maliit pa lang sila, maalala na nila ang magiging future nila. Right my dearest Maxine?”
“Yes, of course! But let us give them time Janine. Ang bata pa ng mga anak natin,” sabi ni Mama saka ako nilapitan at niyakap. “Do you want to play with Calix, baby?”
“I don’t like to play with her. She is too young for me,”humalukipkip ang batang lalaki sabay nguso.
“She is six years old and you are just ten! You two is a match,” sabi niTita Janine.
“Hmmmp,” tugon ni Calix.
“It’s okay Tita. Laro na lang po ako sa labas Mama. Nandoon naman po si Rachel,” ani ko.
“Yeah, it’s better for you to play with a girl because I’m a boy,” anito.
“Pasensiya ka na Ayva, baby. Ngayon lang kasi kayo nagkita ng aking si Calix kaya siya ganyan,” singit ni Tita Janine habang hinahaplos ang aking balikat.
Tumango siya at unti-unting ngumiti.
“Ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na muna sa kusina upang makakain kayo,” aya ni Papa. Sumang-ayon naman ang mga ito at naiwan ako sa sala kasama si Calix. Salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa akin.
“Bakit ganyan ang mga eyes mo? Mad ka ba?” tanong niya.
“Yes, I’m mad!”
“Bakit?”
“Because you are not fit for me,” sagot nito saka siya biglang iniwanan at sumunod na nagtungo sa kusina.
“Not for me? Not for you too, hmmp.” Lumabas na ako ng bahay.
END OF FLASHBACK
PRESENT TIME
“ANO NA KAYA ANG HITSURA NG CALIX NA IYON NGAYON?” Ang huling natatandaan ko ay ang mahahaba nitong pilikmata na dinaig pa sa akin. Matangos ang ilong nito na maihahalintulad sa mga napanood ko sa isang Australian actor. Si Marcus Vanco! Excuse me, wala siya sa kalingkingan ng iniibig ko!
“Ayva! Ayva!” narinig kong tawag mula sa labas ng bahay. “Si Rachel ito!
Halos takbuhin ko ang pinto dahil sa malakas na pagtawag ng bestfriend ko. “Rachel! Napadaan ka yata?”
“Huwag mong sabihin na nakalimutan mong dapat maaga tayo today?” Napaarko ang mga kilay nito sa akin.
“Ay, oo nga! Sige, magbibihis na ako.”
“Bilisan mo Ayva baka ma-late tayo!”
Mabilis akong nagbihis at kinuha ko ang bag ko. Napaka-importane ng araw na iyon dahil sa evaluation ng kanilang professors about their designs.
“Tara na Rachel! Mabuti na lang talaga may kaibigan akong tulad mo!”
“Asus, nambola ka pa!” Bigla na lang ito napanganga sa kanya.
“Bakit?”
“Sigurado ka bang ganyan ang ayos mo sa pagpasok?”
Patakbo akong humarap sa malaking salamin na nasa tabi ng cabinet malapit sa tv. Suot ko ang kulot na wig at isang malaking salamin na walang grado. Wala rin akong kahit na anong nilagay sa mukha. Hindi kasi ako mahilig mag-make up katulad ng iba kong kaeskwela.
“Ano ba ang mali sa suot ko?”
“At tinanong pa niya talaga,” sabi nito saka umikot ang mga mata. “May pinagtataguan ka ba o iniiwasan?”
“Hell, no!” natawa ako sa nakasimangot kong kaibigan. “Sinusunod ko lang ang bilin sa akin ni Mama,” aniya.
“Sinabi ba sa iyo ng Mama mo kung bakit kailangan mong gawin iyan?”
“Hindi, pero nagustuhan ko na rin.”
“Ang weird o sadyang naging nerd ka na sa mga pinapanood mo?”
“Feeling ko talaga magiging nerd na ako ng tuluyan,” sagot ko na lalo ikinalaki ng mga mata ni Rachel.
“Ayva, natatakot na ako sa iyo. May hindi ka sinasabi sa akin no?”
Napatingin ako sa kanya . Nagsukatan kami ng tingin sa isa’t isa. “What is it?” dagdag na tanong ni Rachel.
“Ikakasal na ako Rachel,” sabi ko. Unti-unti ko na naman naalala si Mama. Natunaw na muli ang puso ko Bakit ba kasi ang Calix na iyon eh!
“You are saying na ikakasal ka na.” Napahawak ito sa ulo saka nagpalakad-lakad. “Ayva naman! Akala ko ba sabay tayong ga-graduate?! Bakit ka nagpabuntis agad?” mangiyak-ngiyak nitong sabi. Dinaig pa ang batang inagawan ng kendi. “Alam mo naman na uso sa panahon ngayon ang tikiman lang ng luto ng tao tapos goodbye na. Bakit nag-iwan ka pa niyan?” Turo nito sa impis na tiyan niya. “Paano ba iyan, natural Ninang ako ng dinadala mo. Bestfriend tayo eh – “
“Rachel!” Natigilan ito sa malakas niyang pagtawag. “Ano ba iyang pinagsasabi mo? Walang katotohanan ang mga iyon,” aniya.
“So, hindi ka buntis? Ano lang? Nagtikiman lang kayo?”
“Sabi ngang walang totoo sa iniisip mo eh,” pinanlakihan niya ito ng mga mata. “May sulat na iniwan sa akin si Mama at kanina lang ibinigay ni Papa. Ang hiling niya ay matupad ang nais nila ni Tita Janine na magkatuluyan kami ni Calix.”
“Calix?” Iyong anak ng bestfriend ng Mama mo?” Biglang sumaya ang kanina ay malungkot na si Rachel.
Marahan akong ngumiti. “Yes. Ang pinaka-suplado, pinaka-mayabang at pinaka-antipatikong lalaki na nakilala ko sa buong mundo!”
“Pero aminin mo, gwapo iyon.”
“So? Tingnan ko lang kung pakasalan pa niya ako kung makikita niya ako sa ganitong ayos,” agad kong tugon.
“Ah, kaya pala. Mag-ingat ka lang Ayva at baka pumalpak iyang plano mo.”
“What do you mean?” Nagsalubong ang galit na galit kong kilay.
“Malay mo malaman niya ang iyang pagbabalat-kayo mo,” sabi nito.
“Bago pa niya malaman ay sisiguruduhin kong siya mismo ang tututol sa kasal,” nakangisi niyang sabi.