CHAPTER 1

1207 Words
(The most treasured heirlooms are sweet memories of family) AYVA’S POV ISANG TAON ANG MATULING LUMIPAS. Inikot ko ang mga mata sa paligid ng buong bahay. Ang dating mga kahoy ngayon ay semento na dahil sa pagsusumikap ng kanyang Papa. Ibinuhos ng kanyang ama ang lahat ng oras matapos mamatay ang aking Mama. Marahil doon na lamang nito ituon ang lahat ng kanyang atensyon upang hindi maramdaman ang labis na lungkot at pangungulila sa kanyang namayapang Mama. Natatandaan ko pa noon kung paano napuno ng masasayang alala ang dati na simpleng bahay namin. Iyon bang sapat na magkakasama lang kaming tatlo. Feeling ko ang yaman na namin. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi namin alam ni Papa na may dinaramdam na si Mama. May sakit ito sa puso na namana pa sa aking Lola. Hindi ko napigilan ang pagbalong ng luha sa aking mga mata. Isang tapik sa aking balikat ang sumunod kong naramdaman. “Ayva anak, naaalala mo na naman ba si Mama?” tanong ng kanyang Papa na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. “Papa, bakit si Mama pa? Ang bata pa niya para kunin sa atin,” pasinok-sinok kong sabi. “Sobrang name-miss ko na si Mama.” Napahagulhol na ako. “Nandito pa rin ako anak. Alam kong nalulungkot ka pa rin hanggang ngayon pero, mas malulungkot si Mama kung makikita kang ganyan.” Dahan-dahan akong hinila ni Papa upang yakapin. “May plano ang Panginoon Ayva, magtiwala lang tayo sa kanya.” Ilang minuto rin akong nakayakap kay Papa hanggang sa humupa na ang lahat ng luha ko. Tila naubos na ang mga iyon at tuluyan ng natunaw dahil sa pagmamahal na hatid ng yakap ni Papa. “Sorry Papa, ayaw kong mag-alala ka. Hayaan mo po Pa, tatandaan ko ang sinabi mo sa akin para hindi na rin malungkot si Mama,” aniya. “Okay lang iyan anak. Lahat tayo ay dumaraan sa ganyan.” Saglit itong tumalikod. “May kailangan pa la akong ibigay sa iyo, anak. Dapat ay matagal ko ng ibinigay sa iyo kaya lang nagdalawang isip ako.” Kinuha ko ang puting papel mula sa kamay ni Papa. “Mauna na ako sa trabaho, anak. Mag-ingat ka sa pagpasok sa eskwela ha?” “Pa, hindi ka ba muna kakain?” tanong ko. “Doon na, anak. May usapan kami ni Kumpareng Bong dahil birthday kaya pinagbigyan ko na,” sagot nito. “Sige po, ingat po kayo.” “Mas mag-ingat ka Ayva. Tandaan mo, walang makahihigit sa pinakamagandang prinsesa ko,” nakangiting sabi ni Papa. “Bye Pa!” Umupo ako sa mahabang sofa namin. Maaga pa naman kaya malaki pa ang oras ng aking paghahanda sa pagpasok sa eskwela. Nasa third year college na ako at kumukuha ng Architecture at Fashion Design na lihim kong pinagsasabay. Pangarap din ni Mama ang maging isang architect ngunit pagiging artista ang naging karera nito. Hilig ko ang pagdidisenyo ng mga bahay noong bata pa ko na madalas dalawa naming ginagawa ni Mama. Tumigil na kasi ito sa pag-aartista ng mabuntis sa akin. Papasikat pa lang sana ito subalit nain-love sa kagwapuhan ng aking Papa kaya nagpakalayo-layo upang mabuhay ng tahimik. Kahit na dumarami ang paunti-unting nakakakilala kay Mama ay nginingitian niya lang ang mga ito.Laging sinasabi nab aka kamukha niya ang artista na napanood nila sa telebisyon. Kung tutuusin naman kasi, walang binatbat ang mga nagsisulputang mga bagong artista ngayon kumpara sa Mama ko. Kulang na lang ay maging diyosa ito sa mundo ng fantasy dahil sa kagandang taglay nito. Ang ipinagtataka niya lang ay sinanay ako nito sa isang bagay. Ang kabaligtaran ng Mama ko. Laging niyang sinasabi na hindi naman basehan ang panglabas na anyo ng isang tao. Ang kabutihan ng puso ay siyang pinakamahalaga sa lahat. Iyon ang tumatak sa isip ko. Siguro hinahanda lang ako ni Mama na huwag manghusga sa tao ng dahil lang sa itsura o di kaya ay sa istilo ng pananamit. Kung sabagay, hindi naman ako mapiling tao. Gusto ko na maging masaya lang ako. Komportable sa lahat ng bagay. Ring! Ring! Ring! Tinakbo ko ang mobile phone na nasa loob ng bag ko habang hawak pa rin ang papel na bigay ni Papa. Isang di-kilalang numero ang tumambad sa akin mula sa screen ng mobile phone. Sino kaya ito? Ayaw pa rin tumigil ang tumatawag kahit pa ilang beses ko ng pinatay. Sa huli ay napilitan akong sagutin. “Hello?” sabi ko. “Ayva? Ikaw na ba ito?” tanong ng isang babae. Medyo maarte ang pagkakabigkas ng pagkakasabi nito na tila ba mula sa mayamang pamilya. Bakit kaya alam nito ang pangalan ko? “Ah, ako nga po. Sino po sila?” “This is Tita Janine, remember? Kami ang bumibisita sa inyo dati.” “Tita Janine? Iyong bestfriend po ni Mama?” “Ako nga! How are you my dear?” malambing na tanong nito. “Ayos lang naman po Tita, kayo po?” “I’m fine too kahit na may mga oras na nangungulila pa rin ako sa Mommy mo,” tugon nito at bahagya pang humikbi. “Sobrang miss na miss ko na ang bestfriend ko,” dagdag pa nito. “Ako rin po Tita.” “Pero we need to move on dahil mas malulungkot siya sa atin. Anyway, may ibinigay ba sa iyo ang Papa mo today?” “Ah, opo – “ “Did you read it?” Tila bigla itong na-excite. “Hi-hindi pa po Tita.” “I’ll give one hour then tatawag ako ulit ha? Make sure na basahin mo, okay?” “Sige po.” “Good girl. I’ll call you later, dear.” Nawala na ito sa linya. Naupo ako sa gilid ng kama ko saka unti-unting binuksan ang papel. Sinimulan na niya itong basahin. Sa una ay laking tuwa ko dahil galing pala ito sa aking Mama na matagal ng isinulat para sa akin. Ngunit habang patuloy ko itong binabasa ay ang unti-unti ring paglaki ng kanyang mga mata. Naitakip pa niya ang isang kamay sa kanyang bibig sa labis na pagkabigla. Paanong nangyari ang ganoon? Hindi ko lubos na maisip. Baka nagbibiro lang ang Mama ko! Napahiga ako sa kama ng wala sa oras at ilang minutong nakatulala sa kisame. Parang doon ko makikita ang sagot sa mga tanong ko. Ring! Ring! Ring! Si Tita Janine ang tumatawag. “Tita – “ “Alam kong nabasa mo na my dear Ayva, so kailan kami mamanhikan ng aming si Calix?” diretso nitong tanong. “Tita, baka nabibigla lang po kayo,” sagot ko. “It is agreed by both parties, my dear. Ikaw lang ang hinihintay namin makapagdesisyon.” “Pero – “ “Don’t worry about everything. Kami ang bahala ng lahat sa iyo. Huwag mong biguin ang kahilingan ng Mommy mo, okay?” “O-okay po.” Tila wala na akong kawala. “That’s great! Tatawag ako ulit sa iyo kapag nandiyan na ang Papa mo ha? Sige na, I know you are going to school pa, bye!” Muli na naman itong nawala sa linya. Ikakasal siya. Ikakasal siya! Oh my, kay Calix talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD