70

1128 Words

"Kuya Raffy, may vacant po ulit ako ng two hours. Puwede ko po bang puntahan ulit si Lucian?" Bumuntong hininga si Raffy. "Oo sige. Pagtapos ng klase mo. Basta, kapag malapit na ako, magpaalam ka na sa kaniya." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Lorna. "Opo! Salamat po ng marami kuya Raffy!" Nagmamadaling nagtungo si Lorna sa kaniyang classroom. Panay ang tingin niya sa orasan dahil gustong - gusto na niyang matapos ang kanilang klase. Hindi nga siya masyadong nakikinig sa kaniyang professor. At nang makaalis ito, patakbo siyang lumabas ng classroom patungo sa parking lot. "Kuya Raffy!" sigaw ni Lorna habang tumatakbo. "Wow! Talagang tumakbo ka ng mabilis para makarating dito ah!" Natawa si Lorna. "Syempre naman po! Excited akong makita ang mahal ko!" aniya sabay pasok sa loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD