"Kumusta naman si Lorna? Baka Tinatakasan ka na ng babaeng iyan," nakaarko ang kilay na wika ni Angelica. Umiling naman si Raffy. "Hindi po... nandoon lang naman po ako sa school niya. Umaalis lang po ako saglit kapag kakain ako o hindi kaya may gagawin ako. Hawak ko naman po ang schedule kaya alam ko ang oras ng klase niya at ang vacant niya. Hindi niya rin ako matatakasan dahil nakabantay lang talaga ako doon sa school. Lagi akong nakaabang kapag tapos na ang huli niyang klase." Napangiti naman si Angelica sa sagot na iyon ni Raffy. "Mabuti naman kung ganoon. Bantayan mo ang babae niyan dahil baka gumawa siya ng paraan para mapuntahan niya si Lucian. Hindi na sila pwedeng magkita pang muli. Hindi na sila pwedeng magkasama pa dahil mahirap na." "Opo ma'am. Ginagawa ko naman po ang trab

