"Medyo napalakas lang ang pagkakahampas sa ulo niya pero ayos na siya," wika ng doctor. Nakahinga ng maluwag si Gabby. "Salamat po, dok." Bumaling siya sa kaniyang nobya. "Gusto kong makulong si mama sa ginawa niya sa iyo. Pinagtangkaan niya ang buhay mo kaya dapat lang na makulong siya." "Oo, love. Talagang makukulong ang mama mo dahil kung hindi mo siya nagawang hampasin sa ulo, baka pinaglalamayan na ako. Patay na siguro ako," saad ni Lovely. "Kagaya nga ng sinabi ko sa iyo, hindi ko hahayang saktan ka niya. Kahit na magulang ko pa siya, maling-mali ang ginawa niya. At marami pala siyang kasalanan sa pamilya mo. Kaya dapat lang na pagbayaran niya iyon." Niyakap ni Lovely ang kaniyang nobyo at saka niya ito hinalikan sa noo. Gumanti rin ng mahigpit na yakap si Gabby. Mas makakahinga

