"Ayos ka lang, love?" tanong ni Lovely sa kaniyang nobyo. Tumango si Gabby at saka ngumiti. "Oo naman. Ikaw ba?" "Oo ayos lang ako. Hindi naman ako natatakot sa mama mo. Kung maldita siya, mas maldita ako. Pero nasa tama pa rin naman ako kung magmaldita. Iyong mama mo kasi hindi ko alam kung anong kinain eh. Kakaiba ang takbo ng isip. Siguro dahil iyon sa may isyu na siya dati ng pagiging krung-krung." Natawa ng mahina si Gabby. "Baka nga. Kaya ganoon na lang siya kung mag-isip. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako papayag na saktan ka niya. Kahit nanay ko pa siya. Hindi naman siya nagpakananay sa akin. Kaya wala na akong pagmamahal pa sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kaniya. Kung minahal niya lang sana ako at hindi sinasabihan ng kung anu-ano, baka m

