Nanginginig ang kalamnan ni Lucian sa galit at sa matinding kaba. Hindi niya maitatago ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon habang nakatingin kay Divine. Sigurado siyang pinasundan siya ni Divine para malaman talaga nito kung sino ang babaeng tunay niyang minahal. "Ang sama mo talaga. Kahit kailan, napakasama ng ugali mo. Kaya hindi na ako magtataka kung walang lalaking nagseseryoso sa iyo noon. Tapos na tayo lahat- lahat, gumagawa ka pa talaga ng eksena. Akala mo, mauubusan ka ng lalaki sa mundo..." nanggagalaiti sa galit niyang sabi. Ngumisi ng mapang - asar si Divine. Masaya siyang nakikitang nagagalit si Lucian. Pakiramdam niya, nanalo siya sa laban nilang dalawa. "Bakit? Ikaw ba, hindi masama ang ugali mo? Akala mo naman, santo ka. Akala mo ba hindi masakit sa akin

