"Nasaan sina mommy at daddy?" tanong ni Lucian sa dalaga. Kauuwi lang nila. Gabi na. Katatapos lang nila sa lahat. Nagtaka si Lucian kung bakit wala ang mag- asawa doon. Si Lorna lang ang naabutan niya sa sala. "Umalis sila. May pinuntahan. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Basta ang sabi sa akin ni mommy, kung matatagalan sila, baka bukas na sila umuwi..." Tinitigan ni Lorna si Lucian. Bakas sa mukha nito ang pagod dahil ito ang halos kumilos ng lahat. Kasalukuyang binubuksan ni Lorna ang mga regalong natanggap niya. Napakadami nito. Kaya nagkalat ang mga pinagbalutan doon sa sala. "Kung ganoon... gusto mo bang tabi tayong matututulog mamaya?" Nag- angat ng tingin si Lorna kasabay ng paniningkit ng kaniyang mata na para bang kinikilig ang kaniyang itsura. Habang si Lucian naman,

