"Mabuti nakauwi ka na. Kanina pa kita hinihintay..." Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Lucian sa kaniyang prinsesa. Yakap na nagbigay lakas kaagad kay Lucian. Tanggal kaagad ang pagod niya at ang galit na nararamdaman niya. Mabisang gamot talaga ang yakap ni Lorna para kumalma ang kaniyang sarili. "Pasensya ka na.. medyo busy lang po ako sa school kaya ginagabi na ako..." tugon ni Lorna. Napansin ni Lucian ang lungkot sa boses ni Lorna. "Ayos ka lang ba? Bakit parang malungkot ka?" Bumuntong hininga si Lorna bago umupo sa gilid ng kaniyang kama. Sa kaniyang kuwarto na natutulog si Lucian. Sinisigurado naman nilang dalawa na hindi iyon malalaman ng kasambahay nila doon. "Si Clark kasi... doon na niya ipagpapatuloy ang natitira niyang taon sa college. Sa ibang bansa..." Umarko ang k

