"Baka umuwi na sina mommy at daddy sa birthday mo..." Ngumiwi si Lorna. "Oh? Akala ko hindi na sila uuwi. Kasi sabi nila, busy daw sila." Nagkibit balikat si Lucian. "Iyon ang sabi sa akin ni mommy kanina nang tawagan niya ako. Bakit? Ayaw mo ba na umuwi sila?" Pinaglaruan ni Lorna ang kaniyang hinlalaki. "Hindi naman sa ayaw. Mas masaya nga kung nandoon sila sa birthday ko, pero kasi dapat hindi tayo masyadong sweet sa isa't isa." Ngumisi si Lucian sabay hawak sa baba ni Lorna. "Babawasan lang siguro natin ang sweetness natin sa isa't isa. Pero sanay naman sila na sweet tayo, 'di ba? Kasi alam nilang mahal na mahal kita at kung gaano ako kalambing sa iyo." "Basta, huwag kang masyadong maharot, ha? Iyong katulad lang ng dati ang pagiging sweet mo sa akin. Para hindi sila magtaka. Baka

