“Saan ka ba nanggaling anak?” tanong ni Angelica kay Lorna nang pumasok ang dalaga sa isang room kung saan naghihintay sa kaniya ang make up artist. Naupo si Lorna para ayusan na siyang muli. "Naglibot lang po ako saglit, mommy. Tapos nag- usap kami ng friends ko," palusot niya. "Eh bakit nagkalat ang lipstick mo sa bibig?" Bahagyang nagulat si Lorna sabay ngiti. "Sorry po, mommy may nilantakan kasi akong food. Dala ng friend ko. Nasarapan po kasi ako." Natawa ang mommy niya. "Pasaway. Kumain ka na muna bago ka magpaayos ulit." Mabilis na umiling si Lorna. "Hindi na po, mommy. Busog na po ako. Inubos ko po kasi iyong pagkain ng kaibigan ko." Natawa si Angelica. "Pasaway ka talagang bata ka. Mamaya after ng party mo, ng pa- games mo sa kanila, kumain ka ng madami ha? Para kapag nag- s

