Nakatingin lamang si Lucian sa napakagandang si Lorna. Seryoso ang kaniyang mukhang nakatingin sa dalaga. Nakikita niya sa mata ng mga kalalakihan doon ang paghanga nila sa kagandahan ni Lorna. Sino ba namang hindi nanlalaki at magniningning ang mata kung isang mala- artistang dalaga ang maglalakad sa kanilang harapan? Proud na proud at masayang - masaya ang mag- asawa habang nagsasalita sa unahan. Mayamaya pa, tinawag na siya upang mag- picture taking sa stage. Pinilit ni Lucian na ngumiti ng matamis kahit sa totoo lang, mabigat ang dibdib niya at hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil naiisip niyang, malilimitahan na naman ang pagiging sweet nila ni Lorna sa isa't isa. Lalo na't nandoon na muli ang mga magulang nito at hindi niya alam kung kailan ulit ito aalis ng bansa. "Grabe! Ang

