Tahimik si Lovely habang nasa opisina sila. Napansin naman iyon ni Gabby kaya nilapitan siya nito at saka niyakap nang mahigpit. Napangiti ng tipid si Lovely nang gumanti siya ng yakap sa kaniyang nobyo. "May problema ka ba, love? Puwede ko bang malaman kung ano iyon? Baka sakaling makatulong ako," malambing na wika ni Gabby. Bumuga ng hangin si Lovely bago tumingin sa kaniyang nobyo. "Mayroong problema. At tungkol sa atin ang problema." Namilog ang mata ni Gabby bago lumunok ng laway. "Problema? Bakit? Anong mayroon? Ayaw ba sa akin ng mga magulang mo?" Mabagal na umiling si Lovely. "Hindi sa ayaw nila sa iyo, love. Ayaw nila sa nanay mo." Umarko ang kilay ni Gabby bago bumuntong hininga. "Naiintindihan ko dahil hindi naman kasi kaaya-aya ang ugali ni mama. Sa totoo lang, nagpunta ak

