"Ano ang gagawin natin?" kagat labing tanong ni Lorna. Bumuga ng hangin si Lucian. "Ayokong mapahamak ang anak natin sa kamay ng babaeng iyon. Sa tingin ko, hindi pa niya alam na anak natin si Lovely. At kapag nalaman niya, malamang pahihirapan niya ang anak natin para makaganti siya sa atin. Dapat na maghiwalay silang dalawa. Hindi puwedeng magkatuluyan sila dahil gulo lang ang mangyayari. Mapapahamak lang ang anak natin at ayokong mangyari iyon." Mariing napapikit si Lorna sabay hawak sa kaniyang sintido. "Ibig sabihin, malaki na pala si Gabby noon habang magkarelasyon kayong dalawa ni Divine?" "Oo tama ka. Ganoon na nga. Kaya pala hindi siya nagkukuwento sa akin masyado tungkol sa buhay niya. Madalas kapag nagtatanong ako, iniiba niya ang usapan. Iyon pala, may anak na pala siya sa u

