"Anak! Wala na akong pera dito. Pasensya ka na natalo na naman ako sa libangan ko. Baka naman puwedeng pahingi ako? Nang maging masaya naman ako dito?" wika ni Divine na kausap ni Gabby sa video call. Bumuga ng hangin si Gabby. "Ma, wala na po akong pera dito. Iyong halos buong sahod ko nga po sa inyo ko na ibinigay eh. Sinabi ko naman sa iyo na puwede kayong maglaro pero huwag niyong ipatalo ang lahat ng pera niyo. Pambili niyo ng pagkain iyan eh!" "Sinisigawan mo ba ako, Gabby? Anong klase kang anak?! Bakit nagagawa mong sigawan ang nanay mo? Bakit? Dahil ikaw na ang nagbibigay sa akin ng pera? Alam mo, tanga ka rin eh! Alam mo namang mayaman ang girlfriend mo, bakit hindi mo siya hingan ng pera? Gamitin mo ang utak mo, Gabby! Hingan mo ng pera ang girlfriend mo! Useless lang ang pagka

