"Love? Kailan mo pala ako balak ipakilala sa pamilya mo?" Nakagat ni Lovely ang kaniyang pang-ibabang labi. "Ahm.. okay lang ba na sa susunod na? Baka kasi magulat si daddy. Kay mommy naman sure akong hindi iyon magagalit. Nasa hustong gulang na ako para magka-boyfriend. Pero si daddy kasi baby girl pa rin ang tingin niya sa akin." Tipid na ngumiti si Gabby. "Naiintindihan ko. Sige ayos lang. Ang mahalaga, naipakilala na kita kay mama." "Salamat, love." Niyakap ni Lovely ang kaniyang nobyo at saka ito hinalikan sa labi. Medyo nakokonsensya siya dahil kitang-kita niya ang lungkot sa mata ng binata ngunit ayaw na muna niyang ipakilala ang binata sa mga magulang niya. Tama naman ang kaibigan niya. Hindi pa niya lubusang kilala si Gabby. At baka mamaya, may iba pa lang ugali ang kaniyang n

