"Lagi ka raw kumain ng gulay at prutas, ha? Iyon ang kailangan mo. Kailangan ng katawan mo dahil tatlong buhay ang nasa sinapupunan mo. Hayaan mo, dito na ako titira kasama ka. Magpapaalam ako kay daddy..." Nanlaki ang mata ni Lorna. "Huwag! Mas mainam na makasama mo ang daddy mo. Kailangan kayong dalawa ang matagal na magkasama dahil matagal na panahon ka niyang hinanap. Matagal na panahon ka niyang gustong makasama. Kaya ayos sa akin kung dadalawin mo na lang ako dito." Bumuntong hininga si Lucian at saka niya hinaplos ang pisngi ni Lorna. "Magkakaroon na tayo ng anak. At hindi biro ang pinagbubuntis mo dahil tatlong sanggol ang nasa loob mo. Kaya hindi kita dapat pabayaan. Kauusapin ko na lang si daddy. Para makasama ko kayong dalawa, doon ka na lang tumira sa bahay. Malawak ang bahay

