"Hi, Lorna!" Kumunot ang noo ni Lorna nang sumalubong sa kaniya ang isang guwapong lalaki na mayroong kulay asul na mata. Hindi niya maipagkakailang guwapo ito ngunit para sa kaniya, mas guwapo si Lucian. "H- Hello?" patanong niyang sabi. "Ang ganda mo pala talaga. Akala ko sa picture ka lang maganda. Well, hindi na ako kokontra pa sa desisyon ng mga magulang ko na ikasal sa iyo," nakangiting sabi ng binata. Nagsalubong ang mga kilay ni Lorna. "Ano? Kasal? Anong pinagsasabi mo?" "Siya ang lalaking pakakasalan mo, Lorna. Sa susunod na buwan na ang kasal ninyo," biglang sabi ni Angelica na sumulpot kung saan. "Ano?! Nababaliw na ba talaga kayo?! Hindi ko pakakasalan ang lalaking iyan! Hindi ako magpapakasal sa kahit na sino!" galit na sigaw ni Lorna sa kaniyang ina. Tumaas ang kilay

