Kanina pa kinakabahan si Lucian habang naghihintay sa lugar na pinag- usapan nilang dalawa ni Angelica. Nag- message ito sa kaniya na gusto niyang makipagkita dahil may pag- uusapan silang dalawa. "Lucian...." Kulang na lang tumalon ang puso ni Lucian sa gulat nang lumitaw mula sa kaniyang likuran si Angelica. Tiningnan nito si Lucian. Tingin ng isang taong nanghuhusga. Napalunok ng laway si Lucian at tila nanliit. Pakiramdam ni Lucian may kaharap siyang taong masyadong matayog samantalang siya ay nasa ibaba lamang. "Hindi na ako magpapaligoy- ligoy pa... layuan mo ang anak ko at kalimutan mo na siya. Iyon na lang ang hiling ko sa lahat ng kabutihan namin sa iyo ni Joseph. Nangako ka sa amin noon. Nasaktan ako ng sobra sa ginawa mo. Parang dinurog mo ang puso ko. Nagtiwala ako sa iyo p

