"Seryoso ka ba diyan?" Bumuntong hininga si Lucian. Namumugto ang kaniyang mga mata kaiiyak kagabi. Sa totoo lang, ayaw niyang sumuko sa pagmamahalan nilang dalawa ni Lorna ngunit wala ma siyang magagawa pa. Masyadong ginalingan ni Angelica sa pag - arte kaya akala ni Lucian, totoo ang pinakita sa kaniya ni Angelica. Mahal niya kasi ang mag- asawa. Lalo pa't ito ang nagpalaki sa kaniya. Ito ang nagmahal sa kaniya bilang isang tunay na anak. Kaya talagang nadala si Lucian sa pangongonsensya sa kanya ni Angelica. "Oo sigurado na ako.... malaki ang utang na loob ko sa mga magulang ni Lorna. Nasaktan ko ang damdamin nilang mag- asawa. At tama si mommy Angelica, walang magiging buhay sa akin si Lorna. Masisira ko lang ang buhay niya. Hindi naman ako mayaman katulad nila. Mararanasan lang ni L

