“Mr. Harris, humihingi po ulit kami ng tawad mag- asawa sa nagawa namin sa anak ninyo. Sana po ay mapatawad niyo kami at magkaroon po tayo ng maayos na samahan bilang mga magulang ng mga anak natin…” nahihiyang sabi ni Angelica. Ngumiti si Mariano. “Wala na iyon. Burahin niyo na sa isipin niyo. Mag- asawa na ang dalawa kaya dapat na maging mabuti tayong ehemplo sa kanila. Ang dapat na lang natin isipin ngayon ay ang pagtuturo natin sa kanila ng mga dapat nilang gawin bilang first time na parents." Nagkatinginan sina Joseph at Angelica. Gumaan na ang kanilang pakiramdam. Nawala na ng tuluyan ang bigat sa kanilang dibdib dahil napatawad na sila ni Mariano. Nalugi man ang negosyo nila, hindi na masama ang loob nila. Iniisip na lang nila na kasalanan naman nila iyon kaya nangyari iyon sa kan

