Dumating ang araw na pinakahihintay nina Lucian at Lorna. Ang araw na mas lalong magpapatibay ng kanilang pagmamahalan. Ang araw ng kanilang kasal. Napuno ang mga upuan sa simbahang iyon at ang iba, naroon na sa reception. Kinakabahang nakatingin si Lucian sa pinto habang naghihintay sa pagpalit sa kaniya ng kaniyang mapapangasawa. Mayamaya pa, bumukas na ang malaking pinto ng simbahang iyon at iniluwa ang isang napakagandang bride na walang iba kun'di si Lorna. Agad na tumulo ang butil na luha sa kaniyang mga mata habang hinihintay si Lorna patungong altar. Napaiyak na rin si Lorna. Kinuha ni Joseph ang tissue upang punasan ang luha ng kaniyang anak. Nang makalapit sila kay Lucian, iniabot niya ang kamay ng kaniyang unica hija kay Lucian. "Ikaw na ang bahala sa anak namin. Mahal na maha

