Masayang nagtatawanang sina Lucian at Lorna nang maka- received si Lorna ng message mula kaniyang ina. Napatitig siya doon at saka sinabi ito kay Lucian. "Makipagkita na tayo sa mommy mo. Kahit ano pa ang sabihin natin, magulang mo pa rin siya. Baka nagsisisi na siya sa mga nagawa niyang kasalanan. At isa pa, siya pa rin ang babaeng nagluwal sa iyo. Hayaan mo na kung ano ang nagawa niya sa akin. Ayokong magkaroon kayo ng hidwaan ng magulang mo nang dahil lang sa akin," malamyos ang tinig ni Lucian sabay hawak sa kamay ni Lorna. Awtomatikong gumalaw ang labi ni Lorna at gumuhit ang ngiti doon. Lalo siyang napapahanga sa kabutihang taglay ng lalaking kaniyang kaharap. Kaya nakikita niya kay Lucian na magiging mabuting asawa ito at mapagmahal na ama sa kaniyang anak. "Sige, halika na. Punt

