"Ibang klase ka talaga... ang lupit mo..." ani Lorna sabay hagikhik. Nakatatlong rounds pa kasi silang dalawa. Walang kaalam - alam si Lorna na pupunlaan na siya ni Lucian. Nakangiti lamang si Lucian habang pinupulot ang nagkalat niyang damit sa lapag. Kalahating oras na lang ang natitira kay Lorna. Mamaya susunduin na siya ni Raffy. "Ang bilis ng oras. Mami- miss na naman kita. Bukas, ilang oras vacant mo? Sana puwede tayong magsama ulit...." malungkot na wika ni Lucian. Bumuga ng hangin si Lorna sabay haplos sa pisngi ni Lucian. "Tiis lang muna tayo sa ganito. Ang mahalaga, alam na nila na nagmamahalan tayong dalawa. Ang dasal ko na lang sana matanggap nila tayo. Dahil alam kong ikaw ang lalaking nakatadhana sa akin. Ayoko sa iba. Gusto ko ikaw lang." Tipid na ngumiti si Lucian. "Ga

