"Ilang oras ang vacant mo ngayon, ma'am?" tanong ni Raffy sa dalaga. "Two hours po, kuya Raffy..." sagot ni Lorna. "Okay sige aalis tayo ngayon ma'am. Mahaba na ang two hours 'di ba? Ihahatid ko kayo kung nasaan ngayon si sir Lucian. Nag- message na ako sa kaniya." Halos tumalon sa tuwa si Lorna sa sinabing iyon ni Raffy. Dali - dali siyang sumakay sa sasakyan kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Ilang araw din silang hindi nagkasama ni Lucian kaya sobrang miss na miss na niya ang binata. Mabuti na lang talaga, mabait si Raffy kaya tutulungan sila nito para magkasama silang dalawa. "Dito nakatira siya nakatira ngayon?" tanong ni Lorna nang mahinto sila sa isang gusali. May dalawang palapag ang dalawang gusali doon. Isa iyong apartment. Doon na nakatira si Lucian dahil nahi

