"Ngayong gabi ka pupunta sa unit, 'di ba?" Bumuga ng hangin si Lucian. “Masyado ka naman yatang excited? Sabik na sabik lang na makasama ako?” Ngumisi si Divine. “Palagi naman akong sabik na makasama ka, Lucian. Ikaw lang naman ang hindi sabik na makasama ako. Pero ayos lang. Wala namang problema iyon sa akin. Ang mahalaga, nakakasama kita. Naaagawan ko ng oras si Lorna.” Matalim siyang tinitigan ni Lucian. “Kupal ka talagang babae ka. Ang tagal mo namang maglaho. Gusto na kitang maglaho sa buhay ko.” "Hindi ako basta maglalaho sa buhay mo, Lucian. Hindi mangyayari iyon. Mananatili ako sa tabi hangga't gusto ko. Mananatili akong kaagaw ng babaeng iyon mula sa iyo. Kaya kung gusto mong makasama ang babaeng iyon, sumunod ka sa akin. Sumunod ka sa kondisyon ko kung ayaw mong malaman ng mg

