"L- Lorna... l- let m- me e- explain..." Patuloy ang pag- agos ng luha ni Lorna sa kaniyang mga mata. Nilapitan siya ni Lucian at akmang hahawakan ngunit isang malakas na sampal ang ginawad niya sa binata. Parang namanhid ang mukha ni Lucian sa lakas ng sampal ni Lorna. Nakatingin lamang sa kanilang dalawa si Divine na para bang nasisiyahan pa ito sa nangyayari. Habang si Geraldine naman ay nakatayo lamang sa tabi at nakatikom ang bibig. "P- Paano mo nagawa sa akin ito? P- Paano mo a- ako nagawang l- lokohin?" garalgal ang boses ni Lorna na halos pumiyok na habang nagsasalita. Nangingilid na rin ang luha ni Lucian sa kaniyang mga mata. Masakit para sa kaniya na makitang lumuluha ang babaeng kaniyang mahal ngunit siya ang dahilan kung bakit iyon nangyari. Gustong magwala ni Lorna sa mga

