"What?! Seryoso? Daddy mo si Mr. Mariano Harris? Alam mo bang bilyonaryo ang daddy mo? Lowkey lang siya pero napakayaman niya! Bihirang- bihira kasi siyang lumabas sa telebisyon at social media dahil ayaw niya. Tangina, Lucian. Ang yaman mo pala! Napakayaman mo!" bulalas ni Mannex matapos ikuwento ni Lucian ang lahat. "Sira ka! Umayos ka nga. Ako pa rin ito. At saka si daddy ang mayaman hindi ako," saad naman ni Lucian. Siniko siya ni Mannex. "Iyon na nga. Daddy mo siya. Anak ka niya! Lahat ng mana niya, lahat ng yaman niya, sa iyo mapupunta. Ano ngayon ang mommy ni Lorna? Wagas kung lait- laitin ka at maliitin pero walang - wala pala siya sa yaman ng pamilya mo?" Napayuko si Lucian. Naisip na naman siyang bigla si Lorna. Tila dinudurog na naman ang kaniyang puso. "Kahit ano pang sabihi

