"Gabby... ano kasi... may pera ka pa ba? Puwede ba akong makahingi ng kaunti?" wika ni Dina mula sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Gabby na bahagyang humigpit ang hawak sa kaniyang cellphone. Kasalukuyan siyang nasa kaniyang inuupahang bahay day off niya ngayon. Mamaya, lalabas silang dalawa ni Lovely para mag-date. Ilang oras pa lang silang hindi nagkikita ng dalaga ngunit miss na kaagad niya ito. "Bakit po? Hindi po ba sobra-sobra na ang ipinadala ko sa inyo noong nakaraang Linggo? Halos buong sahod ko na po ang ipinadala ko sa inyo ni mama. Bakit naubos po kaagad?" tanong niya sa kaniyang tiyahin. Rinig niya ang paghinga ng malalim ni Dina. "Gabby, sa totoo lang sobra na iyon para sa isang buwan naming budget dito at may matitira pa pero kinuha ng mama mo." "Kinuha?" "Oo... hin

