96

1006 Words

"Wow..." mahinang usal ni Lovely nang makita si Gabby. Papasok na sana siya nang elevator nang makita niya ang kararating na binata. Kitang - kita niya ang ningning sa mga mata ng mga babaeng empleyado doon. Nakanganga pa nga ang iba habang nakatingin kay Gabby. Paano ba naman, napakaguwapo ng binata sa suot niyang formal attire. Aakalain nga ng ibang tao na hindi siya empleyado doon. Na para bang may mataas siyang posisyon. Sa tindig pa lang ni Gabby, hindi mahahalatang laki siyang probinsya. Mukha siyang sikat na businessman. "Magandang umaga po, madam Lovely. Ito ang unang araw ko bilang personal secretary ninyo at asahan niyo pong gagawin ko ng maayos ang aking trabaho," ani Gabby at saka gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Ang ngiting nagpapakabog ang dibdib ni Lovely.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD