"Wala ka pala kahapon sa bahay ninyo. Dumaan ako doon kahapon para sana magpasama sa iyo kahapon," wika ni Gabby sa kaniyang kaibigan na si Earl. "Oo umalis ako. Pasensya ka na kung hindi kita nasamahan. Kung gusto mo, ngayon tayo umalis. Dapat lang talaga na iniikot mo ang lugar na ito lalo na't dito ka na nakatira," sambit ni Earl. "Sabagay tama ka. May nahanap na akong trabaho. Staff ako sa kilalang brand ng sapatos. Bukas na ang start ko. Mabuti nga natanggap agad ako," nakangiting wika ng binata. Bumuntong hininga si Earl. "Kumusta naman ang mama mo? Nagulat lang talaga ako sa kwento mo. Naisip ko lang na... masakit iyon para sa iyo. Tinago ka niya dahil anak ka niya sa una para mahalin siya ng nobyo niya noon." Malungkot na tumango si Gabby. Naikuwento niya kasi ang buhay niya ka

