Halos maubos na lahat ni Gabby ang mga dinala niyang pagkain. Kung kaya naman nag- order kaagad ng pagkain si Lovely para sa kanila. Apat na silang nanunuod ng palabas sa munting sala na iyon. Ngunit hindi makapag- focus sa panunuod si Lovely dahil binabantayan niya si Gabby. Hindi niya alam kung bakit tila may parte sa kaniya na gustong sulyapan ang binata. Kaya iyon ang kaniyang ginagawa. Palihim niyang sinusulyapan ito. Tumabi siya ng husto kay Cel. "Pst. Hindi naman sa ano... pero may katakawan din pala si Gabby 'no?" bulong niya sa kaibigan. Muntik ng matawa ng malakas si Cel ngunit napigilan niya. "Loko ka talaga. Sabik kasi siya sa mga ganiyang pagkain. Sa probinsya kasi no'ng nasa probinsya siya, bihira kang siyang makakain ng ganiyan. Bilang nga lang yata sa kamay. Iyon ang nar

