"Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Natigil si Lorna sa kaniyang pagkain ng biglang sumulpot sa kaniyang likuran si Lucian. Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara bago nilingon ang binata. "Hangga't gusto ko. Ano bang pakialam mo?" mataray niyang sabi. Huminga ng malalim si Lucian bago naup sa kanyang harapan. Umirap si Lorna bago niya sinalubong ang mainit na tingin sa kanya ng binata. "Uulitin ko sa iyo.... walang nangyari sa amin ni Divine. Hindi ko magagawang makipagtalik sa ibang babae dahil ikaw lang ang mahal ko ngunit naintindihan ko naman kung hindi mo ako paniniwalaan. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo, mahal na mahal kita, Lorna. Alam kong isang malaking katangahan ang ginawa ko.... ang hindi ko pag- amin sa iyo ng kasunduan naming dalawa kaya para sa ikatatahimik mo, kun

