"Naku, Lucian hindi ko alam ang gagawin kapag ganiyan. Wala akong alam sa ganiyan eh. Kasi hindi ko pa naman nasusubukang magsinungaling sa naging girlfriend ko. Talagang sinasabi ko ang totoo kahit na alam kong ikagagalit niya. Kasi mas madali kang mapapatawad ng babae kapag nagsasabi ka agad ng totoo kahit na alam mong magagalit siya," paliwanag ni Mannex sa kaibigan. Nakatingin lamang si Lucian sa hawak niyang folder. Hindi niya alam ang gagawin niya. Nakatulala lamang siya. Walang pumapasok sa isip niya. Wala siyang masabi. Wala siyang magawa. Nakatulala lamang siya. Para siyang naging hangin kay Lorna at hindi siya sanay sa ganoong trato sa kanya ng dalaga. Sanay siya na sweet silang dalawa. Nagyayakapan at naglalapat ang mga labi. Ngunit paano nga ba mangyayari iyon kung galit na

