"Tinatamad ako pumasok bukas sa company. Bahala na iyong dalawa kong kapatid do'n. Kaya na nila iyon," nakangising wika ni Lovely. "Hoy! Ang tamad mo talaga! Huwag ganoon. Kawawa ang dalawa mong kapatid. Lalo na iyong isa. Si Lazarus. Halos doon na yata nakatuon ang atensyon niya sa kompanya niyo. Mukhang wala na yatang balak magkaroon ng nobya!" Tumawa si Lovely. Kahit siya rin ay napapaisip kung may balak pa bang magkaroon ng nobya ang kaniyang kambal. Sa kanilang tatlo, ito ang may sariling mundo at masyadong seryoso sa buhay. Madalas ay pinagsasabihan siya nito ngunit hindi siya nakikinig. Hindi porke sa pamilya naman nila ang kompanyang iyon, wala na siyang gagawin. Sadyang pasaway lang talaga si Lovely. May pinagmanahan ika nga. Parang ang kaniyang ina lamang na si Lorna noong dala

