Ate de Pamilya NAG-AAGAW antok na dumilat-pumikit ang mga mata ng dalaga. “C-Cristina...” Mahinang tawag ni Mireng. Paos ang tinig nito at ang pagdaing ay sinisikap pigilin. Nakahawak ito sa tiyan at namimilipit sa sakit na nararamdaman. Butil-butil ang malamig na pawis sa noo, mukha at leeg. '”C-Cristina, apo...'' Muli nitong sambit sa pangalan ng dalaga. Mariing kagat ang pang-ibabang labi upang kahit papaano’y maibsan ang paghihirap na nadarama. Nang marinig ang tila nagsusumamong boses ng lola, napabalikwas nang tayo ang dalaga. Nawala ang antok nang makitang namimilipit sa sahig ang matanda. Namumutlang animo ibinabad sa suka. “Lola! Bakit? Ano’ng nangyayari sa’yo?” Agad siyang lumapit at sinaklolohan ang matandang hindi makapagsalita dahil sa tinitiis na sakit. Ang matin

