Pagsubok sa unang araw MAAGA pa lang kinabukasan ay nakahanda na si Cristina. Naihanda na niya ang mga kakailanganin ng dalawang kapatid na mag-aasikaso at magbabantay sa lola nila. Matapos paulit-ulit bilinan sina Romer at Mercedes, lumabas na siya upang pumunta sa junk shop na suki. Ngayon na ang umpisa ng kanyang pagiging ate de pamilya. Tulak ang kariton at malakas na pagsigaw ng ‘bote at diyaryo’, nag-umpisa na si Cristina sa pangangalakal. Hindi niya alintana ang mainit na sikat ng araw na humahalik sa kanyang balat. Pinilit niyang sanayin ang sarili sa mga matang nakatingin sa kanya. Hindi naman lahat ay nang-uuyam at lantarang nagtatawa sa kanyang itsura. Mayroong humahanga at pumupuri sa kanyang kasipagan at paghahanapbuhay ng parehas. “Hindi ako nahihiya dahil wala akong

